Chapter 16
Pinunasan ko ang luha ko at nagmadaling tumayo, naisipan kong dalhan ng pagkain ang mga nilalang na nakita ko kanina, tutal wala ring kakain nito.. Magtitira na lang ako ng para sakin. Hindi ko natanong kung ano ang tawag sakanila.
Pasikreto akong pumuslit doon sa kwartong yun. Hindi ako makikita mula sa taas dahil nakaharang ang hagdan papunta doon.
Dahan-dahan akong pumasok at binuksan ang ilaw. Tama nga ang sinabi nila. Kakalinis ko lang dito, bumalik nanaman sa dating itsura. Nakakapanlumo na ganito ang gagawin ko araw-araw tapos wala ding magbabago. Yung sinasabi niyang ibibigay niya ako sa mas demonyo pa sakanya, sino ang tinutukoy niya?
Hindi ako natatakot na baka mamatay ako, kasi nga hindi rin naman ako mamamatay dito. Pero yung hirap na mararanasan ko.Doon ako natatakot.
Napabuntong-hininga ako.
"Ah, hello? Nandiyan pa ba kayo? May dala akong pagkain para sa inyo"
"Pagkain?"
Dinig kong may nagsalita. Hanggang magsilabasan silang lahat. Nakita ko ang may edad nang lalaki ang kumausap sakin kanina. Sinalubong niya ako.
"Ikaw pala.. Pagkain yang dala mo?"
Kita ko ang saya sa mukha niya.Tumango ako ng nakangiti.
"Salamat. Di ko akalaing mabuting tao kadin pala"
AniyaNilapag ko ang pagkain na dala ko sa sahig para dun sila maka-kain. Umupo naman ako habang pinapanuod sila.
"Ang sarap naman nito! Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain!"
"Talaga?"
Natuwa ako."Oo, paano mo ginawa 'to? May mahika ka rin ba?"
"Mahika? Wala. Niluto ko lang yan"
"Niluto? Ano yun?"
"Uhmm.. Niluto ko sa apoy tapos nilagyan ko ng sabaw at lasa"
"Sa apoy?? Hindi ko akalaing may kakayahan palang gumawa ng ganito kasarap na pagkain ang apoy"
Natawa ako sa sinabi niya.
Parang napaka-ignorante nilang lahat."Ang galing mo naman. Gusto kong matutunan kung paano 'to gawin. Kadalasan kasing kinakain dito ay puro insekto. Nung nakakalabas pa kami ay hindi kami pinahihintulutan kumain ng karne oh ano pa. Dahil para lang daw kaming insekto. Kakainin ang sarili naming uri"
Napakunot noo ako.
Hindi ko alam kung paano siya naging ganun kasama kung totoong anghel siya noon."Ah, nga pala. Ano ang.. tawag sa inyo?"
Nakangiti akong nagtanong.May isang lumapit sakin. Isang batang babae. Napaka-liit niya. Nanlalambot ang puso ko sakanya. Napaka-ganda!
Para bang gusto ko siyang i-uwi. Pero hindi na nga pala ako makaka-uwi."Yosei (Fairies) ang tawag samin"
"Yosei? Anong ibig-sabihin nun?"
Napa-nganga ako sa narinig ko."Yosei oh Diwata. Kami ay mga maliliit na Yosei. Yun ang ibinigay na tawag sa mga uri namin noon may mga kauri mo ang nagtago ng kayamanan sa lumang eskwelahan. Iba ang lengwahe nila kumpara sayo"
Tinutukoy niya siguro yung mga hapon na sumakop sa bansa noon.
"Isa kaming mga Yosei noong ginawa niya kami. Naghangad siya ng magandang mundo. Pero naglaho din lahat. Kaya naging ganito kami. Parang paniki. Kasama ang napaka-pangit naming mga pak-pak at maruruming kasuotan"
Nakaramdam ako ng awa sakanilang lahat. Nagbigay sila ng malungkot na reaksyon sakin. Napakadami nila. Mahigit trenta.
Kung may magagawa lang sana ako.Naaawa ako sa lahat ng nilalang na nandito sa mundong ito. Mas na-appreciate ko bigla yung mundo ko na kung saan masaya. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. At nandoon ang mga taong mahal ko.
"Kung pwede ko lang sana kayong matulungan. Pero kahit ako ay walang magagawa. Hindi ko alam kung paano makakatulong"
"Isa lang ang paraan"
"Hmm? May paraan? Ano?"
Ngumiti siya.
"Ipadama mo sakanya ang tinatawag na kasiyahan. Yung mapapangiti siya. Yung makakalimutan niya ang galit niya. Pati ang galit niya sa mga tao ay dapat niyang isantabi. Pag nagawa mo yun, lahat ng nasa paligid mo ay magbabago. Maging kami ay magbabago. Pag napabago mo siya"
Napa-awang ang bibig ko. Hindi ba't parang napakahirap nun? Ni ayaw niya ngang hawakan ko siya.
Tapos.. kailangang.. ako pa ang magpadama sakanya nun? Parang ayoko. Hindi ko kaya. Pagsubok ba ito?Diyos ko, sa lahat ng pwede kong amuin eh yung demonyo pa? Tulungan niyo ako.
"Paano ko naman gagawin yun? Hindi ba't parang napakahirap?"
"Umpisahan mo dito. Hainan mo siya ng napakasarap na pagkain na 'to"
"Ginawa ko na yan kanina"
"Talaga? Anong nangyari?"
"Ayaw niya. Pangit daw ng lasa.. Ewan ko ba. Mas gusto niya pa ba yung mga hilaw na kinakain niya? Mas nakakasuka yun!"
"Hmm.. Mukhang hindi talaga siya makukuha sa unang subok. Basta ipagpatuloy mo lang. Wag mo siyang papakainin ulit ng mga dati niyang kinakain. Tama! Iparamdam mo sakanya.. Kung paano magmahal!"
Na-istatwa ako, ipaparamdam ko sakanya kung paano magmahal? Huh?! Tama ba 'yon? Eh demonyo nga siya diba? Paanong.. Ang isang demonyo na gaya niya eh makakaramdam ng pagmamahal? Sa ugali pa lang niya, napaka-makasarili.
Kalokohan!Tsaka diba ayaw niya sa mga tao? Ayaw niya sa mga tulad ko. Isa pa ang tao ay para sa tao. Ang anghel ay.. di ko alam kung umiibig ba sila maging ang mga demonyo.
Nakaka-aning naman 'to! Diyos ko, mas mabuting kunin niyo na lang ako! Kaysa turuan yung isa na yun na magmahal. Ayoko at hindi ko kaya.
Parang ito yung nababasa ko sa mga libro na di ko akalaing totoo pala at pwedeng mangyari sa totoong buhay.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...