Chapter 34
"A-anong nangyayari?"
Nakita ko, mula sa pinaka-sulok ng mansion hanggang sa kabuuan ang pagbabago ng lahat.
Nangyari na ang pinaka-hihintay ko.
Simula nung araw na yun, gumanda ang buong paligid maging ang mga nasa labas.
Napasulyap ako sa bintana, may mga nakikita na akong ibon na lumilipad.
Hindi rin nagtagal at dumako rin ang mga mata ko sakanya, matapos niyang magliwanag sa harap ko.
Ngayon ay paunti-unti siyang tumatayo.
"D-Denver"
Nakita ko ang mga pak-pak niyang naging kulay puti na.Napanga-nga ako sa nakita ko. Napakaganda ng mga iyon.
Yung pagka-mangha ko ay napalitan ng ngiti. Natutuwa ako, tuwang-tuwa ako. Masaya ako para sakanya. Nagpunas ako ng luha.
Ibig-sabihin dininig ng diyos ang dasal ko? Napatawad na ba siya?
Nakatayo na siya sa harapan ko at unti-unting nagmulat.
Habang ako ay nakaupo pa at yung mga dugo sa kamay ko unti-unti nading nawawala.
Nakita ko ang pagbabago sakanya..
Si Denver, isa na muling ganap na Anghel.Makakabalik na ba siya sa langit?
Habang nakaupo parin ako, siya namang luhod sa harap ko.
Hinawakan niya ang kamay ko tsaka nagsalita.
"Simula sa mga oras na 'to, ako ang Anghel ng Diyos na si Denver ay sumasaksi sa tao na inilikha ng Diyos, ako'y magbibigay pugay at galang sakanila habang-buhay. At hindi na sila kamumuhian pa kailanman"
Aniya.
Namangha ako sa lahat ng sinabi niya. Naluha ako sa tuwa. Pero tulala lang ako sa mukha niya kahit na naluluha ako.
Maya-maya pa ay marahan niyang hinalikan ang kamay ko, tsaka ngumiti sakin na ikina-init ng pisngi ko. Mas gumwapo siya ngayon, kakaiba ang dating niya. Parang dama ko yung kabanalan sakanya.
Pero may napansin akong kakaiba..
"Yung mga mata mo-
Hahawakan ko sana pero pinigilan niya ako.
"Hindi pa talaga tuluyang nagbabago lahat sakin, tinanggap ko ang isang taong tulad mo. Pero sa ideyang ikaw lang sa ngayon, kaya siguro hindi pa sapat.. Kaya siguro hindi pa ako makakabalik ng langit"
Babalik sa langit? Siya?
"Babalik ka sa langit? Kailan?"
Noo'y lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko.
"Mas mainam na 'to, na hindi na ako bumalik para makasama lang kita"
Nakadama ako ng lungkot, kung ganon.. Kapag mas lalong nahulog ang loob niya sakin, mas lalo niyang matatanggap lahat ng mga tao, may pag-asa na siyang makabalik ng langit.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasía[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...