Chapter 40

240 7 0
                                    

Chapter 40

Para akong nanigas sa kinahihigaan ko habang nakikitang papalapit na si Denver sa mukha ko.

Napapa-awang na lang ang bibig ko, sobrang nakakatense, nakaka-kaba, parang nakikipag-karerahan ang puso ko. Gusto ko naman din sanang ibigay ang gusto niya p-pero, natatakot ako.

Nang magbanggaan na ang mga ilong namin ay napapikit na ako at..

"Pinuno!!!!"

Nagdilat ako ng mata dahil sa gulat sa pagsigaw ng 'di ko malaman kung sino, pero galing ito sa bintana.

Noon ay nakita ko si Denver na napahinto rin, natatakpan ng buhok niya ang mga mata niya.. Hindi ko makita ang reaksyon niya pero.. Hindi maganda ang kutob ko dito.

Inalis niya ang pagkakahawak sakin, at umalis sa ibabaw ko tsaka nagmadaling pumunta sa bintana.

"Zion!!"
Naka-upo na ako sa kama na medyo gulat pa.

"Uh.. Uh- pasensiya na hindi ko alam na-

Hinila siya ni Denver sa damit at matalim na tinitigan.

"Bakit mo kami iniistorbo?! anong kailangan mo!!"

"P-pasensiya na talaga.."
Natatawang napakamot sa ulo si Zion.

"Siguraduhin mong importante yan, kung hindi paulit-ulit kitang papatayin!"

"P-pasensiya na.. eh kasi hindi namin makontrol ang ibang hayop. Ikinakalat na namin sila sa buong lugar para mas maka-pamuhay ng maayos. At alam naming ikaw lang ang makakagawa noon. Kaya masasabi kong importante ito"
Sabay ngiti niya.
Pabagsak siyang binitawan ni Denver at tumingin sakin.

Naka-upo parin ako at nakatitig sakanila.
Hindi parin ako makapaniwala na.. Timing masyado si Zion.

Niligtas niya ako..

Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mata niya..
"Hindi pa tayo tapos, Macy"
Sabay ngisi at dumaan palabas ng bintana.

Napalunok ako. Ayoko naaa!!

"Pasensiya na Macy ha"
Tumayo ako at lumapit kay Zion.

"Mabuti na lang at dumating ka.."
"Bakit? eh parang naka-istorbo pa nga ako sa ginagawa niyo"

"Uh.. Basta, salamat ah" Tinapik ko siya sa balikat tsaka siya umalis agad.

Nakatanaw ako sa bintana habang pinagmamasdan sila palayo. Napapangiti ako.

Hindi ko pa nasasabi na kaarawan ko ngayon, pero parang napakadami nang nangyari..

Naisip ko bigla ang mga magulang ko.
Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? masaya kaya sila? nakalimutan na kaya nila ako?
Miss na miss ko na sila.

Gusto ko sana silang makita. Kahit.. Ngayong kaarawan ko lang.


'Di ko namalayang nakatulog na pala ako kakahintay kay Denver.

"Macy.. Macy"
May gumigising sa akin. Si Denver na ba yun?

Nagmulat ako ng mga mata.

"Gising.. May pupuntahan tayo"
Nagising bigla ang diwa ko. Nakita ko si Denver na naka-upo sa gilid ng kama at nakatingin sakin.

"Denver?.. Nakatulog na pala ako.. Kumusta?"

"Anong kumusta?"
"Yung inasikaso ninyo? kumusta?"
"Hmm.. ayos lang naman. Bumangon ka, may pupuntahan tayo"
"Huh? saan?"

"Basta.. Sigurado akong matutuwa ka"
Nakangiti niyang sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan akong makabangon. Tumingin ako sa bintana, madilim na pala.
Kanina pa pala ako tulog.
Hay, hindi masyadong masaya ang araw ko ngayon. Di ko masabi-sabi na birthday ko ngayon. Paalis-alis kasi si Denver kanina.

'Di bale na nga. Ang importante magkasama kami.

"Saan ba tayo pupunta?"
"Makikita mo.."

Ngumiti siya noon tsaka ako hinigit palapit sakanya at niyakap ako.
Suot niya yung damit niya nung una ko siyang nakita. Kahit ganun ay hindi ako nakakadama ng takot pa sakanya.
Kung noon ay takot, ngayon naman pakiramdam ko ay napaka-safe ko pag nandiyan siya.

****

Nagtaka ako kung bakit niya binuka ang mga pak-pak niya at dahan-dahang itinakip saming dalawa.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Napapikit na lang ako at di na nagtanong.

Tila ba humangin bigla ng malakas.
Parang sa loob ng ilang segundo ay huminto ang malakas na hangin.

"Nandito na tayo"

Inalis niya ang mga pak-pak niyang nakatakip samin. Iminulat ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan kami, pero purong puti na pader ang nakikita ko, may mga ilaw.

Parang hindi ito parte ng mundo nina Denver.. T-teka..

"Nasan tayo? Denver? hindi ito parte ng mundo niyo.. H-hindi ba?"
"Hindi nga.."

"Kung ganun... N-nasaan tayo?"
Kahit na may konting alam ako kung nasan kami, pero gusto kong makumpirma sakanya.

"Sa mundo niyo"
Nakangiti niyang sabi.

Napahawak ako sa bibig ko at iginala ang mata ko.

"D-dito? pero paanong.. paano tayo nakapunta dito? a-akala ko ba ayaw mo akong makalabas?"

"Pansamantala lang ito.. Wag kang mag-alala hindi tayo nakikita ng mga tao. Tayo lang ang nakakakita sakanila.."

Noon ay nakadama ako ng pananakit ng lalamunan dahil sa nagbabadyang luha ko. Namiss ko ang mundo namin. Sobrang namiss ko talaga!

"Pero bakit mo ako dinala dito?"

"Regalo ko sayo.. Ngayong kaarawan mo"

Napa-awang ang bibig ko.
A-alam niya? Pero paano? Hindi ko naman sinabi..

"Denver? totoo?"
Huminga ako ng malalim.. Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Maraming salamat.. Salamat!"

"Wag ka munang magpasalamat. Hindi mo pa nakikita ang pakay natin dito"
Aniya habang hinihimas ang buhok ko.

"Pakay?"
"Ayan sila.."
Turo niya sa may kaliwang hallway. Mula doon ay may lumabas na dalawang may edad nang babae at lalaki na ngayon ay naglalakad, at pumunta sa waiting area.. ng lugar.. Waiting area.. Nasa Ospital? bakit sila nandito? Sino ang nandito?

"Ayan ang mga magulang mo hindi ba?"

Bulong niya sakin.

"Puntahan mo sila.."
Hinawakan niya ako sa kamay ko at inalalayan akong makalapit sakanila.

Hanggang harap-harapan ko na silang tinitignan. Bakit ganito? sobrang naninikip ang dib-dib ko..
Halo-halo ang nararamdaman ko. Saya, lungkot, pagkamiss sakanila.
Tinignan ko ang mga mukha nila na tila ba masaya na.
Ibig-sabihin ba.. Matagal na nilang tanggap na wala na ako?

"Mama, Papa"
Nagpunas ako ng luha na walang tigil sa pagpatak.

Alam kong hindi nila ako naririnig pero.. Matagal ko nang gustong bigkasin ang mga salitang yun. Ang Mama ko at ang Papa ko.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon