Chapter 22
Nung araw din na yun ay sinubukan kong magpa-alam sakanya para lumabas, pero..
"Uhmm.. pwede ba akong lumabas?"
"Ano?!"
"Uh.. kasi pupuntahan ko lang sana sila. Gusto ko lang silang makita"
"Hindi"
"Sige na"
"Hindi"
"Saglit lang nama-
"Sabing hindi!"
Napapikit ako sa lakas ng pag sigaw niya.Kakatapos lang naming kumain noon. Hindi naman ako mapakali dahil medyo nababagot na ako.
"Bakit ba gusto mo silang makita? Ayos lang naman sila doon sa labas. Mas maayos sila doon kaysa dito"
"P-pero-
"Dito ka lang, hindi ka lalabas!"
Padabog siyang naglakad palayo sana sakin pero hinila ko siya sa damit niya ng marahan.
Napatingin siya sakin na nakakunot ang noo.
"B-bakit ba takot ka sa labas? Bakit hindi ka lumalabas ng mansion na 'to? Anong bang meron doon? May iba pa bang nandito bukod satin? Huh?"
Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa damit niya.
"Wala kang karapatang malaman. Alipin ka lang. Isa ka lang tao kaya manahimik ka"
Ayan nanaman siya sa 'Alipin' alam ko. Wag mo nang ipagdiinan pa.
"Pero gusto kong malaman. Hindi ba't sabi mo..Dito na ako habang-buhay.. Kasama mo? Dapat ko ring malaman kung anong meron dito sa mundong nilikha mo"
Humarap siya sakin at diretsong tumingin sa mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng panlalambot sa tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit.
Iba talaga ang aura niya kapag seryoso na siya."Iba't-ibang klaseng nilalang ang nandito. Kasama ng mga insekto mong kaibigan.. Lumikha ako ng kakaibang nilalang. Mga halimaw.."
Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya."Halimaw? Totoo ang halimaw?"
"Oo, totoo" Sabay ngisi
"Tsaka isa pa. Hindi lang din ako ang lumikha sa mundong 'to. May katulong ako"
"Katulong sino? Yung mga halimaw ba?"
Natawa siya bigla."Hindi! Mga kapwa ko-
Natigilan siya ng sinabi niya yun, napakunot ang noo ko."Alam mo narin naman na dati akong.. Anghel diba? Mukhang may konti ka nang nalalaman tungkol sakin. Kaya sasabihin ko sayo 'to. Dahil hindi ko naman ito matatago ng mahabang panahon.
Yung tumulong sakin para buuin ang lugar, ang mundong 'to ay mga kapwa ko rin anghel na nagtaksil sa Diyos. At sila yung sinasabi kong mga demonyo, ibibigay kita sakanila kapag natapos ang isang buwan na hindi bumabalik sa dati ang buong lugar na 'to. Ako ang namumuno sakanila. Maging sila ay naapektuhan sa kasamaan ko. Inaamin kong masama ako. Katulad ng lagi mong iniisip na demonyo ako. Maaaring tama ka. Ako din ang dahilan kung bakit hindi gumaganda ang mundong 'to. Gusto kong talunin ang langit pero hindi ko kaya. Wala akong kakayahan. Dahil sakin, dahil sa galit ko sa inyong mga tao.. Dahil sa inggit"Nakatulala ako sakanya dahil sa mga sinabi niya. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso ng mahigpit.
"Gusto kong malaman kung ano ang kakayahan na pinagmamalaki ng diyos na isang tao.. Gawa sa lupa. Mahina. Walang kung anumang mahika. Kung tutuusin wala kayong silbi. Pero bakit.. mahal na mahal niya kayo?"
Tila ba galit siyang nakangisi sakin ngayon."Naiinis ako. Sobrang naiinis ako. Gusto kong mawala itong galit na nararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung paano. Gusto kong bumalik sa dati kong tahanan. Gusto ko. Pero di ko alam kung paano"
Diin niyang sabi.
Nabigla ako nang tila dumilim ang paligid. Yung mga kaunting pagbabago ay biglang naglaho."Teka.."
"Gusto kong malaman kung ano ang kaya mong gawin. Ikaw ang nagpresentang sumama sakin, ikaw lang ang may lakas ng loob na nakagawa nun. Kaya papanuorin kita. Bago matapos ang buwan. Dapat mabago mo lahat"
Hindi ako makagalaw. Kumakabog ang dib-dib ko.
"Isa pa nga pala. Wag kang lalabas.. Kundi kukunin ka nila ng hindi ko nalalaman.. Ikaw rin"
Ngisi niya sabay bitaw sa braso ko. Tulala lang akong nakatayo. Parang napipiga ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
May magagawa nga ba ako? Akala ko magbabago na siya. Tuluy-tuloy na..
Pero bumalik lang lahat sa dati.
Nakakapanlumo.Yung galit niya sakin, bumalik ba? Sana pala hindi na ako nagpaalam na lumabas. Baka sakaling hindi pa siya nagalit sakin.
Gusto kong baguhin ang lahat. Gusto ko siyang tulungan, tulungang makabalik sa kung san man siya nararapat. Kung may maitutulong man ako Diyos ko. Gabayan niyo po ako.
Hindi ko ito kakayanin ng mag-isa.
Alam ko na kung anong wala sa lugar na 'to. Maaaring pwede siyang maging sing-ganda ng langit, pero hindi ito matatawag na langit kung walang kasiyahan na bumabalot dito. Kung walang pagmamahalan.
Kung puro galit at inggit lang. Baka imbis na langit eh, maging impyerno ang lugar na 'to.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasia[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...