Chapter 56
Masyado nang sumisikip ang dib-dib ko. Tumayo ako bigla na ikinagulat ng lahat.
"May problema ba Ms. Jimenez?"
"Uh. May i go out sir?"
"Sure"
Mabilis niyang sagot.
Dali-dali akong lumabas ng classroom. Hindi ko na nilingon pa ang bagong estudyante na naka-upo sa tabi ni John ngayon.Alam kong alam ng mga kaibigan ko ang nangyayari sakin.
Hindi kaya masyado lang akong na-aapektuhan?
Pumasok lang ako ng cr para maghilamos. Para tignan ang sarili ko sa salamin.
Sabay hinga ng malalim. Hindi talaga ako okay, at mukhang hindi na ako magiging okay.
Paano ako makaka-move on kung lagi kong naririnig ang pangalan niya?
Mga 15mins. din akong wala sa classroom, sasabihin ko na lang na dumaan din akong infirmary.
****
Pagkadating ko ng classroom, nagsusulat na silang lahat ng nakalagay na mga equations sa board.
Hindi ko alam kung bakit pero namagnet ang tingin ko doon sa Denver.
Nanlaki ang mga mata ko at napayuko ako agad. Nagtamang muli ang mga mata namin.
Hindi siya nagsusulat. Nakahalukip-kip lang siya noon.
Mabilis akong umupo sa pwesto ko habang sapo ang dib-dib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hay, bigla kong namiss si Denver. Gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na siya.
Tinapik ako ni Liza sa balikat at nginitian. Sa ganong paraan medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
****
Lunch break..Hindi na namin pa pinag-usapan ang tungkol sa bago, tsaka hindi naman na importante yun pero.. Ngayon ko lang din napagtanto na parang pareho sila ng physical appearance ng lalaking tumulong sakin.
Pinagkibit-balikat ko na lang.
"Yung plano.. Ganito, halimbawa lang na pagtatangkaan ko buhay ni Macy. Tapos siyempre kung siya talaga si Denver, dadating siya at ililigtas si Macy"
"Huh? hindi pwede. Pano pag may gawin siyang masama sayo?"
Sabi ko. Ito na ang pagpapatuloy ng plano ni Zeik."Wala siyang gagawin sakin, kasi pipigilan mo siya Macy. Doon na ako aalis, tsaka mo siya kumprontahin kung sino ba talaga siya. Oh kung siya ba talaga si Denver.."
Narinig kong pumalakpak si Darlene.
"Ang galing mo mag-isip Zeik, sige gawin natin yan. Basta andun lang kami for back-up kapag may ibang nangyari"
Bumuntong-hininga na lang ako.
Kung tutuusin, okay din yung plano ni Zeik. Pero... Uubra naman kaya?"So, kailan natin gagawin yung plano?"
Tanong ni John
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...