Chapter 1
Kasabay ng sigawan ng mga kasama ko pati na ang mga lalaking kaibigan ko na tila naging mas babae pa kaysa samin, ang biglang pagbukas ng ilaw.
Tumambad samin ang gwardiya na may hawak na flaslight."Kayong mga bata kayo! Mag-sipag uwi na nga kayo! di yung puro katatakutan pinag-uusapan niyo diyan. Kanina pa kayo nag-paalam sakin kaya uwi na!"
Medyo natulala ako ng konti nun.
"Walang hiya ka Manong! ikaw lang pala!"
Ani Zeik na nakahawak sa dib-dib"Akala ko multo na, papatayin mo kami sa takot! Nakisabay karin samin Manong!"
Si Darren"Ano bang pinagsasabi niyo diyan? Umuwi na kayo. Dali na! Sa susunod 'di ko na talaga kayo papayagan"
Inakay ko na noon si Liza palabas dahil di matigil sa pag-iyak.
"Ayos ka lang?"
Nasa isang mini-stop na kami sa labas ng School.Tumango siya habang umiinom ng tubig.
"Hay! akala ko nagkatotoo yung kwento ko. Grabe! kinabahan ako doon!"
Natahimik ako saglit, kumakain kaming lahat dahil nagutom kami sa takot.
"Kahit ako.. Nakaramdam ng takot"
Napatingin silang lahat sakin.
"Kahit.. ikaw? totoo ba yan Macy?"
Gulat na tanong ni John."Oo, pero hindi ibig-sabihin nun ay naniniwala na ako sa paranormals. Kita niyo namang si Manong guard lang yung nanakot kanina"
"Pero atleast natakot ka. Bakit ka naman matatakot kung alam mong 'di totoo. Ibig-sabihin may part sayo na naniniwala ka na.. Hindi ba?"
Sinamaan ko lang ng tingin si Zeik.
"Oo nga Macy"
"Ah, basta.. Gusto ko paring makakita. Yung sa harap ko mismo. Kahit na anong klaseng paranormal pa yan. Di ako aatras"
Sabi ko
"Eh di.. Isa pa ba bukas?"
"Sige"
"Sige ba""Okay lang sakin, basta Liza wag kanang sumama bukas ha. Umuwi kana lang agad"
Tumango naman siya.Di ako makakapag-focus kapag nandoon siya. Siguradong mag-aaya lang siyang umuwi.
Matatakutin talaga itong si Liza.-----
"Ma, pa. Nandito na ako!"
Sigaw ko nang pagbukas ko ng pinto.
Bumungad sila sa harap ko habang hinahanda ang hapunan."Oh anak, ginabi kana naman"
"Hmm.. Pano kasi sila Darlene, nag ghost-hunting pa. Palpak naman"
Natawa si mama.
"Bakit? wala ka bang nakita?"
Ani papa habang naglalagay ng ulam.Umiling ako.
"Diba? walang mga ganyang bagay na nag-eexist. Kaya wag kang magpapaniwala sa mga ganyan"
Hindi rin naniniwala si papa sa mga ganun. Kaya mukhang sakanya nga ako nagmana.
"Kaya sinabi ko na kahit anong paranormal pa yan ay haharapin ko. Kaya baka gabihin po ulit ako bukas"
Alam na nila ang ibig kong sabihin.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...