Chapter 55

199 4 0
                                    

Chapter 55

"T-tu-

Hindi ko matuloy-tuloy ang gusto kong sabihin. Nakatayo lang siya doon sa pwesto niya at nakatingin lang sakin. Natatakpan ng bangs niya ang gilid ng mga mata niya. Naka-mask siya kaya hindi ko makita ang mukha.

Itinaas niya ang kanang kamay niya at inilagay sa tapat ng mask niya sa may labi at sumenyas ng "Shhh"

Naka-awang lang ang bibig ko na nakatingin sakanya.

Pagkatapos noon, tumalikod siya tsaka naglakad palayo sakin. Hindi niya ako sinaktan.

Pero napuno ng takot ang dib-dib ko dahil sa mga bangkay na katabi ko. Bakit parang pareho yung takot na nararamdaman ko ngayon sa takot na naramdaman ko kay Denver noon?

Bumabalik sakin lahat. Yung mga patay, mga bangkay. Napatitig ako sa mga lalaking wala nang buhay.

Para akong mababaliw!
Sino siya? Bakit niya ginawa yun? Niligtas niya ba ako? Oh itong dalawang lalaki lang talaga ang pakay niya?

Nagmadali akong tumakbo pauwi sa bahay kahit na nangangatog ako.
Hindi ko na naihatid pa ang baon ni papa nung oras na yun.

Pabagsak kong binuksan ang gate at ang pinto ng bahay namin.

"Oh Macy, ang bilis mo nama-

"Ma! m-may patay! May patay sa labas!"

****

Tumawag kami ng pulis at ambulansiya. Nandoon kami ni mama at ang iba pang mga taong nakiki-usyoso.
Kinukunan ng litrato ang mga namatay.
At unti-unti nang inalis sa lugar tsaka pinasok sa ambulansya.

Kinakausap ako ngayon ng Pulis.

"Sinasabi niyong pinipilit kayo ng dalawang lalaki na uminom at manigarilyo pero tumanggi kayo"

"O-po"
"Pagkatapos, hinila ka ng isang lalaki sa buhok mo at.. Biglang nabalian ng kamay?"

"Opo.."

"Anong sumunod na nangyari?"

"N-nakita ko po na may sumulpot na lalaki sa likod nung lalaking humila sa buhok ko.. T-tsaka niya pinalo sa ulo. Pati yung isa, ganun din yung ginawa niya"

"Hmm.. Wala ba siyang ginawa sa inyo?"

"Yun ang pinagtataka ko. Hindi niya ako sinaktan-

May biglang pumasok sa isip ko..
Hindi kaya.. Hindi. Hindi..

Iniling-iling ko ang ulo ko.

"Ayos lang ba kayo?"

"Opo, pasensiya na"
"Lumalabas na niligtas kayo ng lalaki. Ayon sa sinasabi niyo. Baka naman kilala niyo ito?"

"Hindi ko ho siya kilala oh nakilala dahil may mask siyang suot. Naka-itim siyang jacket tapos medyo magulo ang buhok-

Magulo ang buhok?
Pareho sila ng buhok nung lalaking nagligtas din sakin kanina..

Napa-awang ang bibig ko. May nabubuo akong konklusyon. Imposible naman.. Hindi kaya nagkataon lang?

"Sige, salamat sa pagsagot sa tanong namin. Titignan na lang namin yung cctv sa lugar"

"Sige po"

Nakatayo parin kami doon ay dinig ko ang usapan ng mga tao.

"Sir, wala tayong makalap na impormasyon sa cctv. Nasira yung cctv sa parteng lugar na 'to"

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon