Chapter 58
Nakabihis na ako ng uniform ko. Paalam ko kay mama ay pupunta ako kina Zeik saglit, may papraktising stage play. Yun ang project, sabi ko kaya naka-uniform ako.
"Hindi ba pwedeng dito na lang? gabi na oh. Baka kung mapano kapa at mangyari ulit yung nangyari sayo nung nakaraan"
"Wag kang mag-alala ma. Susunduin naman nila ako sa labas ng village"
"Sigurado? Oh sige. Ingat ha? Ikaw talaga, parang 'di ka natatakot sa mga nangyari nung nakaraan"
Siyempre takot ako, natatakot din ako.
Binigyan ko na lang ng makahulugang ngiti si mama."Si papa po ba uuwi mamaya?"
"Baka madaling-araw na umuwi yun. Dami pa daw gagawin sa opisina. Bukas na lang natin ipaliwanang yang nakuha natin sa tapat ng pinto"
"S-sige po. Aalis na po ako"
"Mag-ingat ka ha"
Patakbo na akong lumabas ng bahay at papunta sa labas ng village. Madilim parin talaga sa lugar namin.
8:50 PM
yung oras sa relo ko. Maaga pa naman. Tinext ko na si Zeik na iparada na lang yung van niya sa labas ng village at doon na lang kami maghihintay ng oras. Pumayag naman siya.Sinabi niyang sinabay niya na lahat sina Liza, Darlene at yung dalawa pa.
Patakbo na akong lumabas ng village nang naka-uniform saktong nakakita ako ng itim na van na nakaparada lang at may lalaking nakatayo sa may pinto nun at kumaway sakin, tsaka ako lumapit.
"Zeik"
"Ano. Handa kana ba?"
Nakahawak ako sa kamay ko na nanlalamig"Oo, kahit kinakabahan ako. Dapat maging handa"
Tumango siya, tsaka binuksan ang pinto ng Van, pinapasok niya ako sa loob. Ang ingay na sa loob dahil sa pagtatalo nanaman nila Darlene at Darren. Si Liza ang umaawat. Si John.. Walang pake.
"Ano nanaman yang pinag-aawayan niyo?"
Tanong ni Zeik"Ito kasing si Darren. Gumawa ba naman ng script! kaloka! sabi diba no need na?"
"Eh bakit ba? para maganda pagka-arte ko"
"Gumawa ka ng script? patingin?"
"Heto oh"
"Hoy Zeik, wag mong sabihing interesado ka diyan!"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...