Chapter 42
Pakiramdam ko matutunaw ako sa sinabi niya. Yung halos di ako makagalaw.
Hinawi niya ang buhok ko papunta sa tenga ko tsaka ako hinalikan sa pisngi malapit sa tenga ko.
Nananayo ang balahibo ko. Ano ba 'tong pakiramdam na 'to.
Dumako yung halik niya papunta sa labi ko na hindi ko rin natanggihan pa.
Hindi ganito yung mga halik niya dati. May kasamang sensasyon na di ko alam pero.. Parang nakakagaan sa pakiramdam.
Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko na dahilan para mas lalo akong dumikit sakanya.
Humawak ako sa balikat niya para bahagyang itulak ang sarili ko dahil nararamdaman ko ang katawan niya sakin.Natatakot ako.. Pero may part sakin na masaya..
Masaya dahil kasama ko siya. At masaya dahil.. sakanya ko ibinibigay ang lahat. Dahil mahal ko siya.Humiwalay siya sa mga labi ko tsaka bigla akong binuhat.
Napapikit ako nang lumakas ang hangin.. Di ko namalayang nasa kwarto na pala kami.
Ang bilis.
Wala siyang ni isang salitang sinasabi sakin. Dama ko yung pagkasabik niya, at di nawawala ang pagka-pula ng mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung bakit.. Pumupula ang mga mata niya sa tuwing nagagalit oh nasasabik siya.
Buhat niya parin ako, tsaka niya ako diniretso sa kama. Kasabay ng paghiga niya sakin ay ang pagdagan niya sakin.
"Macy.. Mahal mo ba ako?"
"Uh.. Oo naman"
"Kung ganun.. Papayag ka bang angkinin kita ngayon?"
Napa-awang ang bibig ko kasabay ng malakas na kabog ng dib-dib ko."Uh.. H-hindi ko alam kung handa na ako-
Hinalikan niya ako sa noo. Pababa sa ilong at papunta sa labi.
"Then, i'm going to make you feel ready.."
Noon ay pumwesto siya sa pagitan ng mga hita ko at mas lalo akong idiniin sa kama.
"Ah!"
Tsaka marahan niya akong hinalikan sa pisngi ko, pababa sa leeg ko na ikina-awang ng bibig ko.
Hindi ko alam ang gagawin. Ang lakas ng kabog ng dib-dib ko.Naramdaman ko ang kamay niya na hinahaplos ang braso ko pero napapikit ako ng ipwesto niya yun sa dib-dib ko.
Tsaka unti-unti niyang itinataas ang damit ko.. At ang bigla niyang paghinto, tumingin siya sakin na may mapupulang mga mata at ngumisi..
Parang matutunaw ang puso ko, Kakaiba ang pakiramdam. Ito na ba yun? Susuko na ba ako?? Isusuko ko na ba sakanya??
Mahal na mahal ko na si Denver. Kaya alam kong hindi ako magsisisi kapag ibinigay ko ang lahat sakanya.
Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko. Naka-awang ang bibig niya at pinagpapawisan na.
Halos maluha-luha ako sa nararamdaman ko ngayon, Masakit, masarap, masaya.
Halo-halo ang pakiramdam.Kahit na kaluluwa ako dito ay ramdam ko parin siya.
Nararamdaman ko si Denver.."Ito pala.. Yung.. sinasabi ng mga tao.. Ang Ganitong pakiramdam, ngayon alam ko na.."
Kahit na pawis na pawis na siya ay napaka-gwapo niya parin talaga.
Tuluyan na akong sumuko sa mga kamay niya, pinapa-ubaya ko na ang sarili ko.Pareho naming habol ang mga hininga namin. Nakayakap ako sakanya ng mahigpit, yung muscles niya sa likod ang nahahawakan ko, Nakakapanghina.. kinakagat ko ang labi ko. Kahit na malamig ang paligid ay parang mainit narin. Sobrang init para saming dalawa.
Na-iaangat ko ang ulo ko kada mararamdaman ko siya sakin, kakaibang sensasyon ito na ngayon ko lang naranasan. Maswerte ako dahil naibigay ko yun sa mahal ko. Sa anghel na 'to.
Noon ay pinadapa niya ako, at tsaka naramdaman siyang dumagan muli sakin.
At naramdaman siya ulit.
Hawak-hawak niya ang mga kamay ko na naka-diin sa kama.
Ayoko sanang makagawa ng ingay pero hindi ko kayang pigilan.
Hinahawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko tsaka niya ako hinalikan sa pisngi sabay kagat sa tenga ko."Ah! D-Denver?"
Hindi siya nagsalita at patuloy siya sa paghalik sa pisngi ko at inabot ang labi ko.
Hindi ko alam kung may kakayahan ang anghel na gumawa ng pamilya sa isang tao. Hindi kaya't magkaiba yun? Baka hindi pwede.
Hindi ko namalayan ang mga pangyayari.. Ang alam ko lang eh nakatulog na ako.
Isa rin ba yun sa birthday gift niya sakin? oh baka dapat kong sabihin na regalo ko yun sakanya?
Kinabukasan...
Kahit hindi ko nakikita ang sarili, alam kong nakangiti ako habang tulog.
"Good Morning!"
Dinig kong may bumati sakin.
Napakasarap ng tulog ko, nakayakap pa ako sa unan."Ughh?"
"Gising na.. Kumain kana. Macy"Bigla akong napabalikwas ng bangon.
"Huh! anong nangyari?!"
Taranta ko.Natawa siya bigla.
"Anong.. Anong nangyari ang sinasabi mo? yung kagabi ba? hmm.."
Kinuha ko ang unan at itinakip ko sa mukha ko.Bakit ngayon pa ako mahihiya? eh naibigay ko narin naman sakanya.
Kinuha niya ang unan sakin, tsaka lumapit sa mukha ko na nakangisi.
"Pwede naman nating ulitin kung kailan mo gusto"
Halos umusok ang tenga ko, kaya tinakpan ko ng unan yung mukha niya.Ano bang sinasabi niya?? mauulit? h-hindi na muna. Ayoko na muna!
Tawa naman siya ng tawa noon.
Bago pa siya makapag-salita eh tinakpan ko ulit ang mukha niya.
"Tumigil kana nga! n-nakakahiya na.. Tumahimik kana.. Wag kanang magsasalita!"
Inalis ko ang unan tsaka nga siya tumahimik, pero tikom ang bibig habang pigil sa pagtawa.
"Hay! pero.. salamat kagabi, dun sa regalo mo sakin. 'Di ko inaasahang makikita ko ang mga magulang ko.. S-salamat"
Hinawakan niya ang ulo ko tsaka hinimas ang buhok ko.Nakangiti lang siya.
Parang napaka-perpekto na ng lahat.. Wala na akong mahihiling pa.Parang napaka-daming nangyari kagabi. Sa isang araw lang.
Napakasaya ko.
Sulit ang birthday ko.Kung pwede lang sanang kasama ko siya at ang mga magulang ko.
Magkakasama kami lahat-lahat, para hindi na malungkot. Walang mawawala saming lahat, walang maglalaho, walang makakalimutan.Sa tuwing maiisip ko nanaman eh nasasaktan talaga ako, parang hinahati ang puso ko sa gitna.
Pero.. Sa ngayon mukhang hindi ko na muna dapat isipin 'yon. Gusto kong sulitin lahat.. Kaya hindi ako nagsisisi na ibinigay ko na sakanya kagabi.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...