Chapter 28
Denver? Hindi ko alam na may totoo pala siyang pangalan. Ang 'Akuma' ay isa lang palang bansag sakanya.
Nang pumasok kami sa loob ng mansion ay ngiting-ngiti na ako, pero medyo kinakabahan pa na hindi ko alam kung anong dahilan.
Kinakabahan pag nandiyan siya. Kapag nakatingin siya. Kapag nagbabantay siya. Parang hindi ako makahinga.Hindi na siya ang naghanda ng pagkain namin, ako na ang pinagawa niya. Dahil kahit siya ayaw niya ng lasa nung ginawa niya.
Natawa naman ako.
Mas okay parin naman yung sakin.Habang kumakain na.. Hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. Nakatingin lang ako sakanya.
"Bakit 'di ka kumakain?"
"Eh? W-wala naman.. Hindi pa kasi ako gutom"
"Tigilan mo ang pagtitig sakin at kumain ka"
"Kapag nakikita kitang kumakain, para nabubusog narin ako"
Nasabi ko yun ng wala sa sarili. Nakatingin ako sakanya na lutang ang diwa ko.
Ibinaling niya ang atensyon niya sakin.
Doon ko na-realize.. Yung sinabi ko. Tinakpan ko ang bibig ko.Natawa siya.
"Ibang klase ka talaga. Kumain kana diyan"
AniyaNakakahiya!
Narinig ko ang pagtawa niya.
Ughhh!!! Ano bang sinasabi ko??
Lutang na ata ako. Hay! Sana kainin na lang ako ng lupa!"Hindi kana makakabalik kapag kinain ka ng lupa"
Aniya na natatawa pa.Napahawak ako sa mukha ko.
Nakaka-inis, lahat ba talaga ng iniisip ko.. Nababasa niya?"Oo"
Ughh!
Napayuko na lang ako tsaka nag-umpisang kumain.
Nahihiya parin ako. Siguradong namumula ang mukha ko.
Nauna siyang natapos sa pagkain, kaya umalis din siya agad.Doon ako nakahinga ng maluwag.
Hanggang matapos akong kumain, nagligpit ako tsaka umakyat sa kwarto ko.
Kung bakit ba kasi na ika-apat na palapag pa. Napakalayo.Wala ako sa sariling binuksan ang pinto ng kwarto at humiga sa kama.
Nakatingin ako kisame na ngayon ay kulay pink.Pink?
Kisame?Napabangon ako at tinignan ang buong paligid.
Lumaki ang ngiti sa mga labi ko.
Yung kwarto, bumalik sa dati nitong itsura. Kung anong itsura nito nung una kong nakita, ay ganun na ngayon. Yung buong kwarto!"Ang ganda!"
Inilibot ko ang paningin ko tsaka iginala ang sarili ko sa buong kwarto na noon ko lang ginawa.Yung mga gamit nito noon na puro marurupok na mesa, drawer, upuan, at kama.. nabago na lahat. Naging maganda at matibay.
Maging ang bintana. Yung pulang kurtina ay naging puti.
Wala na ang maitim na aura.Sa sobrang tuwa ko ay napapatawa na ako. Tumungtong ako sa kama at tumalon-talon dahil sa lambot nito.
"Sa wa..kas!! Yung kwarto ko! Bumalik na sa.. dati! Sana ganun narin sa buong lugar na 'to! Salamat!"
Para akong kinikiliti sa pagtawa ko na ewan.
Gusto ko siyang pasalamatan.Kaya nagmadali akong bumaba ng kama at binuksan ang pinto. Sumilip ako sa baba pero natigilan ako.
May mga bisita siya. Yung tatlo niyang kasamahan.
"Bakit mo niligtas ang babaeng yun? Dapat ibinigay mo na lang siya samin. Tutal mukhang wala naman siyang silbi dito. Hindi ko alam kung bakit mo pa siya sinama sa mundo natin, hindi naman siya mapapakinabangan... Maliban na lang kung ibibigay mo siya samin"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasía[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...