Chapter 27
Umihip ang napakalakas na hangin at parehong tinatangay ang buhok naming dalawa.
Ang napaka-bangong amoy ng dagat. Nakakawala ng kaba sa dib-dib ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
Seryoso parin siya.
Mali ata yung sinabi ko. Kinagat ko ang labi ko."P-patawad.. Sa hiniling ko"
Nabigla ako sa pag-ngiti niya kanina. Iniisip ko na baka pagbigyan niya ako."Bakit ko naman yun gagawin.. Para sayo?"
"K-kasi.."
"Hindi ba't matagal mo nang iniisip na gusto mo nang bumalik sa inyo? Kung halimbawang may paraan para makabalik ka.. babalik ka ba?"
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Kung may paraan? meron ba? Pero sabi niya-
"Halimbawa.. Isipin mo na meron nga. Anong gagawin mo? Babalik ka? Iiwan mo ba ako? oh, Mananatili ka sakin?"
Ano bang dapat kong isagot?
Siyempre gustong-gusto kong umuwi samin, pero.. May pangako ako sakanya. May usapan kami.
Tinupad niya ang kanya at hindi niya ginalaw ang mga kaibigan ko.
Kahit na napakasama niya, Oo, sobrang sama niya. Pero hindi niya sinaktan ang mga kaibigan ko.Sinaktan niya ako, pero hindi ang mga taong malapit sakin.
Pero paano ang mga kaibigan kong Yosei na nandito? Anong ginawa niya sakanila?"Y-yung mga kaibigan kong Yosei.. Bakit mo sila ibinigay sa mga kasamahan mo?"
Pag-iiba ko nang usapan.
Nag-iba ang reaksyon niya, kumunot ang noo niya."Binigay? Sakanila? Hindi ko sila binigay kina Zion"
"Hindi? Pero sabi niya-
"Sila ang lumilikha ng sarili nilang kakainin. Ganun din ako. Ang mga kaibigan mo ay nandoon"
Sabay turo sa bundok, sa likod ng mansion. Yung bundok na halos kalbo na. Oo, kalbo nga. Hindi halos.
"Nandoon? I-ibig-sabihin??"
"Ibig-sabihin, hindi ko sila ipinahamak oh ibinigay sakanila. Isa sila sa mga tumulong para maayos ang lugar na'to. Hindi nila kinaya noon kaya ikinulong ko sila sa isang kwarto, para hindi sila makita ng mga kasamahan ko at kunin sakin ng walang paalam. Katulad ng ginawa sayo. Hindi ko sila pinakain, desperado akong pagandahin ang mundong 'to. Gusto kong gawin nila ang gusto ko. Pero hindi parin. Tapos heto ka.. Nag-magandang loob sakanila.
Hindi ko naman akaling susuwayin mo nga ako, sadyang napakatapang mo"Nanatiling naka-awang ang bibig ko.
Ngumisi siya sabay tingin sa dagat."Sinabi nila sakin na ako lang ang makakapag-paganda sa sarili kong mundo. Aalisin ko lang ang galit at inggit sa puso ko. Ayokong maniwala. Hindi ko kayang mawala yung galit.
Tapos heto ka.. pinipilit na pawalain ang mga yun. Gusto mo akong maging masaya? Ibang klase kang nilalang"
Marahan siyang pumikit at ngumiti tsaka dinama ang hangin."Ikaw lang ang nilalang na takot sakin, pero hindi rin. Hindi ko maintindihan pero ganon ka. Ang lakas ng loob mong sumuway sakin pero hindi ko alam kung bakit di ko magawang patayin ka ng paulit-ulit dito, kahit alam naman nating mabubuhay kang muli. Sa sobrang galit ko sa mga tao, dapat ay paulit-ulit na kitang pinapahirapan. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin"
Tinitigan niya ang kanang palad niya tsaka ito itinakip sa mukha niya, sabay kamot sa ulo.
Parang gusto kong sampalin ang sarili ko.
Siya ba talaga ang kausap ko? Parang bigla siyang nag-iba. Napapansin ko ito simula nung nakaraang linggo pa. Mag-papangatlong linggo na ako dito. Napapansin ko rin ang unti-unting pagliwanag sa loob ng bahay. Nababawasan ang kalungkutan.
"Susubukan kong gawin ang hinihiling mo. Susubukan kong pakinggan ang taong katulad mo. Bibigyan kita ng pagkakataong patunayan ang sarili mo. Kung bakit ang mga kagaya mo, ay mahal na mahal ng Diyos"
Nakangiti siya. Para akong lumulutang sa mga ulap habang pinagmamasdan siya.
"Halika na, pumasok na tayo sa loob. Hindi ko parin nakakalimutan ang kasalanan mo kaya sa loob na tayo mag-usap. Malamig dito"
Aniya sabay talikod sakin at naglakad papunta sa pinto ng bahay.
Umihip muli ang hangin sa buhok ko.
Lumingon ako sakanya tsaka sumigaw."Hindi ako aalis kung sakali mang may paraan para makabalik ako sa amin! Hindi kita- hindi kita iiwan! Uhh.. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang tunay mong pangalan"
Sigaw ko. Dahil desidido akong tulungan siyang makabalik sa tahanan niya talaga. Kung makabalik siya, siguro ay makakabalik nadin ako. Oh kung hindi man, dalawa lang ang mapupuntahan ko. Langit oh Impyerno.
Nagtigil siya sa paglalakad nang nakapamulsa. Bigla ring naglaho ang mga pak-pak niya noon.
Lumingon siya sakin na naka-awang ang bibig. Tipong di niya inaasahan ang sagot ko.
At unti-unting ngumiti. Grabe, ba't ganon? Ngiting Anghel talaga. Ang ganda tignan sakanya.
"Hindi ka magsisisi sa Desisyon mo. Susubukan kong gawin ang hinihiling mo, Macy"
Nabigla ako dahil alam niya ang pangalan ko. Alam niya dahil narinig niya sa mga Yosei, pero ngayon niya lang binanggit ang pangalan ko.
Parang tumatalon ang puso ko sa saya. Kakaiba yung pakiramdam.
Ngumisi siya.
"Denver.. Denver ang itawag mo sakin"
Aniya
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...