Chapter 44
Iyak na ako ng iyak na halos sumisigaw na ako sa sobrang takot.
"Aahh!! W-wag!! ayokong mawala! Ayoko! Please!"
Noon ay nakadama ako ng pagkahilo at biglaang panghihina.
Bumigat narin ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.Pagkatapos kong himatayin ay bigla akong nakarating sa isang napaka-dilim na lugar.
Sobrang dilim, wala akong makita kahit konting liwanag.
Hindi ako makahinga. Ang hirap, parang naninikip ang dib-dib ko.Sinubukan kong maglakad.
At mula doon ay parang may tubig akong naapakan, tumunog ito at tsaka lumikha ng liwanag.Hindi ganoon kaliwanag pero nagkaroon ng mga bituin. Totoong maganda ito.
Para bang nakalimutan ko na kung ano ang nangyayari sakin."Nasan ako? Denver? asan ka? bakit ang dilim? .. Asan na kayo!?!"
Gusto ko na lang humikbi ulit dahil wala sila doon.
Nasa kawalan ako, walang iba kundi ako lang.
Nag-iisa."Anak, Macy? gumising kana. Miss na miss kana namin"
Biglang may nagsalita. Boses ni mama yun.
"M-mama? pero.. Pano?"
"Macy, naghihintay kami sayo. Mahal na mahal ka namin. Hindi na magtatagal at magigising ka rin. Matatapos na lahat ng bangungot na ito"
Boses naman ng isang lalaki."Ma,Pa! Ano bang sinasabi niyo? Anong bangungot! Hindi ko maintindihan! t-tsaka bakit ko kayo naririnig?!"
Wala na akong narinig na anumang salita. Bigla na lang nawala ang mga bituin at maging ako ay unti-unti ring naglaho na.
"Macy! Ayos ka lang? gumising ka!"
"Ngghh? I-Irgos?"
"Oo, ako nga. Anong nangyari sayo?"
Napabalikwas ako ng bangon. Agad akong lumapit sa mga kaibigan kong ngayon ay nakatingin sakin.
Takot na takot parin ako, tinignan ko ang kanang braso ko. Wala, Parang walang nangyari. Buo parin. Panaginip lang ba yun?
"Macy? Bakit ka pumunta dito mag-isa? sugatan kapa kanina. Mabuti at nakita ka ng kasamahan namin. Ano bang nangyari?"
Tumingin ako sa mga mata ni Irgos. Lumapit naman sakin si Elsa at nagbigay ng tubig na nakalagay sa isang ba-o.
"S-salamat. Hindi ko rin alam. Pumunta ako dito p-para.. Magtanong"
"Anong itatanong mo? Tungkol saan at parang tarantang-taranta ka?"
"K-kasi.. Irgos, unti-unti akong naglalaho!"
"Huh? ano? bakit?"
"Hindi ko alam. Wala akong alam"
"Naglalaho ka.. Teka, pina-inom mo ba si Denver ng dugo mo?"
"Hindi! hindi ko ginawa yun kahit kailan!"
"Kung ganun? Anong dahilan? totoo ba talagang naglalaho ka oh baka guni-guni mo lang?"
"Totoo! totoo ang sinasabi ko! Nung mga nakaraan, nakakaramdam ako ng pagkahilo, pagod, panghihina at parang gusto kong matulog lagi. Gusto kong malaman kung bakit? M-may alam ka ba?"
Matagal bago nagsalita ulit si Irgos.
"May kutob ako..."
"K-kutob na??""Kutob na baka ipinaglalaban ng mga mahal mo sa buhay ang katawang lupa mo. Mukhang pinipilit ka nilang ibalik"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...