Chapter 15
Nasa kusina ako ng pangit na mansion na yun at nakita ko ang lahat ng pagkain na kinakain niya.
Hindi ako makapaniwala.
Hindi ba siya marunong magluto at kinakain niya ito ng hilaw? Mapa-karne oh gulay? Pambihira naman. Parang.. nakakasuka tuloy.Nakakadama din pala siya ng gutom. Kasama narin siguro yun sa parusa sakanya. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng awa.
Kahit na dapat, maawa ako sa sarili ko.Nakatayo ako sa harap niya habang kumakain siya. Nakatingin lang ako.
"Tapos kana diba? Kumain ka, ano pang tinutunganga mo diyan?"
"Hindi ako kakain niyan"
Ngumisi siya"Eh di wag. Ikaw naman ang magugutom"
Pano ako kakain ng purong hilaw na pagkain.
Naikuyom ko ang kamay ko at hindi na nakapag-pigil.
Pinigilan ko siyang kumain.
Alam kong magagalit siya pero wala na akong paki-alam."Anong ginagawa mo?!"
Kinuha ko ang pagkain niya at dinalang muli sa kusina."Wag kang susunod!"
Tatayo na sana siya para sumunod. Pinigilan ko."Saan mo dadalhin ang pagkain ko?!"
Sinara ko agad ang pinto ng kusina at ni-lock ito. Para di siya makapasok.
Tsaka ko inumpisahan ang trabaho.
Nag-unat muna ako bago nagluto.
Mabuti na lang at marunong ako kahit papano. Mukhang di pa talaga siya nakakatikim ng totoong lasa ng pagkain."Hoy! Anong ginagawa mo sa pagkain ko? Alipin ka lang. Dapat kong malaman ang ginagawa mo!"
Kalampag niya sa pinto."Malalaman mo mamaya!"
"Pupunta ako diyan! Susulpot ako mismo sa harap mo ngayon kung hindi ka lalabas!"
"Wag!"
Walang sumagot sa labas ng pinto. Nakiramdam ako sa paligid.
Mukhang wala naman, mukhang hindi naman siya papasok.
Medyo kinabahan ako dun.Itinuloy ko ang ginagawa ko.
Wala siyang alam sa buhay ng tao. Ngayon lang ba siya naka-kain ng pagkain sa buong buhay niya? Sabi nila hindi raw kumakain ang mga Anghel at Demonyo. Hindi sila nakakaramdam ng gutom. Pero dito sa lupa, kung saan siya gumawa ng sarili niyang mundo. Hindi niya matatakasan ang parusa niya. Nasa ibang dimensyon lang siya.Niluto ko ang mga pagkaing naroon. May mga ibang gamit doon na pamilyar sakin. Lahat. Kumpleto siya. Kumpleto ang mansion niya. Hindi lang siya marunong gumamit.
Ilang minuto lang ay natapos din ako.
Hinain ko ang pagkain at inilagay na sa mesa. Sa harap niya."Ano 'to?"
"Pagkain mo"
"Bakit ganyan ang itsura? Bakit.. may tubig na iba ang kulay? Ano yan? Nakakasuka!"
"Tikman mo muna bago ka magreklamo"
Tinaliman niya ako ng tingin kaya nag-iwas ako.
"Ginagawa ko lang ang parte ko sa usapan natin. Kung ayaw mo ng hinanda ko wala na akong magagawa"
Sabi ko nang naka-iwas parin ang tingin.
Ang ganda niya, ba't ganon? Nakakatakot pero maganda.
"Ano?"
Nabigla ako. Nababasa niya nga pala iniisip ko."Oo, nababasa ko. Sinong maganda ang sinasabi mo?"
"Huh? Ah, y-yung kurtina sa kwarto dun sa 4th floor.. m-maganda"
Tinaliman niya ang tingin niya sakin sabay nag-sungit.
"Kainin mo na yan"
Kita ko sa mukha niya ang pagdadalawang-isip at parang nandidiri. Mas nakakadiri naman yung kinakain niya ng hilaw.
Dahan-dahan siyang kumilos para tikman ang ginawa ko..
Nag-aabang lang ako.Nang matikman niya.. Walang reaksyon sa mukha niya.
Hindi ba masarap ang ginawa ko? Tinikman ko yan kanina. Okay naman yung lasa.Nagdabog siya ng malakas sa mesa. Dahilan para matapon ang ilang sabaw nun sa sahig.
"Ayoko niyan! Ang pangit ng lasa! Nakakawalang gana naman 'to! Wala kang kwentang alipin! Walang kwentang tao! Para saan pa't dinala kita dito?!"
"T-teka eh tinikman ko yan kanina.. imposible na hindi masarap yan"
"Pinagsasabihan mo ba ako?"
"H-hindi naman sa ganun.."
"Kung ganun manahimik ka, linisin mo itong natapon!"
Maging sa damit niya ay natapunan siya.Kinuha ko ang panyo na nasa mesa at pinunasan ang damit niya pero itinulak niya ako.
"Ano bang ginagawa mo?!"
"Pinupunasan ko lang-
"Wag mo akong hahawakan!"
Ibinato niya sakin ang panyo tsaka umalis sa harap ng mesa.Iniwan niya akong napa-upo sa sahig. Napakasama, ito ang unang beses na may naging masama sakin ng ganito.
Ni-hindi nga ako sinasaktan ng mga magulang ko.Napaka-demonyo niya..
Noo'y tumulo na ang mga luha sa mata ko.
Nagkamali ba akong makipag-kasundo sa katulad niya? Pero kung hindi ko ginawa yun, baka namatay na kaming lahat sa loob ng eskwelahan.
Kailangan mong magtiis Macy. Tiis.
Pero hanggang kailan? Pang-habang buhay na ba ito? Wala na bang ibang paraan para makalabas ako sa mundo niya? Gusto ko nang umuwi samin at makita ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko.
Wala bang makakatulong sakin?
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...