"Kisses ako na maghuhas niyang mga kinainan. Manuod ka na lang ng tv."
"Ate May. Ako na. Kaya ko na to. Magpahinga ka na. Kanina ka pa linis ng linis diyan."
"Kisses naman. Nahihiya na ko kasi nakikitira na nga ako dito, wala pa kong maitulong. Sa ganito man lang makatulong ako. Tsaka alam mo namang ginagawa ko to para makalimot ako." Pag-amin ko sa kaniya.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung mag-audition ako sa drama club. Isang linggo na din akong di mapalagay dahil sa kahihiyang ginawa ko.
Nilapitan ako ni Kisses at niyakap ako.
"Ate May. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Sabi ko naman sa'yo magiging okay lahat. Di mo naman sinasadya. Nadala ka lang."
"Oo nga eh. Pero kasi nakakahiya talaga yung ginawa ko. Kung narinig niya ko. Wala na kong mukhang maihaharap dun sa tao. Isa pa baka di nila ako ipasa dahil dun."
"Tiwala lang Ate May. Tapusin na natin tong mga gawaing bahay. Pupunta pa tayo sa school diba?" Pagpapa-alala niya sa akin.
"Ngayon nga pala malalaman yung mga pumasa sa drama club nuh? Sige bilisan na natin."
😨
Hinahatak ako ni Kisses papasok ng gate kasi parang nagdadalawang isip akong tumuloy.
"Ate May tara na!" Ayaw kong bunitaw sa gate ng school.
"Dito na lang ako Kisses. Ikaw na lang tumingin."
"Ay bahala ka. Iiwan talaga kita diyan. Hindi ko din sasabihin sa'yo kung pumasa ka o hindi." Tinalikuran ako ni Kisses at nauna nang maglakad.
"Uy Kisses wait lang. Ito naman eh." Napilitan ako sumunod sa kaniya. Huhuhu.
Alam ko namang medyo malabo na talagang pumasa ako. Hinahanda ko na ring maghinto muna sa pag-aaral. Pero siyempre 2% ko ay umaasa pa din na papasa ako. Lord. Bahala na po kayo.
Dumiretso kaming dalawa sa mga bulletin boards ng university clubs. Hindi ko ma-explain yung kaba ko. Parang may masamang hangin na gustong lumabas. Haha
"Ate May. Napakadaming tao." Humahanap si Kisses ng pwedeng lusutan para makasingit sa mga tumitingin ng results.
"Wag ka ng sumingit Kisses. Baka mamaya matapakan ka pa. Hintayin na lang natin silang matapos." Pigil ko sa kaniya.
"Sigurado ka Ate May? Di ka ba excited sa results." Umiling lang ako.
Paano ako mae-excite? Huhuhu. Nawawalan ako ng pag-asa. Paktay na bai.
Sobrang daming students na nag-uunahan tingnan ang results. Maraming umaalis ng malungkot. Ganyan din ba ang reaksiyon ko mamaya? Huhuhu. Di na nga papasa. Di pa makakapag-aral.
"Sumisimangot ka na naman Ate May. Ginawa mo naman lahat ng kaya mo diba?" Kinurot kurot niya pisngi ko.
Sunod sunod nang nagsi-alisan yung iba. Unti-unti kaming lumapit sa bulletin board.
Lord. Anuman po ang maging result. This is your will. Maymay hindi matatapos ang pangarap natin dito.
Inisa-isa ko ang mga pangalan. 1, 2, 3, 11 nakarating sa ko 30+ wala pa rin ang pangalan ko.
"Ate May! Ate May! Ate May!" Napuno ng boses ni Kisses ang tenga ko.
Tiningnan ko yung tinuturo niya.
45. ENTRATA, MARYDALE
Waaaaahhhhhhhh. 😢😢😢😢😢
Parang sasabog ang puso ko sa saya. Wala akong pakialam kung nasa pinakadulo ang pangalan ko. Nagtatalon kami.As in. Pinagtitinginan talaga kami ng iba. Wahhhhhhh. Thank you Lord. Di ko to inaasahan talaga.
"Teka Ate May. May nakasulat sa ibaba."
"The second part of the audition is scheduled at 1pm today. Please prepare a scene from a famous movie." Basa ko sa nakasulat.
"OMG! Ate May. We need to go. Magpapraktis ka pa. Memake up-an pa kita."
"Tama. Tama. Magkakabisa pa ko ng lines. Hala. Super excited na ko baby girl. Di ko na palalagpasin to. Itotodo ko na talaga." Masaya kaming naglakad papuntang students' lounge.
😕
"Lahat ng auditionees gather here." Utos ni direk.
Nandito na ako sa loob ng auditorium kasama ang ibang nagqualify sa first stage. Nandito rin lahat ng members ng drama club. Siyempre andito siya. Ang lalaking iniiwasan ko. Huhuhu. Huwag sana siya matingin sa gawi ko.
"We'll be having the second part of the audition. I'm explaining what you'll do. Kaya ko kayo pinapakabisa ng lines kasi you're going to perform it in front of us. But this time hindi lang kayo. You'll be performing with one of the members of the drama club."
Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga kasama ko. Kinakabahan ako. Baka mamaya mailang ako sa makakapartner ko.
"Ako ang pipili ng partner niyo. And the good news is, for those who will qualify, consider this as your audition for the roles na kakailanganin namin para sa film festival. So it's like hitting 2 birds with one stone. Naiintindihan?" Tanung niya sa lahat.
"Yes direk." Sagot namin.
Pinaupo muna kami at pinagready. Pinabunot din kami ng mga number namin para malaman kung sinong mauuna.
Nakita kong lumapit yung Edward kay Direk at mukhang may pinag-uusapan silang seryoso. Nang biglang tumuro si Direk sa gawi ko at tumingin din yung Edward sa gawi ko. Bigla akong nagtakip ng mukha.
Hala. Bakit sila nakatingin sa tapat ko? Paktay na. Pano kung sinasabi niya kay Direk na wag akong ipasa kasi narinig niya ako. Huhuhuhu.
Pero bago ko isipin yan. Iisipin ko muna ang gagawin ko mamaya kasi number one lang naman ang nabunot ko. Pag sineswerte tlaga ako. Nakakaloka.
"Number one."
Pinapasok na ako sa auditorium. Naiwan yung ibang mga auditionees sa labas.
"Hi Ms. Entrata." Bati sakin ni direk at nung adviser.
"Good afternoon po mam, sir." Sagot ko.
"What will be your piece?" Tanung ni direk.
"Yung famous na batuhan po ng lines ni Cali at Gio sa My Ex and Whys." Siyempre ito talaga pinili ko kasi andun si Enrique my loves. Kabisadong kabisado ko yun.
"Oh. Good choice. So you'll be needing a male partner." Iginala ni direk ang mata niya sa paligid. Tinitingnan niya ang members ng drama club.
Kinakabahan na naman ako. Baka mawala ako sa focus. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko.
"Ms. Marydale. You're going to act with Edward."
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fiksi Penggemar[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆