Chapter 35

256 7 0
                                    

Chapter 35

Para maiba ang mabigat na pakiramdam sa pagitan namin ngayon, inaya ko siyang lumabas dahil napaka-ganda narin ng tanawin.

Ilang-minuto kaming naglakad-lakad..

Noon naman ay napansin ko ang bundok sa likod ng bahay habang nasa dalampasigan kami. Naisip ko na sinabi niyang doon niya inilagay ang mga munti kong kaibigan. Gusto ko sana silang puntahan. Matagal ko na silang hindi nakikita.

"..Pwede ba akong humiling sayo?"

"Oo naman, kahit ano"
Aniya na nakangiti, mas bagay sakanya yung palaging nakangiti.

"Uh.. Gusto ko sanang puntahan yung mga kaibigan ko doon.."
Sabay turo sa bundok. Ang tagal narin, kaya namimiss ko na sila.

"Kung okay lang..?" Dugtong ko.

"Sige, halika"

Anong halika? Sasama ba siya?

Maya-maya ay hinigit niya ako palapit sakanya, tsaka noon ko lang nakita ang tunay na kulay ng mga pak-pak niya. At napaka-ganda nito.
Kulay puti na parang may pagka-silver dahil sa konting pag-kinang.

"Kumapit ka"
Bulong niya sabay biglang angat. Sa gulat ko ay napasigaw ako.

"Yaahh!"

Nalulula ako. Para akong mahuhulog. Wag niya sana akong bibitawan.

"Hindi kita bibitawan, kung kakapit ka rin sakin ng mabuti"

Maayos niya akong binuhat, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang naka-kapit ako sa balikat niya.
Pumikit na lang ako dahil baka atakihin ako sa puso sa takot.

Yung ihip ng hangin ang nararamdaman at naririnig ko. Saglit akong dumilat para tignan ang mukha niya.

Seryoso itong lumilipad.
Sa 'di ko malamang kadahilanan eh napangiti ako bigla. Sana ganito kami lagi.

"Andito na tayo"
Sabay dahan-dahang pagbaba namin sa pinakatuk-tok ng bundok.

Ma-ingat niya akong binaba.

"Salamat"

Nandito kami sa gitna ng mga puno. Isa siyang open field. Nasa gilid namin ang napaka-rami nang mga puno. Maganda dito at mas mahangin.

Ngumiti siya,
Tsaka siya biglang sumipol.

Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun pero nag-antay lang ako.

"Macy? Mga kasama! Nandito si Macy!"

"Huh? Si Macy?"

"Labas dali, andiyan si Macy! Dapat tayong magpasalamat sakanya!"

Nakita kong nag silabasan sila sa mga punong nandoon, ang dami nila. Akala ko.. kinain na sila nina Zion, sobrang nag-alala ako.

Lumapit silang lahat sakin at dumikit sa mukha ko si Elsa, yung iba ay pumatong sa balikat ko.

"Namiss, ka namin!"

"Ako din! Akala ko.. Ginawa na kayong pagkain, sobrang nag-alala ako"

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon