Chapter 9

251 4 0
                                    

Chapter 9

"Tumigil nga kayo! Wag niyo isisi kay Macy lahat! Hindi rin naman niya ginusto ang mga nangyayari.. T-tsaka! Kung hindi tayo nagpunta dito.. umpisa pa lang. Hindi magkaka-ganito!"
Pagtatanggol sakin ni Darlene.

"Wag na tayong magsisihan, wala ring mangyayari.." Si Zeik.

Umupo na lang ako sa hagdan habang pinagmamasdan silang lahat na naka-upo din. Hindi ko alam kung paano kami makaka-alis dito.

Sinara na nila ang pinto na sana ay exit namin.

"May mga bintana. Basagin niyo ang mga bintana"
Utos ng Head.

Kaya nagsikilos halos lahat ng estudyante.. Maging ako ay sumunod narin.

Naghanap kami ng bintanang basag na oh marupok na para madali na lang sirain.

Hindi pa man kami nakakalapit sa iba ay may tumakbo na palapit kay Mr.Gonzales.

"Sir! Wala kaming mahanap na bintanang basag na"

"Huh? Anong wala? Eh halos lahat ng bintana sa lugar na 'to ay basag na. Anong nangyayari?"

"Lahat po.. ng bintana.. Maayos at walang basag. May mga bakal nang nakatakip. Hindi namin alam paanong nangyari pero-

"Yaahhh!!"

Nawindang kaming lahat nang magtakbuhan ang ibang estudyante papunta samin. At may lalaki sa dulo, yun ba ang tinatakbuhan nila?

"Anong nangyayari?" Ani Mr. Gonzales na animo'y kabado na.

Nakita naming duguan na ang isang estudyante papunta sa direksyon namin.

"Aahhh! Ano yan? Anong nangyari??"

May nakatarak sa katawan niyang isang mahabang bagay. Parang tubo.

Napahawak ako sa bibig ko.
Nataranta rin maging sina Zeik.
Napahawak ako kay Darlene.

"T-tulong.. m-may.. Huma..Ha..bol..-
Naubo siya habang nagsasalita.

Lahat kami ay hindi alam ang gagawin. Naka-awang lang ang mga bibig namin.

Walang nagsasalita.

"Sa..kin..-

Tuluyan na siyang bumagsak noon. Nagkalat ang napaka-raming dugo sa sahig.

Napa-atras ako.
Nangangatog ang buong kalamnan ko. Sobrang naguguluhan ako. Ganyan din ba...ang mangyayari.. Samin?

"Yyyaaaahhhh!!!!"

Nang magkasigawan ang mga estudyante dali-dali silang nagtulakan. Kami ay hindi pa tuluyang nakaka-alis ng hagdan.

Kaya napa-akyat kami papuntang second floor.
Nagsunuran ang mga estudyanteng nagkatulakan na. Yung iba ay nadapa. May naapakan. May nadaganan, may umiiyak. May sumisigaw.

Para na akong mababaliw. Para akong nasa isang Asylum.

Madali kaming umakyat hanggang makarating kaming hagdan. Medyo marupok narin ang kahoy sa hagdan kaya habang nagmamadali kami ay may pag-crack kaming narinig.

"Wag! Wag kayong aakyat! Delikado! masisira na ang hagdan!"

Sigaw ko nang kami ang mauna sa taas.

Pero dahil sa pagkataranta nila ay di nila ako pinakinggan.

Ang akala ko ay magiging okay lang dahil marami narin ang naka-akyat sa hagdan pero..

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon