Chapter 12

249 6 0
                                    

Chapter 12

Ang dilim. Anong nangyari? Nasaan na ako?

Nagmulat ako ng mata. Tila ba natutulog pa ang diwa ko. Nakatulog ba ako? Nasaan ako? Ang mga kasamahan ko? si Liza? Nakalabas na ba kami?

Nang mabalik ako sa ulirat.. Nagising ako sa isang kwarto.. Napaka-gandang kwarto. Napaka-laki.
Wala ako sa bahay. Hindi ganito ang kwarto ko.

"Sa wakas, nagising kana rin"

Halos mapatalon ako sa lalaking nagsalita. Nasa gilid lang siya ng kama na hinihigaan ko at nakasandal sa pader habang matalim na nakatingin sakin.

"S-sino ka?"
Nasabi ko.

Humalakhak siya bigla.

"Sumama ka lang sakin, nawala na ang ala-ala mo? Ibang klase"

Hindi naman talaga.. Hindi ko pa siya nakiki-
Teka, wag mong sabihing.. Siya yung demonyong yun?!

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko.

Yung itsura niya.. Nagbago.
Hindi na pula ang mga mata. Kulay itim na ito. Wala nang pangil kundi.. Purong ngipin.. Parang isang tao.
Mahaba parin ang buhok niya at ganun padin ang suot niya.
Bakit ganito? Bakit ang ganda niya.
Ng mukha niya.. Kanina sa school, Demonyo pa ang kaharap ko, nakakatakot ang mukha. Anong nangyari?

"I-ikaw yung kanina?"

"Ako nga"

"P-paanong ganyan na ang itsura mo..Hi-hindi ba't demonyo kapa kanina??"

Mas natawa siya.

"Tama na ang usapan. Tumayo ka diyan. Umpisahan mong maging alipin sa oras na 'to"

"H-huh? pa-pano?"
Ngumisi siya sakin.

"Linisin mo ang buong mansion ko"
"Huh? eh napaka-

Nakarinig ako ng ilang pagbasag ng mga vase. Mga mamahaling gamit na nandoon. Ang sakit sa tenga. Pinitik niya ang kamay niya at tila ba binalutan ng dilim ang buong kwarto at nagmukhang haunted. Mas nakakatakot pa kaysa sa Lumang school. Tila naging marupok ang bawat pader nito.

"Oh ayan, may lilinisin kana. Gusto kong ibalik mo ang itsura ng mansion ko kaninang pagka-gising mo. Ganun kaganda. Bibigyan kita ng isang buwan, dahil siguradong sa sobrang hina mo at mukhang lampa kapa Kaya isang buwan ang palugit"

"Paano.. K-kapag.. Hindi ko natapos sa takdang oras?"

"Simple lang, kaluluwa kana lang ngayon. Yang kaluluwa mo.. Maaari kong i-alay sa mga tunay na demonyo"

"A-ano? Anong sinasabi mo?"

"Patay kana. Ang katawan mo ay naiwan sa mundo niyo. Ang kaluluwa mo ang kinuha ko. Kaya kung di ka matatapos agad. Ibibigay kita sa kung saan ka nararapat"

Ano bang sinasabi niya? Paano ko lilinisin ang ganito karuming lugar??

"Pero teka, nasaan ba ako? Anong lugar ito?"

Ngumisi siya tsaka nagsalita.

"Nandito ka sa mundo ko. Dito, ako ang Diyos, at batas. Walang iba. Sa akin ang lahat ng makikita mo. Ginawa ko ito"

Ginawa niya? Paano? Ibig-sabihin ba nun? Para rin talaga siyang Diyos? Pero masama? Teka, naguguluhan ako. Kaya niya ring lumikha??

Lumapit siya sakin tsaka inilagay
ang kamay niya sa ulohan ko, at marahan na ibinaon ang mga kuko niya.

"Ah! Ano bang ginagawa mo? Nasasaktan ako!"

Saglit lang din yun, tsaka niya tinanggal.

"Hindi ka makakapaglihim sakin, dahil ngayon lahat ng iniisip mo, mababasa ko"

Tinakpan ko ang bibig ko.
Hindi.

"Oo"

Aniya
Nabigla ako sa sinabi niya.
Pinilit kong di mag-isip.

Ngumisi naman siyang bigla.

"Gawin mo na ang pinapagawa ko. At dapat sa ganitong oras din matatapos lahat. Alas-tres ng hapon"
Aniya habang nakatingin sa tila isang lumang orasan na pabilog.

Tsaka siya lumabas nang hindi ako pinagsasalita.

Naka-awang lang ang bibig ko.

"P-pano ko lilinisin ang napakaruming kwarto na 'to? Seryoso? Parang walang pag-asa. Ni sa panaginip di ko nakita na magiging ganito ang after life ko. Patay na nga ba talaga ako?"

Luminga-linga ako sa paligid.

"Napaka-pangit ng lugar na 'to. Hay! Ano bang ginawa ko? Ayoko dito! Hayyy!

Bumangon ako para silipin kung ano ang nasa labas.

Binuksan ko ang pinto. Mas napanga-nga ako nang tumambad sakin ang napakalaking mansion na 'to. Mas malaki sa labas.
At MAS.. marumi. Nakakatakot ang itsura. Nakakapanindig balahibo. May mga dugo sa pader.

Sing laki siya ng paaralang pinasok namin at hanggang 4th floor din ito.

"S-Seryoso ba siya? Kakayanin ko ba 'to?! Mag-isa??! Paano ko mababalik sa dating itsura ang bahay niya? Hindi, hindi bahay. Kundi Mansion. Mansion na puno ng kadiliman"

Hindi ko alam kung maibabalik ko 'to sa dati. Parang punung-puno ng kalungkutan ang buong bahay.

Siguro ganito na talaga itsura nito. Kung ano ang kalooban niya, yun ang sinasalamin ng mansion niya.

'Di kaya pinagmukha niya lang maganda yung kwarto kanina? Pero ganito talaga ang totoong anyo nito. Kasuklam-suklam.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon