Chapter 59
Pinaghandaan ko talaga ng ilang-araw ang party na yun. Last week pa in-announce ang Anniversary pero biglang ganito.. Sumulpot si Denver, sinadya niya bang itong mismong school namin ang bibilhin niya?
Nagsipag akong pumasok kada araw bago mag-friday.
Lagi akong masaya. No more bad vibes na. Ayoko na nun."May costume na ba kayo? bukas na ah"
Si Liza"Oo naman! ako pa ba?"
Si Darlene"Guys! masusurprise kayo sa costume ko! pinatahi ko pa yun!"
Tawa ni Darren"Pagandahan na lang ng costume Darren!"
Hamon ni John"Ako ang magiging pinaka-cool na Angel sa lahat. Makikita niyo"
Singit ni ZeikAyoko nang ibida yung sakin, nakahanda narin naman ako.
"May price daw ang mananalo ng costume! omg! ano kaya?? ano kaya??"
"Baka pera, pagkain.. Tapos pera"
"Ikaw Macy? alam mong ikaw ang dapat na maging pinaka-maganda sa araw na yun"
Ngumiti ako sakanila.
"Ewan, hindi ko alam. Simple lang naman isusuot ko"
"Bakit pa simple? Yung astig na yung maganda. Yung magastos! isang beses lang 'to sa isang taon! Ngayon lang ako nakapag-cosplay kaya.. Humanda kayo sa costume ko"
Sabay halakhak ni Darren"Ako kinuha ko pa yung character sa nilalaro kong online game"
Kanya-kanya na silang pabida. Basta ako.. Kung ano lang ang pagkaka-alam ko sa Angel, yun lang. Wala nang iba..
Nasasabik na akong makita siya bukas.I really want to see him wearing a big Wings. Nakaka-miss yung dati na inililipad niya ako. Napakasarap sa pakiramdam. Namiss ko yung mundong yun. Gusto kong bumalik doon. Haaay.. Pero teka, hindi ko pa natatanong kay Denver kung nasaan yung tatlo at ang mga devata kong kaibigan? Nasa langit na kaya sila?
Isa rin sila sa mga namimiss ko. Doon sa lugar ni Denver, napaka-tahimik. Walang maiingay na sasakyan, sariwa yung hangin.
Haay sobrang nakaka-miss.
****
Friday..
"Macy! malapit na mag 5pm. Susunduin ka ba ng mga kaibigan mo?"
"Opo ma! Yung van nina Zeik ang gagamitin namin!"Sigaw ko mula sa kwarto, nakabihis na ako.
Pinagawa pa ni mama ang costume ko sa magaling daw na designer.Kung tutuusin, naka-dress lang ako eh. White Dress na labas ang balikat at hanggang binti ang haba, tama simple lang. Kinulot ni mama ang buhok ko para mas Anghel daw ang dating. Kulot daw kasi ang buhok ng mga Anghel, nakakita na ba si mama nun? Si Denver hindi naman kulot ang buhok niya
Pero kung sabagay, okay narin tignan sakin ngayong tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Naka White sandals din ako na walang takong. 'di naman daw kasi nagtatakong ang mga Anghel. Ganun daw yun sabi ni mama. Mas may alam pa talaga siya kaysa sakin na ako mismo nakakita na ng Anghel at hindi lang isa..
Kundi apat pa. Idagdag mo pa yung halos trentang devata.
Natatawa na lang ako sa naiisip ko.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...