Chapter 61

194 4 0
                                    

Chapter 61

Natapos ang kanta at bumalik sa dati ang mga ilaw. Nakatayo sa harap ko si Denver na ngayon ay nakangiti na sakin.

Nakahawak parin ako sa bibig ko.

"Patawad kung pinag-antay pa kita"
Inilahad niya ang dalawa niyang kamay sakin.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumapit ako sakanya tsaka niyakap siya ng mahigpit.
Doon na ako napa-iyak sa balikat niya.

"Napaka-ganda mo namang anghel ngayon. Macy"

Hindi ko mapigilan ang paghagulgol sa balikat niya. Alam kong nasa amin na ang atensyon ng lahat at sigurado akong nagulat ang iba. Halos tahimik lang sila.

"Naghintay ka ba ng matagal? patawad, may inayos lang ako. Diba, sabi ko sayo, babalik ako. Heto.. kaya na kitang gawing prinsesa kahit na normal na lang akong tao ngayon"

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at nagpunas ng luha. Pinunasan niya rin ang pisngi ko.

"P-pero paano??"

Ngumiti siya.

"Tinulungan ako ng tatlong yun. Alam kong nagtataka ka kung bakit ganyan ang itsura nila pero mamaya ko na ipapaliwanag lahat..
Sa ngayon.."

Inilahad niya ang kanang-kamay niya sakin.

"Come with me. Let me guard you now. I am Your Guardian Angel"

Sinisinok pa ako dahil sa pag-iyak ko. Inabot ko ang kamay niya nang 'di na nagdalawang-isip pa.

Noon ay narinig ko ang paghiyawan at ang palakpakan ng mga tao.
Yung mga kaibigan ko ayun at todo suporta sakin. Naiiyak pa yung iba.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar na matagal mo nang namiss. Doon tayo pupunta"

"S-saan?"
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Hinila niya na lang ako paalis sa Venue ng hindi nagpapa-alam sa mga tao. Lumingon ako sa mga tao at nakatingin lang sila samin. Ang mga kaibigan ko at yung tatlo.
Ngumiti pa si Zion sakin at ginantihan ko din ng ngiti.

Alam kong 'Di niya maririnig pero nagsabi ako ng..
"Salamat.."

Saktong kakalabas lang namin, tsaka sila gumawa ng ingay sa loob na tila tumutugtog silang muli para maaliw ang mga tao. Narinig ko ang mga hiyawan pero tinuon ni Denver ang atensiyon ko.. Sakanya lang.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta ngayon ni Denver. Inakyat niya ako sa pinaka-tuktok ng hotel, doon sa rooftop.

Halos mapuwing ako sa tumambad sakin. Isang helicopter??

Confused akong tumingin sakanya.

"Kaninong helicopter ito?"
"Sakin, satin. Macy"

"S-seryoso??"
"Oo. Seryoso. Kaya,
Halika na"

Pinahubad niya muna ang wings na suot ko nang sa ganon ay hindi ako mahirapan sa pagsakay.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon