Chapter 29
Nakagawa nanaman ako ng isang nakakahiyang bagay at siguradong.. yari na talaga ako.
Ngayon kailangan kong mag panggap na may gusto ako sakanya, dapat iwasan kong mag-isip ng kung ano lalo na pag kaharap ko siya dahil siguradong hindi magiging maganda ang resulta pag nalaman niyang nagsisinungaling lang ako.
Ano nanaman sasabihin niya? Na sinungaling talaga ang mga tao. Na traydor kami. Oo, alam ko naman.. pero kasi may dahilan din ako.
Hindi ako makatulog nang gabing yun.
Hindi ako bumaba para magluto oh para kumain ng hapunan. Anong mukha ang ihaharap ko sakanya?
Ni-wala siyang reaksyon kanina nung sinabi ko yun. Pero nawala ang pamumula ng mga mata niya, hindi rin nagbago ang itsura ng kwarto. Hindi ko na hahayaang magbago pa 'to.Desidido na talaga ako. Pero yung kaninang sinabi ni Zion ang isa pang bumabagabag sakin.
Pag nalaman kong may paraan pa para makaalis dito?
Nililikot ko ang mga paa ko habang nakahiga, hindi ako mapakali. Hindi naman ako gutom.
Nakakawalang-ganang kumain.Bakit ko ba naisip na pag sinabi kong gusto ko siya, ikakasiya niya yun? bakit ko ba naisip yun?
"Aahhh!!"
Sumigaw ako, gusto kong sumigaw ng mas malakas. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko!
Bumangon ako at umupo.
"Ihhh!! Aaahh!!"Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Nakakahiya! nakaka-inis! Nakaka-
Naidilat ko ang mga mata ko habang ginugulo ang buhok ko. May pumigil sa mga kamay ko.
Parang bulkang sasabog yung dibdib ko sa lakas ng kabog nun. Alam ko na kung sino..
Tumingala ako para makita siya. Nakapatay ang ilaw sa kwarto pero kita ko parin ang napaka-gwapo niyang mukha.
"Itigil mo yan, ano bang nangyayari sayo?"
Nabigla ako. Umatras ako tsaka nagtalukbong ng kumot.
"A-ayaw muna kitang m-makita! pakiusap!"
"Dahil ba ito sa sinabi mo kanina?"
Hindi na ako nagsalita. Niyakap ko na lang ang tuhod ko sa loob ng kumot.
Alam kong pulang-pula nanaman ang mukha ko."Totoong nagulat ako kanina. Hindi ko akalaing sasabihin mo yun. Sa harap naming lahat."
Kinagat ko ang labi ko.
Alam ko naman yun.
Hindi naman talaga dapat, pero totoong.. gusto ko na..siya.Hindi ako mag-papanggap na gusto ko siya, kundi dapat pala magpanggap akong hindi ko siya gusto.
Nakakaloka naman 'to!
Haay! Ayoko ng ganitong pakiramdam!
Huminga ako ng malalim.
Ngumisi siya noon, inangat ko ang tingin ko sakanya. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya habang nakangisi. Yung ngisi na yun ay napalitan ng tawa pero pinipigilan niya.
Napakunot-noo ako, Oo nakakahiya na yung ginawa ko pero dapat pa ba niya akong pagtawanan?
"Pero.. Inaamin kong nakaramdam ako ng saya nung sinabi mo yun. Nawala ang galit ko kanina. Hindi ko alam kung bakit. Pero.. totoong masaya ako. Bakit kaya? Alam mo ba ang dahilan? Para akong kiniliti dito"
Sabay turo niya sa kaliwang dib-dib niya.
Kumabog lalo bigla ang dib-dib ko nang maramdamang umupo siya sa tabi ko.
Marahan niyang inalis ang kumot na nakatalukbong sakin. Hindi ko siya kayang tignan, gusto ko na talaga magpalamon sa lupa!
Pero wala akong magawa kundi ang tumingin sa mga mata niyang magaganda.
Nagkakatitigan lang kaming dalawa, hindi ko namalayang dahan-dahang tumatakip ang buhok ko sa mga mata ko kaya hinawi niya iyon.
Ano ba 'to Macy, gumising ka. Hindi ka maaaring manatili sa isang mundo na iniisip mong nasa isang fairytale ka. Gumising ka, tao ka at anghel siya. Magkaiba kayo ng mundo.
Hinding-hindi kayo maaaring magsama.
Inalis ko ang kamay niya sa buhok ko nang matauhan ako.
"May gusto lang akong itanong"
Sabi ko. This time, ako naman. Dahil ang weird ng mga kinikilos niya. Gusto kong malaman mula sakanya.
"Ano yun?"
Ang gentle ng mukha niya ngayon. Parang napaka-amo. Naiilang akong tumingin.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Ikaw.. M-may gusto ka din ba.. sakin?"
Nahihiya kong tanong. Pinilit ko ang sarili kong tumingin sakanya.Maya-maya ay bigla siyang tumawa.
Wala namang nakakatawa sa tanong ko. Di bale na, alam ko na kung ano isasagot niya. Sana di ko na lang tinanong.
Nagmumukha akong mortal na nanlilimos ng pagtingin sa katulad niya.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...