Chapter 36
Pauwi na kami at buhat-buhat niya ako.
Dapat ko bang itanong sakanya? Hindi ko na kayang manahimik. Gusto kong malaman kung bakit, bakit hindi kami pwedeng magsama at anong mangyayari kung sakali ngang sumuway kami?
"Matulog ka kaagad pagdating natin, kalimutan mo na lahat ng nangyari ngayon. Gusto kong maalis ang kung anumang gumugulo sa isipan mo. Kalimutan mo lahat ng sinabi nila"
Aniya na may seryosong tono.Paano ko makakalimutan kung ganyan ang nagiging reaksyon niya?
Hindi na lang ako umimik at mahigpit na kumapit na lang sakanya.
Pagkadating.. Hinatid niya ako sa kwarto ko, wala siyang kung anumang sinabi. Basta't iniwan niya na lang ako pagkapasok sa kwarto.
"Bakit ganito? Ang bigat sa dib-dib"
Pinalo ko ang dib-dib ko sabay buntong-hininga.Bakit parang ang dami niya itinatago? Ano bang ayaw niyang malaman ko? Masasaktan ba ako kapag nalaman ko?
----
Huling linggo na ng buwan..
Nakakita na ako ng mga hayop kada lalabas ako. Hindi na delikado sa lugar.Noon ay nagpakita samin yung tatlo niyang kasamahan, sina Zion, Zeebub at Luci. Wala narin ang maitim na aura sa katawan nila. Naging mga anghel silang muli. Humingi sila ng tawad sakin. Silang tatlo.
Pero may kakaiba padin kay Zion, matatalim ang mga titig na ibinibigay niya sakin. Hindi ko mawari kung ano bang nagawa kong mali oh kung may gusto ba siyang sabihin.
Nagpunta muna ako ng kusina at naghahanda ng makakain namin. Lutang at malalim ang iniisip ko.
"Alam kong gustong mong malaman, matagal nang bumabagabag iyon sayo hindi ba?"
Nagulat ako sa nagsalita, napalingon ako sakanya.
Si Zion, nakasandal sa may nakasarang pintuan ng kusina.
Bakit parang kinabahan ako bigla?
"Zion, anong ibig mong sabihin?"
"Alam nating dalawa ang tinutukoy ko. Gusto mong malaman? Sasabihin ko sayo kung bakit hindi pwedeng magsama ang tao at ang isang anghel.."
Tinamaan ako ng kyuriosidad, hawak ko ang kutsilyo na pinanghihiwa ko ng karne.. Naramdaman kong nabitawan ko na pala ito.
"Ang dahilan.."
Hindi niya na ako hinintay na makapagsalita pa. Gusto ko rin talagang malaman. Totoo yun. Gusto ko.
"Hindi maaaring magsama ang tao at anghel, tulad narin ng sinabi ko. Ang anghel ay para sa anghel, ang tao ay sa tao. Kapag nagsama ang dalawang nilalang na magkaiba, pareho silang magdudusa. Maglalaho ang anghel na umibig ng isang mortal, hindi siya mapupunta sa langit, sa impyerno oh sa ibang dimensyon. Tuluyan siyang maglalaho. Mawawala lahat ng nagawa niya. Hindi siya ma-aalala ng babaeng minahal niya. Ganon din sa tao, magdudusa siya ng panghabang-buhay.. Hinding-hindi na siya iibig ng iba maliban sa anghel na 'yon, mawawala sa katinuan. Makakalimutan niya ang anghel na minahal niya noon at mamamatay"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...