Chapter 48
Nung-araw din na yun ay binisita na ako nina Zeik,Darren at John. Maraming silang kinwento na nagpangiti sakin.
Nagtatanong sila sakin at puro pagtango at pag-iling lang ang nagagawa ko. Ayoko nang pilitin ang sarili ko na magsalita, ang hirap lang.Ang sabi nila, aalalayan nila ako hanggang sa maka-recover ako.
At ang plano ko. Kapag gumaling na ako.. Pupunta ulit ako ng baguio. Baka sakaling makita ko si Denver."Alam mo Macy, malungkot si Zeik nitong mga nakaraan.."
Kwento ni Darren, nakikinig lang ako. Nandoon pa sila Liza. Sila mama naman ay umuwi saglit para kumuha ng ibang gamit ko.
Hapon narin noon."Kasi naghiwalay na sila ng gf niya. Tatlong buwan na ang nakakalipas. Grabe yung pagka stress ni Zeik. Halos hindi na nga ito nakaka-usap eh. Kahit hanggang ngayon, pero nung nabalitaan naming nagising kana ayun.. Nag-aya agad umalis ng school makapunta lang dito"
"Pwede bang wag mong gawing big deal ang paghihiwalay namin ng ex ko? Darren, tsaka natural lang na masaya ako dahil gising na ang kaibigan natin. Pero alam niyo.. Ang dami kong tanong simula nung araw na yun. Ang daming nasawi noon. Hindi tayo makalabas. Nawala yung lugar kung saan tayo pumasok, walang exit, yung mga bintana.. Biglang naging maayos.. Pagkatapos yung rooftop.. Wala rin. Totoong natakot ako doon. Ang pinagtataka ko lang eh nung nawala si Macy at nakita natin siya sa bakanteng class room na walang malay, doon tayo nakalabas. Nakatawag tayo ng tulong"
Kung pwede ko lang ipaliwanag ang lahat ngayon.
"Macy"
Nilapitan ako ni Zeik at umupo sa gilid ko."Kapag gumaling kana, gusto kong malaman. Gusto naming malaman kung ano ang nangyari sayo. Sabi mo nakita mo ang Akuma hindi ba? Sigurado akong nakita mo siya ulit nung nawalan ka ng malay. Gusto kong masagutan yung matagal nang gumugulo sa isip ko. Pero sa ngayon.. Magpagaling ka muna huh"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...