Chapter 46

220 5 0
                                    

Chapter 46

Bakit ganun? bakit parang mas lumalala?
Asan na si Denver? Ano nang nangyari?

Hindi alam ng tatlo kung ano ang gagawin.

Marahan akong napa-upo, sumama nanaman ang pakiramdam ko.

"Macy! Ayos ka lang? Teka, wag kang maglalaho! hindi pwede. Mawawala lahat ng ito. Si Denver. Paano si Denver?"

"Ayoko din namang.. Mawala pero hindi ko alam bakit ganito. Hindi pa yata nagagawa ni Denver yung ipinunta niya sa mundo namin"

"Baka kung napano na siya!"
Ani Zeebub na pasigaw

"Tumahimik ka nga diyan! Mag-antay lang tayo!"
Awat ni Zion

"Magpahinga kana muna Macy"
Alalay sakin ni Luci.

"Hindi, ayokong matulog. Baka kasi pag natulog ako.. Baka hindi ko na siya makita"

****

Hindi na kami halos mapakali, Pabalik-balik ang lakad ni Zion habang si Luci ay nasa tabi ko. Si Zeebub ang kumuha ng pagkain.

"Kumain muna kayo"
"Hay! sa tingin mo makaka-kain si Macy na ganito ang kondisyon?!"

"Hindi ko alam, wala tayong alam kung paano magagawan ng paraan ang kay Macy. Kung ako lang ang diyos eh hindi ko sila paghihiwalayin. Ngayon ko lang nakita ang pinuno na ganun kasaya. Nang dahil sa taong 'to!"

Napatingin ako sakanila.

"Kung may kakayahan lang sana ako, tinulungan ko na si Macy. Pero wala. Wala akong maitutulong, wala tayong maitutulong! kaya kumain kayo! subukan niyong bawasan ang pagkataranta"
Paliwanag ni Zeebub

"Wag nga kayong magtalo sa harap ni Macy!"

"Okay lang ako, salamat sa inyo"

"Macy! makinig ka, simula nang nabago mo ang lugar na ito. Dumating ang ibang anghel dito at kina-usap kaming tatlo. Hindi sila nagpakita sa pinuno pero saming tatlo.
Sinabi nilang maaari na kaming makabalik sa langit. Oo, natuwa kami, nasabik. Gustung-gusto ko naring makabalik. Babalik muli ang mga anghel na yun pagkaraan ng ilang buwan pa.
Palihim naming sinabi yun sakanya. Nabigla siya at hindi mapakali.
Sinabi niyang hindi ka niya iiwan.
At nung mga nakaraang paalis-alis ang pinuno, doon niya nakausap ang mga anghel na inutusan ng diyos. Sinabi niyang hindi siya aalis. Hindi ka niya iiwan. Kahit pa hindi na siya mapunta sa langit. Nabigla kami sa desisyon niya, pero desidido na siya. Dahil tinupad mo ang pangako mo sakanya. Mahal ka niya. Nasaksihan namin yun, kaming tatlo.. Napag-desisyunan naming bumalik na ng langit pagkaraan ng ilang buwan, nang sa ganun ay mas masaya kayong mamuhay nang kayo lang dalawa ng pinuno, pero hindi ko akalaing mangyayari ito!"

"Zeebub! bakit mo sinabi?!"

"May karapatan siya! na sana nung una palang sinabi na natin"

"Macy pasensiya na"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Yung gusto niyang bumalik sa langit, yung pagkakataong yun.. Ipinagpalit niya para lang sakin.

"Nakiki-usap ako Macy, wag mo siyang iiwan"

Pero hindi ba.. Hindi kami pupwedeng magsama. At mukhang heto na ang nagaganap ngayon.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon