MAYMAY' POV
"Edward, si Yong hinahabol ng taumbayan."
Kinuha ni Edward ang kamay ko at tumakbo kami.
Sobrang bilis tumakbo ng mga lalaking humahabol kay Yong.
"We need to block them." Sabi ni Edward.
"Mga kuyaaaaaaaaa! Hindi po siya snatcher!" Sigaw ko habang tinuturo si Yong.
Hatak hatak lang ako ni Edward. Mas mabilis kasi siyang tumakbo.
Nakita kong sinusundan na kami nila Kuya Nikko.
"Maymay. Kami nang bahala sa mga humahabol. Puntahan niyo si Yong!" Sabi ni Kuya Nikko.
Nagtatakbo kami ni Edward papunta kay Yong.
"Yong!" Sigaw ni Edward.
"Yong!" Sigaw ko din.
Naharangan na nila Kuya Nikko yung nga humahabol.
Huminto na si Yong sa wakas.
"Teka. Teka. Hihinga muna ako." Bumitaw ako kay Edward.
"Yong. Stop right there." Utos ni Edward.
"Wala na ba yung humahabol sa akin bai?" Tanung ni Yong.
"Bakit kasi nag leather jacket ka pa?" Usisa ko.
"Eh dapat daw gwapo eh." Pagdadahilan niya.
"You should have been careful." Usal ni Edward.
"Oo nga naman. Paano kung kinuyog ka talaga ng mga yun?" Nag-aalala kong tanung.
"Malay ko ba kasi sa role ko. Eh kayong dalawa namilit sa'kin dito." Paninisi niya.
"We have nothing to do with it." Depensa ni Edward.
"Oh tama na. Wag na kayo mag-away. Ang mahalaga okay si Yong." Awat ko sa dalawa.
"Bakit ba kasi nila ko hinabol agad?" Pagtataka ni Yong.
"Hindi ko din sila masisi eh. Mukha ka daw kasing wanted." Tumawa ko ng malakas.
"Your face do not seem to be trustworthy." Gatong ni Edward.
Nag-apir pa kaming dalawa.
"Alam niyo bagay nga kayo. Lagi niyo ko pinagkakaisahan eh." Sumimangot si Yong at bumalik sa tent.
Tumatawa pa rin kami ni Edward.
"I thought yung sinasabi ni Kuya Nikko na nanakawin ni Yong in the script is your heart. I didn't expect na literal palang magnanakaw. Hahaha!" Wala siyang tigil sa pagbungisngis.
"Oy tama na. Baka magalit na si Yong." Bawal ko sa kaniya.
"You can't blame me. Everybody wants to steal my girl."
EDWARD's POV
We are getting ready for the last scene.
I hope we can do it in just one take.
"Edward. Paabot naman ako nung script." Maymay requested.
"Here." I handed her the folder.
"Ikaw? Hindi ka ba magkakabisa ng lines?"
"Hindi na. I talked to Kuya Nikko. Since this scene is an intense one. I decided not to memorize the lines. I just read how the conversation will go."
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfic[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆