Chapter 21

244 6 0
                                    

Chapter 21

Pero, wala namang mali sa mga sinabi niya. Totoo lahat. Mahina ang tao, marupok. Mabilis mahulog. Mga traydor. Ang tao mabilis magbago. Mabilis magsawa. Wala kasing permanente sa mundo.

Eh sa mundo niya kaya?

Iniling-iling ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit ba ako interesado?

Pero napangiti ako bigla. Ibig-sabihin, may chance pa, pwede pang magbago ang lalaking yun. Tsaka Akuma ba talaga ang pangalan niya??

"Akuma.."

Iniisip ko kung ano ang ibig-sabihin ng pangalan na yun dahil may nabasa na akong ganun. Pero di ko ma-alala, kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

Na-alala kong bigla ang sugat ko na magaling na ngayon at.. yung matandang Yosei na hinampas niya. Ano nang nangyari sakanya?

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay dali-dali akong bumaba.

Hindi ko namalayang nasa sala lang siya at naghihintay dahil dire-diretso ako sa kwarto na gusto kong puntahan. Nang biglang hindi ako makagalaw.

"Saan ka pupunta?"
Aniya na naka de-kwatro pa na upo

"D-doon lang-

"Sa mga insekto mong kaibigan?"
Matalim ang titig niya.

"Hindi sila insekto.."
Sabi ko nang nakakunot ang noo

"Insekto sila. Wala na sila sa kwarto na yan, nilagay ko sila kung saan sila nararapat"

"Huh? Saan? Anong ginawa mo sakanila?"
Wag mong sabihing..

"Bakit ganyan ang reaksyon mo na parang napaka-demonyo ko naman?"

Demonyo ka naman talaga.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Napatakip ako sa bibig ko. Nababasa niya nga pala uhh! Bakit ba lagi kong nakakalimutan? Napangiwi na lang ako.

Pero hindi siya nagalit sakin oh tinulak ako, hinampas oh binato man lang ng kung ano. Hindi niya ginawa. Sa halip ay tumawa pa siya.

Nakakapagtaka..

Maya-maya ay nawala na ang pagka-istatwa ko. Ginamitan niya nanaman ako ng mahika niya.

Nakaka-inis.

"S-saan mo sila nilagay?"

"Sa labas. Kung saan sila nababagay"

"Sa labas?"

"Oo, sa labas ng mansion ko. At hindi na sila pwedeng pumasok dito. Hindi kana magdadala ng makakain para sakanila. Doon sila nakaka-kain na sa labas.. Kaya hindi na sila magugutom"

Umukit ang napakalaking ngiti sa mga labi ko.

"Talaga?"

"Bakit naman tuwang-tuwa ka diyan?"

"Uh- kasi.. hindi na sila nakakulong. Salamat ah. May tinatago kadin naman palang kabutihan sa puso mo"
Bigla kong nasabi.

"Kabutihan? Ngayon mabait naman ako? Kanina Demonyo? Hah! Ibang klase ka rin"

Nahiya tuloy ako sa mga pinag-iisip ko.

"Kumilos kana. Yung pagkain ko. Nagugutom na ako"
Aniya

Tumango ako nang nakangiti sakanya at dali-daling naghanda.

Hindi ko alam kung anong nakain niya at bigla siyang nagka-ganun. Hindi ko rin inaakalang papakawalan niya sila. Gumising na lang ako na biglang iba na ugali niya. Pinatawad na kaya siya ng Diyos?

Mas mapapanatag na ako. Hindi ko nga sila makikita dahil di sila pwedeng pumasok dito. Di rin naman ako pwedeng lumabas.
Ayaw niya parin ba sa labas?

Pagkatapos ng ilang-minuto ay pinapanuod ko na siyang kumain ngayon.
Nakangiti parin ako.

"Pwede ba. Alisin mo yang ngiti sa mukha mo"

Hindi ako umiimik at nakangiti parin.

"Ano ba? Sabing alisin mo! H-hindi ako.. Makakain ng maayos!"

Mas lumaki ang ngiti ko, natawa ako bigla.

"Sinusuway mo nanaman ba ako?"
Napatakip ako sa bibig ko at umiling-iling.

Huminga siya ng malalim tsaka nag-iwas ng tingin.

"Kumain kana rin. Sumabay kana sakin"

Halos malaglag ang panga ko.
Totoo ba 'to? Sasabay ako sakanya?
ni-ayaw niya ngang hawakan ko siya. Pero.. hinawakan niya ako kagabi. Tapos di niya na tinatapon yung hinanda ko para sakanya.

"Hindi mo parin ako pwedeng hawakan"
Aniya

"Nang walang pahintulot ko. Kapag hinawakan kita, hahawakan kita dahil gusto ko. Ako ang masusunod kaya wag ka nang mag-isip ng kung ano pang ikakasuway mo sakin"

Tumango na lang ako tsaka umupo sa harap niya.
Nakakatuwa na hindi niya na tinatapon ang pagkain, oh nagdadabog halos araw-araw kapag hindi hilaw na karne oh gulay ang kakainin niya. Ngayon ay.. Wala na siyang angal.

"Salamat ah"
Sabi ko ng nakangiti.

"Para saan?" Taas kilay niyang sabi.
Medyo masungit parin at mukhang hindi na yun mawawala pa sakanya.

"Kasi pinakawalan mo sila. Tsaka hindi mo na tinatapon yang hinanda ko sayo"
Sabi ko

"Hindi ko alam kung ano nakain mo at biglang nag-iba ang aura mo. Parang medyo naging mabait ka sakin, medyo lang"
Dagdag ko pa.

Hindi pa man niya tinatapos ang pagkain eh tumayo na siya agad.

"Iligpit mo na yan, busog na ako"
Aniya

Grabe, parang wala lang siyang narinig sa lahat ng mga sinabi ko.

Pero sana magtuloy-tuloy siyang ganyan. Lalo pa ngayon na pati itong mansion niya eh nagbabago nadin kahit kaunti. Kung hindi man niya napapansin yun.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon