Chapter 57

219 6 0
                                    

Chapter 57

Naka-uniform na sila nung pumunta sa bahay, sabay-sabay na kami mamaya.

"Whooaa!! totoo ba yang nakikita ko?"
"Oh my god! Macy! san mo 'to nakuha?"
"Napakadami nito! yayaman na kayo Macy! Pero hindi kaya galing yan sa sindikato?"

"Galing kay Denver? ibig-sabihin yan yung pinag-aagawang kayamanan?!"

"Ow! ow! tama nga, yun nga!"
"Totoo ba talaga 'to?! ang swerte mo Macy!! Kung nandito lang sana si Denver para mapasalamatan mo siya ng personal"

"Macy pengeng balato ah"

Napatingin ang lahat kay Darren at nakatanggap ng tag-iisang kutos.

"Araaay!! ano ba kayo??! Nanghihingi lang ako ng balato ah?"

"Kita mong seryoso kami dito!"

Lumapit sakin si Liza.

"Anong gagawin mo sa mga alahas na ito Macy?"
"Ibabalik ko sakanya, pag nakita ko na siya"

Sigurado akong sakanya 'to galing. Bakit ito ang binigay niya? Hindi ko kailangan ang kayamanang 'to. Siya lang ang kailangan ko. Ngayon.

Hindi na maipag-kakailang siya nga ang bagong estudyante sa school. Kahit pa umigsi ang buhok niya, kabisado ko ang mukha niya.

Hindi kayang ipagka-ila ng puso ko ang naramdaman ko kahapon.

"Huh? eh bakit? makakatulong ito sa inyo!"

"Hindi dapat sakin yan. Matagal na panahon niyang binantayan yan, at dapat sakanya mapunta lahat"

"Pero binigay niya na nga sayo. Ibig-sabihin.. Mahal ka parin niya, Ganun ka parin niya kamahal Macy. Baka binabantayan niya na yan dahil sayo, dahil ibibigay niya sayo"

"Pero hindi ko kailangan nito. Siya lang ang kailangan ko. Kailangan ko ngayon"

Umupo ako sa kama habang sina Zeik, John at Darren ay tinitignan isa-isa ang mga alahas.

"Biruin mong nilagay niya pa talaga sa tapat ng bahay niyo? Wala bang nakapansin?"
Ani Darlene

Umiling ako.

"Cctv wala kayo?"
"Hindi pa gumagana eh"
"Hayss! sayang naman! Di mo siya nakita. Sayang talaga!"
Sabay padyak ng paa niya

Huminga ako ng malalim.
"Guys!"
Tawag ko na nakakuha agad ng atensyon nila.

"Gusto ko sanang.. gawin na mamaya ang plano"

"Ano Macy? pero hindi pa weekend, may pasok pa tayo mamaya"

"Hindi na muna tayo papasok. Gusto ko na siya makita agad. Ayoko nang maghintay pa ng ilang-araw. Gustong-gusto ko na siyang makita. Maka-usap. At kung sana ay.. Gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong malaman kung paano niya ako nasusundan? Kung bakit hindi pala talaga siya naglaho. Kung bakit.. Naging tao na siya. Marami akong tanong. Kaya please.. Tulungan niyo ako"

"Naging tao na siya?"
Kunot-noo ni Zeik.

Napalunok ako bago nagsalita.

"Kahapon. Nung nagpunta ako mag-isa sa cafeteria.. N-nakita ko si Denver na nagpunta rin doon.."

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon