"Ako. Ako ang kadate mo."Nakatitig siya sa akin habang hawak ang flowers at chocolates.
"Bwahahahahaha! Best friend, pwede ka ng mag-artista. Ang galing mong umarte ah. Muntik mo na ko mapapaniwala. Nakakainis ka. Pero in fairness ang ganda ng flowers ha. Tsaka mukhang mamahalin tong chocolates. Sabihin mo diyan sa nirereto mo sakin, thank you dito." Kinuha ko sa kaniya ang mga inaabot niya.
"Hindi naman ako umaarte. Seryoso ako." Hinawakan niya ang kamay ko sabay tingin niya sa akin ng seryoso.
"Ha? Ano?" Pagtataka ko.
"I'm your date." Mabagal pero malinaw niyang sabi.
"Anung ibig mong sabihin? Naguguluhan ako." Hinatak ko ang kamay ko sa kaniya.
"Wala talaga akong irereto sa'yo. Dahil ako, ako ang makakadate mo."
"Anoooo? Bakit mo ko ide-date? Hindi mo naman ako gusto? Pina-prank mo ba ko, nasaan yung camera? Dali kakaway na ko." Tumingin tingin ako sa kisame.
"Sino may sabi sayo na hindi kita gusto? Gusto kita." Tumabi sa akin si Edward.
"Hindi. Hindi to pwede. Mag-bestfriend tayo." Pilit ko.
"Eh anu naman? Matagal ko na tong gustong sabihin, kaso wala eh. Busy ka sa iba. Di mo ko nakikita." Malungkot niyang sabi.
.
"Magkaibigan tayo. Walang talo-talo. Tsaka imposible na magustuhan mo ko.""Bakit naman? Ang daming bagay na kagusto-gusto tungkol sa'yo." Pahayag niya.
"Basta. Hindi. Hindi ka ba nandidiri? Kilalang kilala mo ko. Lahat ng katangahan ko sa pag-ibig alam mo. Lahat ng kalokahan ko sa mga lalaki. Nakikita mo kong matulog nang humihilik at tulo laway. Sa umaga nakikita mo kong parang bruha at walang ligo. Pati pagkain ko, ultimo pagtutoothbrush ko. Ano ba? Imposible talang sinasabi mo, para na tayong magkapatid." Pamimilit ko.
"Lahat yun nagustuhan ko."
"Hindi. Aalis na ko. Salamat sa lahat." Tumalikod ako at nagtatakbo sa hagdan pababa ng rooftop.
Iniwanan ko dun si Edward na nakatulala.
"Cut!"
Bumalik ako sa rooftop nang marinig ko ang hudyat ni Kuya Nikko.
Nagtipon kami sa gitna.
Nilapitan ako ni Edward. Ngumiti siya.
"Guys! Bukas na ang last day of shoot natin kaya naman itodo na talaga natin bukas. Ngayon pa lang gusto ko na magpasalamat kay Maymay at Edward. Sobrang galing niyo. Alam kong pagod na ang lahat kaya naman ang bilin ko na lang ay kabisaduhin niyo ang lines niyo. Ingat kayo pauwi guys. It's a wrap!" Announce ni Kuya Nikko.
Nagpalakpakan kami.
Kahit nakakapagod, ang dami kong natutunan.
Pero napapaisip ako. Kung mangyari kaya sa akin sa totoong buhay ang role na ginagampanan ko, anu kayang gagawin ko?
Pinipilit ko kasing ilagay ang sarili ko sa role na yun para mas maramdaman ko. Parang ang hirap ng sitwasyon na yun.
"May..."
"May.."
"Ay Edward!" Kinakaway niya pala sa mukha ko ang kamay niya pero di ko siya napapansin.
"Are you thinking about something?" Tanung ni Edward.
"Ah wala. Anu yon?" Tanung ko.
"Let's go home. Para makapagpahinga tayo for tomorrow's shoot." Aya niya.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfic[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆