Chapter 26
Natatakot ako, sobra..
Sinong tutulong sakin? Wala ang mga kaibigan at mga magulang ko dito. Please, kahit siya na lang. Siya na lang ang pag-asa ko!Napa-iyak ako sa sobrang takot at kaba. Pumikit ako, iniharang ko ang mga braso ko sa ulo ko tsaka yumuko.
Nangangatog ako, hindi ko mapigilang hindi mapahikbi.
Dapat sa mga oras na yun ay nagkapira-piraso na ako, pero..
"P-pinuno??"
Narinig ko ang salitang yun, at alam kong siya yun. Nabuhayan ako bigla ng loob pero.. paano niya nalaman na nandito?
Ini-angat ko ang mukha ko at tumingin ng diretso sakanya habang walang tigil ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.
Nakatingin din siya sakin.
Siguradong sakanya ako mananagot ngayon.. Pero nang tignan ko siya sa mga mata, walang bahid ng galit, inis oh anuman.. Wala siyang reaksyon."Pinuno? Bitawan niyo ang kamay ko! Wag mong sabihing ililigtas mo ang babaeng yan? Nahihibang ka na ba?"
Sabat ng isa, nakahawak siya sa braso nito. Pinigilan niya ang kasama niya? Pero bakit?
Hindi parin mawala ang pangangatog ko.
Nakita kong mas hinigpitan niya ang kapit sa braso ng kasama niya at kinuha ang hawak na malaking patalim nito.
"Teka pinuno!-
Napatakip ako sa bibig nang saksakin niya ito sa katawan."Hhaaah!"
Mas lalo akong nangatog. Tumalsik ang ilang dugo sa mukha ko."P-pinuno.. Bakit mo pinagtanggol ang babaeng yan? Wag mong sabihing.. Umaanib kana sa mga tao? Oh baka.. N-nahuhulog k..kana sakanya?"
Hindi ako makapaniwalang.. tinraydor niya ang mga kasamahan niya. Niligtas niya ako?
Nakita ko ang pagbagsak ni Zion at ang pagbalik niya ng tingin sakin.
Sabay ngisi.
"Wag kang mag-alala. Mabubuhay siya ulit. Pinarusahan ko lang dahil kinuha ka niya sakin ng walang paalam"
AniyaUnti-unti siyang lumapit sakin, umupo sa harap ko at tinanggal ang pagkakagapos sa kamay at paa ko.
Nakatitig ako sakanya na may gulat na reaksyon.
Pagkatapos niya akong kalagan ay hinawakan niya ako sa pisngi at pinunasan gamit ang kamay niya ang mga dugong tumalsik sakin.
Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng nararamdaman kong takot kanina pa.
Napahawak ako sa damit niya, yumuko ako at doon.. Doon ko ibinuhos ang lahat, sa harap niya.Humahagulgol ako na parang bata. Sobrang natatakot ako.
Akala ko, katapusan ko na.
Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko, marahan niya akong inilapit sakanya.. Sabay yakap sakin.
Hindi ko alintana ang kung anumang isipin niya oh ng iba, isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya at doon mas lalong umiyak. Sobrang sakit sa dibdib na makaramdam ng ganito. Tipong nag flashback lahat ng mga nagawa ko noong nasa totoong mundo pa ako.
Akala ko talaga katapusan ko na.
Ilang minuto bago niya ako ihiniwalay sakanya. Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ako makatingin, ang laki ng kasalanan ko.
Ngumiti siya.. Hindi ngisi.. Kundi ngiti. Ngiti na parang totoong masaya siya.
Kumabog ng malakas ang dib-dib ko.
"Halika"
Hindi ko parin siya maintindihan hanggang ngayon.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas.
Nakasalubong namin ang dalawa na tila na istatwa.Nang makalabas kami ay bigla na lang lumitaw ang mga pak-pak niyang kulay itim at pula.
Kahit nakakatakot ang kulay ay maganda tignan sakanya. Napakalaki nito.Napa-awang ang bibig ko. Hindi ko naisip na meron siya nun dahil dati nga siyang anghel.
Binuhat niya ako tsaka mabilis na lumipad pataas. Wala siyang sinabing kung ano sa dalawang naiwan. Tulala ang mga ito na nakatingin samin.
Sa pagkakataong yun, hindi ako natakot sa matataas dahil nakatitig ako sakanya.
Niligtas niya ako. Bakit?
Tumingin siyang bigla sa mga mata ko.
"Ayokong kinukuha kung ano ang akin. Kung ano ang pag-aari ko. Kaya binawi kita sakanila"
Hindi parin ako makapagsalita. Para akong nawalan ng tinig.
"Nakapag-desisyon na akong hindi kita ibibigay sakanila. Mananatili ka sakin, sa tabi ko"
Para bang may kumuryente sakin bigla. Parang may kung ano sa tiyan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.
"Tama lang pala ang pagdating ko. Mabuti na lang"
Ngumiti siya ulit. Kung lagi lang niya sanang ginagawa yun. Sana..
Hindi ko namalayang pababa na kami.
"Matutulala kapa rin ba diyan? Bakit di ka magsalita"
"S-salamat"
Pabulong na sabi ko, alam ko namang narinig niya."Dapat ka talagang magpasalamat, pero.. May kasalanan kapa sakin at dapat kong marinig ang paghingi mo ng tawad"
"M-may hihilingin ako sayo"
"Hindi hiling ang gusto kong marinig-
"Makinig ka.."
Hinawakan ko siya sa mga kamay niya, hindi siya nag-iwas.
Sumeryoso siya ng tingin sakin."Pwede bang.. Ngumiti ka na lang palagi?"
Napa-awang ang bibig niya at walang sinagot.Tama ba yung ginawa ko? Ano ba sinasabi ko? Gusto kong sampalin sarili ko.
Gusto ko lang kasi ulit makita yun. Yung totoong ngiti na pinakawalan niya. Hindi ngising demonyo, kundi ngiti ng isang Anghel. Totoong Anghel.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...