Chapter 45
Ayokong ipahalata kay Denver na matamlay ako. Gusto kong ipakita sakanya na lagi akong masaya. Alam kong ako ang pinanghuhugutan niya ng saya. Ayokong mawala ang kasiyahang yun.
Pero sadya talagang malupit kadalasan ang tadhana. Oh kagustuhan din ito ng diyos? na mapag-hiwalay kami. Magka-iba kami ng mundo, pero nagmamahalan kami.
Pinalipas ko ang araw na hindi nagpapahalata kay Denver at mukhang maayos naman, kaya lang Lagi kong nahuhulog ang mga pinggan, ang mga pagkain. Dahil madalas nang mangyari ang kinakatakutan ko.
"Anong nangyayari sayo Macy? may hindi kaba sinasabi sakin? Pang-limang beses mo nang nakakabasag ng Pinggan oh di kaya nasasayang ang pagkain. Ano ba ang nangyayari sayo?"
"P-pasensiya na.. Baka pasmado lang ako"
"Pasmado?"
"Nanginginig kasi ang kamay ko. Baka dahil din sa pagod tapos bigla akong magbabasa ng kamay. Kaya pasmado ako"
"Sigurado ka bang yun lang? ayos ka lang?"
Tumango ako.
"Sige, ako na lang lagi ang gagawa niyan. Dapat nga ako talaga ang gagawa nito. Kaso ayaw mo naman"
"K-kaya ko naman kasi tsaka.. Nasanay na ako"
"Pero hindi ako sanay na ganito ka. Ayokong nagkakaganyan ka. Umupo ka doon. Ako na dito"
AniyaNoon ay 'di ko napigilang mapa-iyak.
"Oh! bakit ka umiiyak??"
Pinunasan ko ang mata ko na parang bata at umiling-iling.
Inalis niya ang kamay ko na nakaharang sa mukha ko at tinitigan ako sa mata."Nag-aalala na ako Macy, ano ba talagang nangyayari??"
"Den..ver.."
Napahagul-gol na ako.Pasensiya na Denver, kung hinayaan kitang walang alam sa mga nangyayari sakin. Mahal na mahal kita at ayokong masaktan ka.
Sobrang sakit para sakin na isiping, pwede akong mawala sayo.. Habang-buhay.Habang umiiyak ako.. Hindi ko namalayan na..
"Y-yung kamay mo.. Macy?? Anong nangyayari diyan? bakit.. naglalaho yan?"
Nabigla ako, tsaka ko nakita.
Malabo pa ang mata ko dahil sa luha. Natatakot ako."Ah! ayoko nito! Denver.. Tulungan mo ako! Bakit.. ganito Denver? Ayokong.. Mawala. Ayokong iwan ka"
Sunud-sunod na ang pag-iyak ko. Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla at pagkataranta.
Tila ba nawalan siya ng lakas at napa-upo na lang.
"Hah! Denver!"
Umiiling-iling siya.
"Hindi.. Hindi ito totoo, hindi ito nangyayari. Hindi ito pwedeng mangyari!!"
Noon ay nakita ko na lang ang biglang pagdilim ng buong paligid, ito ang kinakatakutan ko.
Lumapit ako sakanya at umupo sa harap niya.
Yung kamay ko, bumabalik at nawawala. Pero hinaplos ko ang mukha niya gamit yun, tsaka bumalik sa dati ang kamay ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit kahit na wala pa siya sa sarili niya. Namumula ang mga mata niya. Hindi ko kayang tignan na nagkakaganito siya.Nakakatakot ang buong paligid. Bigla na lang nawala lahat ng pinaghirapan naming lahat, mas nakakatakot pa ito kaysa noong una. Parang.. Nasa impyerno ako, may mga nagbabaga sa bawat ding-ding. Ang ibang parte ng bahay ay tila ba nagiging abo at naglalaho.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...