Chapter 13

241 6 1
                                    

Chapter 13

Naisipan kong silipin kung ano ang nasa labas ng mansion na yun.

Kaya pumasok ulit ako sa kwarto. Nasa 4th floor ang kwartong 'to. Kung saan ko din nakita ang lalaking yun.

Nakatakip ang mga kulay pulang kurtina kaya hinawi ko yun. Nasilaw ako sa nakita ko.
Araw.. palubog na..
at.. Isang napaka-gandang tanawin mula sa labas. Katulad ito sa eskwelahan na may napakalaking bakanteng-lote. Pero dito.. may napakalawak na dagat sa harap.

"M-may ganito pala kagandang lugar dito! Pero parang doon parin sa lugar kung nasaan ang lumang eskwelahan. Parang napalitan lang ng kaunti"

Maganda nga sana ang dagat at ang papalubog na araw pero.. ang mga damo sa paligid. Ang lupa.. Wala palang damo dahil mukhang hindi tutubuan ng damo ang tuyot na lupa.
Nakaramdam ako ng lungkot sa nakikita ko sa paligid. Nakakalungkot. Walang kabuhay-buhay.

"Anong ginagawa mo diyan?!"
Sa sobrang gulat ko ay halos mapasigaw ako.

Humarap ako sakanya na ngayon ay biglang namula ang mata sa galit.

"Isara mo yan! wala kang pahintulot galing sakin na buksan ang bintana!"

"Pero.. sinilip ko lang-

Itinapat niya ang kamay niya sakin at nung mga oras na yun ay di ko mai-galaw ang buong katawan ko.

"Wala kang karapatang suwayin ako! Alipin kita dito. Susundin mo ang sasabihin ko. Lahat-lahat, at wala kang gagalawin ni alinman dito nang hindi ko sinasabi.. kaya wag na wag mong bubuksan ang kurtina!"

Tsaka niya ako tinigilan. Napaluhod ako.
Para akong sinakal. Hindi ako nakahinga.

Ano bang problema niya? Bampira ba siya? Malulusaw ba siya pag nakakita ng araw?

"Ayokong nakikita ang liwanag sa labas! Yun ang problema ko!"

Tama nga pala, n-nababasa niya ang iniisip ko.

"Tumayo ka diyan"

Kinaladkad niya ako patayo at inihagis sa labas ng kwarto.
Halos mapasub-sob ang mukha ko.

"Ang sama.."
Bulong ko. Nakaka-inis! Wala akong magawa!

Dahan-dahan akong tumayo. May galos na ang kamay ko dahil sa pagtukod ko sa sahig. Hindi parin pala nawawala ang mga galos sa palad ko, maging ang sugat sa leeg ko. Ang ilang beses niyang pagsampal sakin ay nagdulot ng sugat sa gilid ng labi ko.
Naiinis ako sakanya, hindi.. Nagagalit ako sakanya!

Hindi ba't patay na ako? Bakit nakakaramdam parin ako ng sakit? Ng takot? Ng lungkot? Hindi ba dapat.. manhid na ako? Oh baka akala ko lang na ganon ang mararamdaman ng mga taong namatay na?

Mabuti na lang at hindi niya nababasa ang iniisip ko ngayon. Nasa loob pa siya ng kwarto.
Sinubukan kong maglakad-lakad sa buong mansion.

Pakiramdam ko ay may iba pa kaming kasama dito dahil sobrang nakakatakot ang lugar.

Bumaba ako at naghanap na ng pwedeng magamit. Para matapos na 'to. Hanggang makakita ako ng pupwedeng gamitin.

Kinuha ko ang mga gamit doon tsaka ako lumabas agad. Inumpisahan ko sa unang palapag. Naglampaso ako. Nagpunas, nagwalis, nagligpit ng bubog, at ang buong palapag na yun ay natapos kong linisin magdamag.
Inabot ako ng gabi, madaling -araw, at umaga.

Natapos ako ng tanghali. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sofa doon sa baba. Hindi pa ako kumakain, pero.. nagugutom ako??

"Hoy! Gising! Hoy! Babae!"

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon