Chapter 37

224 6 0
                                    

Chapter 37

May mga taong nakapasok.. Nanaman? Pero paano?

"Aalis ka? gusto kong sumama"

"Hindi, dito ka lang"

Hinawakan ko siya sa kamay niya nang tumayo siya.

"Wag mong sabihing.."
Ngumiti siya sakin.

"Hindi na ako mananakit pa ng tao. Pangako, tatakutin ko lang. Hindi ko pwedeng ibigay ang kayamanang yun at hindi ko pwedeng hayaang masira ang lumang eskwelahan, pag nangyari yun.. Mawawala lahat ng 'to. Lahat-lahat.. Maging ako. Magiging isa na lang akong ilusyon. At hindi ko yun hahayaan"

Dumulas ang mga kamay ko sa palad niya, nanghina ako bigla.
Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"M-mag-iingat ka"

Tumango siya..Tsaka biglang naglaho, tulad ng dati nung una ko siya nakita.. Tinangay siya ng isang napaka-itim na usok. Hindi ko alam kung nasaan na siya.

Yun lang ba ang paraan para makapunta siya sa mundo namin? Gustuhin ko mang sumama para malaman kung ano ang mangyayari. Pero hindi rin pupwede.

Hindi ako mapakali simula nang umalis siya.

Nang may kumatok sa pinto, na binuksan ko naman agad.

Bumungad sakin sina Zion, Zeebub at Luci.
Tila hikahos sila.

"A-anong ginagawa niyo dito?"
"Si Denver? asan siya? umalis ba siya? hindi pwede 'to! may mga taong nakapasok sa lumang eskwelahan. Mga armado sila.. balak nilang wasakin ang buong eskwelahan para sa kayamanan"
Ani Zeebub na tila natataranta.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"A-ano? anong mangyayari? hindi naman mapapahamak si Denver diba? Malakas siya. Hindi siya mapapano, hindi ba?"

"Hindi siya mapapahamak, kung lalaban siya. Pero sa kalagayan niyo ngayon. Nawala na ang galit niya sa mga tao. Baka hindi niya na magawang manakit oh pumatay. Dahil sayo. Hindi niya na mapoprotektahan ang dapat niyang protektahan nang dahil sayo Macy, ito ba talaga ang gusto mo? Tutulungan kitang makabalik sa mundo mo.. Kapag nangyari 'yon, ako na ang bahalang magpaliwanag sakanya at tutulungan namin siyang makabalik ng langit. Kaming lahat. Magiging payapa tayong lahat."

Pangungumbinsi niya, tila nabingi ako. Ayokong intindihin ang mga sinasabi niya. Iiwan ko si Denver? Iniisip ko pa lang, hindi ko na kaya.

"Hindi kita sinisisi Macy, sa katunayan dapat pa kaming magpasalamat sayo dahil binago mo siya, at maging kami. Pero sa ganitong sitwasyon dapat isantabi niya muna ang mga pangako niya sayo, ang biglang pagpapatawad niya sa mga tao. Kung hindi, siya ang mapapahamak. Ikaw.. Ang kailangang gumawa ng desisyon para sainyong dalawa"

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon