Chapter 51
Nakatulog pala ako. Hindi ko namalayan, pero bakit ang haba?
Tumayo na ako nun pero bigla akong napa-upo. Parang nanigas ang buong katawan ko.
Ano ba ito? naparalisa nanaman ba ako? na comatose ba ako kanina? dahil sa walang udlot kong pagtulog? at dahil dun sa panaginip ko?"Miss, ayos lang kayo?"
Tanong ng konduktor."Ah, manong. May tubig po ba kayo?"
Nagpabili na lang ako ng tubig sa labas ng bus dahil hindi ko kayang makatayo, napapa-upo parin ako.
"Heto"
Abot niya sakin."Salamat po"
"Ano ba nangyari sayo at di ka makagalaw? heat stroke? eh hindi naman mainit dito sa baguio""Hindi ho, kakagaling ko lang ho kasi sa comatose nitong nakaraang linggo. Tsaka paralisa katawan ko nun, baka hindi pa talaga nawawala yung pagka-paralisa ko"
Kita ko sa mukha niya ang pagka-gulat.
"Ay ganun ho ba? ang saklap pala. Oh siya aalalayan ko na lang kayong bumaba"
Tumango ako. Naubos ko ang isang buong Mineral Water, nauhaw ako dahil sa panaginip na yun. Akala ko totoo na. Maging si Mr. Gonzales.. Akala ko nabuhay siyang talaga.
Inalalayan na ako ni Manong makababa at pina-upo sa waiting area.
"San ba dapat kayo pupunta?"
Hindi ko naman alam ang address kung saan talaga yun tsaka walang street signs.
Nagpakita na lang ako ng isang papel na may picture ng lugar na sinearch ko pa.
"Heto? sa lumang eskwelahan? doon kayo pupunta?"
Tumango ako."Anong gagawin niyo dun? tatangkaing kunin yung kayamanang nandoon? nako, kung ako sa inyo wag na kayong tumuloy. Wala rin kayong dadatnan"
"Ho? ano pong ibig niyong sabihin?"
"Yung eskwelahan kasi wala na. Bigla na lang gumuho. Ang sabi ng ibang nagtangkang magpunta doon eh, mawawala tapos biglang susulpot ang eskwelahan. Nakakatakot nga eh. Hindi alam ng mga taga-dito kung anong klaseng maligno ang nakatira doon. Ayun, hanggang magpakita ulit tapos biglang gumuho. Sobrang luma narin ng school na yun. Hindi na nga pinapansin ng Gobyerno eh"
Ano bang sinasabi niyang gumuho? nawala na? hindi pwede yun. Sinabi sakin nina Denver na hindi pwedeng masira ang school. Karugtong na yun ng buhay nila.. Pag nawala yun.. Ibig-sabihin
Mawawala din sila, habang-buhay.
Umiling-iling ako. Hindi yun pwedeng mangyari.
"Ano miss ayos na ho kayo? basta payo ko lang, wag na kayong tumuloy. Sige ho"
Tsaka na siya umalis. Para bang biglang nangatog ang kalamnan ko.
Baka naman nagkakamali lang sila. Hindi pwedeng masira ang eskwelahan.Pinilit ko nang tumayo at binitbit ang bag ko at nagtawag ng taxi. Huminga ako ng malalim para ma-relax ako.
Relax lang Macy, relax.
Nang makatawag ako ng taxi ay sumakay din agad ako.
"Saan ho tayo ma'am?"
"Uhmm.. dito po" Pinakita kong muli ang picture."Ay, hindi po ako nagdadaan dito ma'am"
"Lalakihan ko ang bayad basta. Dalhin mo ako diyan, sige na. Back and forth Manong. Ikaw ang mag-presyo"
Sabi ko, tila nakumbinsi ko naman siya. Kaya pumayag na.
Bumabyahe na kami at panay tingin naman ako sa relo ko. Mag-aalas tres na pala.
Nang makadaan kami sa mapunong lugar at malubak na kalsada. Alam kong malapit na kami. Nagpapasalamat din ako sa fieldtrip na yun. Dahil nakilala ko si Denver. Kahit na marami ang nasawi noon, wala parin akong pinagsisisihan.
Denver pupuntahan kita ulit, magkikita tayo.Noon ay bahagyang umikot ang taxi sa paligid ng bakod ng school at tsaka pumwesto sa may bakanteng lote doon. Hanggang ngayon ay bakante parin, wala paring mga street signs.
"Nandito na tayo ma'am"
Sabi ng driver nang ma-ipark ng maayos ang taxi."Paki-hintay na lang po ako dito Manong"
"Sige po"
Bumaba narin ako kaagad dala ang bag ko. Halos takbuhin ko ang madamong lupa para lang makalapit doon sa eskwelahan.Ngiting-ngiti ako. May nakikita akong parte ng school na nakatayo. Ano bang sinasabi nilang gumuho na daw? baka nagkakamali lang sila.
Nang makarating ako sa harap ng gate ay nabitawan ko bigla ang bag ko.
Napawi ang mga ngiti ko sa labi nang.. Makitang wasak na wasak ang eskwelahan, pero sa gilid.. May natira pang bloke ng mga semento may pader pa pero mukhang babagsak narin..
"Hindi.."
Tumakbo ako palapit sa malaking gate. Inuuga-uga ko yun. Gusto kong makapasok pero naka-kandado ito."Deeenveeerr!!"
Iyak ko sa labas ng gate."Bakit mo hinayaang lamunin ka ng lungkot ng galit ulit? bakit hindi mo ako hinintay? bakit hindi ka gumawa ng paraan?! ganito na lang ba??! Nagbago kana bigla?! Ganito?? Nawala kana ba.. Asan kana?!!"
Halos ako lang ang maingay sa lugar na yun. Ihip ng hangin lang ang naririnig ko at ang ingay ng mga dahon sa puno na tinatamaan ng hangin.
May mga dahon na ang mga puno doon. Bumalik ang buhay ng konti. Pero paano na lang yung mundong nasa loob ng eskwelahang 'to? Yung pagbabagong nangyari.. Nawala narin ba? pati yun wala na? bakit niya hinayaan? bakit masyado siyang nagpa-apekto sa pagkawala ko?Si Zion! asan na sila? sabi niya bumalik na daw ako. Pero paano ko gagawin yun ngayong.. Wala na ang eskwelahan, ni hindi narin siya nagparamdam pa.
Kasabay ng mga luha ko ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan.
Mas mabuti yung ganun. Mas makaka-iyak ako ng malakas. Hindi ko mararamdaman ang luha ko.
Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Nasasaktan? nabibigo? Nababaliw?
Masaya sa una, pero.. Hindi rin pala talaga nagtatagal ang kasiyahang yun.Halos kalahating oras na akong nakatayo sa tapat ng gate. Nakikita ko lang na nababasa ang mga sirang parte ng eskwelahan. Hindi parin tumitigil ang ulan.
"Ma'am! ang lakas po ng ulan! hindi pa po ba tayo aalis?"
Si manong na pinayungan ako gamit ang payong niya..Nanlalambot ako kaya kumapit ako sa braso ni manong at nagpa-alalay na makasakay sa taxi.
Basang-basa ako.
"Ma'am heto ho bimpo. Magpunas muna kayo"
Ini-abot niya sakin ang puting bimpo.Tinitigan ko pa yun ng matagal bago gamitin.
"Kung hindi niyo ho sana mamasamain, gusto ko sanang itanong kung bakit kayo nagpunta sa lugar na yun?"
Huminga ako ng malalim.
"Para makita ang isang.. importanteng nilalang para sakin"
Sagot ko na hind tumitingin sa driver."Ang lalim niyo naman magsalita ma'am. Eh pwede po bang malaman kung sino yun?"
"Siya yung.."
Dumungaw ako sa bintana na malakas parin ang ulan.
"Ang nag-iisang lalaking minahal ko ng buong-buhay ko""Kung ganun, hindi niyo ho siya nakita doon?"
Umiling ako.
"N-nagkahiwalay kasi kami. Pagkatapos heto at bumabalik ako sakanya pero mukhang.. isinuko niya na ako"
Ayoko nang umiyak pa ulit kaya pilit akong nagpipigil kahit masakit sa lalamunan ko.
"Baka naman po hindi siya sumuko. Baka naman ho hindi lang kayo nagkita, baka nagkasalisihan oh baka pinaghahandaan niya pa ang pagkikita niyong muli"
Bumuntong-hininga ako.
"Sana nga manong kung ganun lang. Sana.. Okay lang siya"
Pabulong kong sabi."Ipagdadasal ko ho sa diyos na sana magkita kayo ulit. Mukha naman hong mabait kayo ma'am kahit na hindi ko kayo kilala ng personal. Isa lang ang alam ko. Dapat lahat ng nagmamahal ay sumasaya"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantastik[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...