Chapter 47
Parang panaginip ang lahat ng nangyari.
Nasaan na ako?
Denver??Napakatagal kong nanatili sa dilim hanggang sa mangyari ang hindi ko inaasahan..
Marahan akong nagmulat ng mata.. Napaka-liwanag. May liwanag akong nakikita.
Pero medyo malabo pa ang paningin ko.Nasaan ako..?
Huh?..Denver?!!
Bigla na lang pumasok sa isip ko, mabilis akong nakabalik sa diwa ko. Pero hindi ako makabangon. May mga naka-kabit sakin. Ano itong mga ito?
May oxygen mask ako?
Hindi ako makapag-salita at tanging mata, kamay at paa ko lang ang nagagalaw ko.
Hindi.. Totoo ba 'to? Asan na si Denver? Baka panaginip lang 'to.
Pumikit akong muli.. Pinatagal ko ng ilang minuto ang pag-pikit at tsaka dumilat ulit.
Doon na tumulo ang luha ko.
Nasaan na siya?
Yung Anghel ko? Nasaan na? Gusto ko siyang makita.Sinubukan kong igalaw ang kamay ko para alisin ang oxygen mask, pero parang ngalay na ngalay ako.
Naibagsak ko ang kaliwang kamay ko."D..Den..Ver.."
Pinilit kong magsalita, panaginip lang ba ang lahat ng nangyari? Yung panahong kasama ko pa si Denver.. Panaginip lang ba yun?
Nadudurog ang puso ko.
Gusto kong bumalik. Gustung-gusto ko!Nagpumilit akong igalaw ang kamay ko para alisin ang oxygen mask at nagtagumpay ako.. Pero bigla akong naghabol ng hininga.
Kinakapos ako ng hininga. Heto.. Heto ang paraan para makabalik ako. Dapat akong mamatay.
Hirap na hirap ako sa paghinga dahil tinanggal ko ang oxygen mask.. Mahigpit akong humahawak sa dib-dib ko. Sobrang sakit!
Denver.. Magkikita ulit tayo, Agad-agad."Macy??! Macy! Gising kana! bakit hindi naka-kabit ang oxygen mo??!"
Hindi ko napansing may dumating pala sa loob ng kwarto. Nung una eh magulo pa, parang nakalimutan ko saglit kung sino sila dahil sa kaka-isip ko kay Denver..
Hanggang tila ba luminaw ang imahe nila sa mga mata ko, doon ko napagtanto..
Si Darlene na kasama si Liza.
Bakit ganun? Parang nanaginip lang ako ng matagal?Si Liza..
Nanlaki ang mata ko. Si Liza, mabuti at ligtas siya.
Kinuha ni Darlene ang oxygen at tsaka kinabit ulit sakin.
"Macy?? ano ayos ka lang ba huh? sinong nag-alis ng oxygen mo??"
Hindi ako makasagot. Hirap akong ibuka ang bibig ko.
Para akong naparalisa."Macy, natatandaan mo ba kami? hindi mo ba kami nakalimutan?"
Tanong ni Liza na ngayon ay hawak ang kamay ko.Muli akong napa-iyak, paano ko makakalimutan ang mga kaibigan ko?
Pero hindi iyon ang pinaka iniisip ko. Mas iniisip ko parin si Denver.
Gusto ko nang bumalik. Denver.."Mukhang hindi naman nawala ang ala-ala niya Liza"
Ngiti ni Darlene sakin at hinawi ang buhok ko."Yung tatlo sina Zeik, nasa school pa. Pero hindi na sa dati nating school. Maraming magulang ang nagreklamo at ipinasara ang School na yun dahil kay Mr.Gonzales. Napakaraming nasawi.
Macy, sa ibang school na kami nag-aaral ngayon. Kaya plano namin na kapag nagising kana at gumaling kana.. Sama-sama parin tayo. Ah! nga pala, kumakain pa ang mga magulang mo. Tatawagin ko lang sila. Saglit lang"Umalis noon si Darlene at naiwan sakin si Liza.
Umupo siya sa gilid ko. Pinunasan niya ang luha ko.
"Macy, bakit umiiyak ka parin? namiss mo ba kami?? namiss kadin namin sobra. Lalo na ako. Tahan kana huh, may masama kabang panaginip? Tahan na, wag kanang mag-isip ng kung ano. Ligtas kana. Ikukwento ko lahat ng nangyari sakin doon sa lumang eskwelahan kapag magaling kana"
Lumang eskwelahan? nasa Baguio paba kami? kailangan kong puntahan ang eskwelahan! Ngayon din!
"Li..z-za.."
Pinilit kong makapag-salita kahit mahirap. Para akong na stroke na naparalisa na ewan.Hinawakan ni Liza ang kamay ko.
"Macy, ano yun? May kailangan ka ba? gusto mo bang tumawag ako ng doctor?"
"Es..K..welahan.. Li..za.."
"Eskwelahan? gusto mo na bang pumasok agad? Pero hindi kapa magaling"
"Lu...mang.. Eskwe..l-lahan.. Pu..punta..han k-ko"
"Huh? Eh bakit? babalik ka pa dun? wag na. Delikado doon Macy. May demonyo doon. Meron ka bang naiwan sa lugar na yun? tsaka wala na tayo sa baguio. Nasa Maynila na tayo"
Sa Maynila? Hindi.. Napakalayo ko na kay Denver.
Natigilan ako noon at hindi na nagsalita.
"Magpahinga kana lang muna. Magpagaling ka huh"
Paano na? Denver.. Nakikita mo ba ako ngayon? Magparamdam ka sana sakin..
Noon ay bigla ang pagbukas ng pinto, at iniluwa nito sina mama at papa kasama si Darlene.
Sila mama. Namiss ko sila ng sobra.
"Macy anak! gising kana! Hay salamat sa diyos!"
Gumilid si Liza para makalapit si mama sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas ang ulo ko."Akala namin wala kana. Akala namin ng mama mo hindi kana magigising. Na Comatose ka anak, Apat na buwan at mahigit. Hindi kami nanghinayang na gumastos para maibalik ka samin. Yang makina sa gilid mo ang bumubuhay sayo habang natutulog ka. Pero ngayon, nagising kana"
Si papaHindi ako makapaniwalang nagawan nila ako ng paraan.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong maiyak, pero masaya rin ako dahil nakita ko ang mga magulang ko. Kaso, mas matimbang ang lungkot.
Kumusta na kaya si Denver? ano na ang nangyari sakanya? sa lugar? doon sa tatlo at sa mga munti kong kaibigan?Tinawag nila ang doctor tsaka ako inasikaso.
Naka-kabit parin ang oxygen sakin dahil sa hirap parin akong huminga.
Hinihilot-hilot nila mama ang paa at kamay ko para mabalik daw sa dati sabi ng doctor, dahil naparalisa daw ako.
Kailangan ko pa ng mga ilang therapy.Inalalayan nila akong makabangon at pinakain.
Hindi umalis sina Darlene at Liza. Napakabuti ng mga kaibigan ko.
Naisip ko na lang.. Akala ko tanggap na nila na wala na ako. Yun pala, masaya sila dahil babalik ako sakanila.
Diyos, hindi na po ba kami magkikita ulit ni Denver? Gustong-gusto ko siyang makita. Kahit saglit lang.
Alam niyo kung gaano ko siya kamahal. Akala ko hindi na kami maghihiwalay. Pero nagkamali ako. Nakiki-usap ho ako, Diyos. Kahit saglit lang!
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...