Chapter 6
Akuma?
Parang may nabasa na akong Akuma na word noon.
Yun ang tawag sa nagbabantay ng School? At hindi tao?
Paano siya makakapanakit oh makakapatay kung hindi siya tao, at hindi kami mahahawakan.
Isa talaga itong kalokohan."Akuma sir? Ang tawag?"
Tumango ang prof. Namin."Makinig kayo sakin. Wag na wag kayong hihiwalay please lang. Para rin ito sa inyo. Maayos tayong makaka-alis doon kung walang hihiwalay satin"
"Ligtas po ba kami sir kapag sumunod kami? Hindi kami mapapano?"
Tumango siya ulit.
"Kung ganun sumunod na lang tayo"
"Eh sir, sabi niyo..Hindi tayo aalis doon hangga't hindi nahahanap nung.. ni Mr. Gonzales ang Head. Yung hinahanap niya?"
"May naisip na kami diyan. Kaming mga teachers ang bahala"
"Hay! bakit pa kasi kailangang ganito. Hindi niyo ba pwedeng itakas na lang kami?"
"Hindi pwede"
"At bakit?"
"Ma-aalis kami sa trabaho kapag ginawa namin yun. Ito lang din hanap-buhay ko. Kaya hindi pwede. Dapat lang tayong sumunod sakanya. Hindi naman mahirap yun diba? Susunod lang tayo"
Wala kaming nagawa lahat kundi ang mag-antay.
Hindi na kami pinababa para kumain dahil baka may umalis pa raw na estudyante. Bwisit talaga. Buti at nagbaon ako.
Lahat kami ay doon na sa bus kumakain.Pasilip-silip ako sa bintana ng bus. Ibang daan na ang tinatahak namin. Tila naging magubat na. Pero malawak parin ang kalsada. Kita parin ang tirik ng araw.
Nagpalinga-linga ako. Wala na yung ibang bus na kasabayan namin.
Napaka-mautak ng makasariling Mr.Gonzales na yun.
Sinabi niyang para sa grades namin. Kaya obligadong sumama.Napadungaw narin ang lahat ng sa di kalayuan ay may nakita kaming building.
Walang mga bahay dito. Walang kahit ano. Parang isang napakalaking lupain na puro damo at mga puno lang. Yung building lang na yun ang nag-iisa doon.Nang dumaan ang bus malapit dito ay nakita ko kung gaano ito kalaki.
Nakadama ako ng pangingilabot.Pula ang kulay sa labas. Sobrang luma na. Kumbaga sa tao. Na-aagnas na ang building na yun.
Hindi magaan ang pakiramdam ko. Parang may kung anong aura..
Parang may mali.
Gusto kong maiyak.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?Tinitignan ko isa-isa ang mga bintanang nandoon.
May ilang basag na. May ibang buo pa pero sobrang luma na.
Hanggang 4th floor ang building na yun.May ibang mga halaman na nakadikit sa pader ng school. May mga damo na.
Napakabigat sa pakiramdam..
Biglang kumu-limlim noon.Nag-uusap usap ang iba.
"Gusto ko nang umuwi, natatakot ako"
"Tatawagan ko na sina mama"
"Ako din! Sir! Ano pong address ng lugar na 'to?"
Noon ay nakita kong tulala ang prof. namin habang umiiling.
"Sir?"
"Hindi ko alam.. Si Mr.Gonzales lang ang nakaka-alam"
"Ano?! Eh paano kami magpapasundo dito?!"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...