Chapter 2

322 9 0
                                    

Chapter 2

Nang matapos na kaming kumain...

"Sa wakas nabusog din. Ano, let's go?"
Aya ni Zeik

"Ready na ako"
Si John

Nagsi-tayuan na sila pati ako, para ibalik narin ang librong kinuha ko. Kahit ilang ulit kong binasa eh walang pumapasok sa isip ko. Iniisip ko yung nakita ko kanina.
Oh baka guni-guni ko lang.

Ibinalik ko ang libro kung saan ko kinuha, doon sa may siwang. Bago ko pa inilagay doon ay sumilip-silip pa ako sa kabilang bookshelf.

"Hay, ano ba 'tong ginagawa ko?"
Huminga ako ng malalim. Aalis din kami pagka-balik ko ng libro.

Dala-dala narin namin mga bag namin. Para kung may mangyari man oh wala, diretso na lang kaming lalabas.

Pinatay namin ang ilaw sa Library. Paglabas ay napasulyap ako sa salamin sa pinto nito.

Purong kadiliman lang ang nakikita ko.

"Saan tayo mag-uumpisa?"
Tanong ni John

"Sa first floor? eh kaso ilang minuto na lang natitira satin. Nandito narin lang tayo sa Second floor, idiretso na natin sa third"
Si Darlene.

Kaya nag-umpisa na kaming maglakad, dahan-dahan papuntang 3rd floor. Walang kailaw-ilaw kaya flashlight lang ng mga cellphone namin ang gamit namin.

"Naniniwala ako sa multo, pero kahit kailan di pa ako nakakita kahit isa"
Biglang open ng topic ni Darren.

"Eh di ipagdasal mo na may makita ka ngayon"
Sabay tawa ni Zeik

"Ayoko ngang makakita kahit di ko pa nakikita tapos gusto mo ipagdasal ko pa? ano ako hilo?"

"Wag mong sabihing naduduwag ka. Ba't di mo gayahin si Macy, takot mga multo sakanya kaya di siya pinapakitaan"

Nagtawanan pa sila.
Tinaasan ko sila ng kilay.

"Ako na naman nakita niyo"

"Eh mas lalaki kapa dito kay Darren eh"
Walang pigil sa pagtawa si Zeik kaya natawa narin ako.

"Sira-ulo ka. Baka unahan mo pa ako takbuhan pag nakakita ka eh"

Patuloy lang silang nagkukulitan sa unahan namin ni Darlene.. Nasa hagdan na kami papuntang 3rd floor.
Kumapit si Darlene sa braso ko.

"Ayos ka lang Darl?"
"Sakto lang, kaso sa sobrang dilim eh kinakabahan na ako"

Inakbayan ko siya nun.
"Ano ka ba, di naman kasi totoo mga multo bakit nagpapaniwala kayo sa ganun?"

"Gusto mo rin namang maniwala na meron diba? kaya ka nga sumama samin?"
Sabat ni Zeik

"Siyempre hindi. Gusto ko lang iparating sa inyo na walang ganun. Walang magpapakita satin ngayon. Kahit magtawag pa ako"

Inuga ni Darlene ang braso ko.

"Tama na Macy, nakakaramdam na ako ng takot"

"Hay nako, ito talagang si Macy. Umakyat na tayo ng 4th floor para pagkatapos maka-uwi na tayo. Pag sa 4th wala parin. Hindi na ako maniniwala kahit kailan sa mga multo"
Ani Zeik na nakataas pa ang kamay.

Napangisi na lang ako.

Sa bawat kwarto na dinadaanan namin na puro dilim lang ang nasa loob ay di ko maiwasang di tignan. Hindi ako naniniwala, kaya iniisa-isa ko ang tingin Kahit pa pumasok ako sa loob ng mga kwartong 'to.
Puro dilim lang. Wala nang iba.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon