Chapter 31
Hindi alam ni Denver na.. sumama ako kay Zion.
Alam kong mali para sakanya ang gagawin ko. Hindi ako tumupad sa usapan.
Pero sinekreto niya sakin na may iba pang paraan, at hindi niya sinabing hindi pa talaga ako namatay doon. Dahil ba ayaw niya talaga akong umalis? Hindi ba't napaka-unfair nun?
Hindi dapat ako nandidito sa lugar na 'to.
Naiinis man ako dahil nagsinungaling ka pero sana.. patawarin mo ako kung ang isang taong katulad ko ay hindi marunong tumupad sa pangako.
Sana lang.. magtuluy-tuloy ang pagbabago mo. Alam kong hindi yun dahil sakin, kundi dahil gusto mo din. Tinutulungan lang kita at sa tingin ko sapat na ang nagawa ko.
Alam kong kaya mo mag-isa, kinaya mo nung wala pa ako. At dapat mas kayanin mo na ngayong mawawala na ako sa mundong 'to.
Wala ako sa sarili habang buhat ako ni Zion at lumilipad kami.
"Nandito na tayo" Aniya.
Nabalik ako sa katinuan."Huh? S-saan?"
"Dito"
Nasa gitna lang kami ng dagat. Walang isla, walang kahit ano. Kundi sa dagat lang. Ang kulay asul na dagat. Bakit nanatiling maganda ang dagat? Ito lang ang pinaka-maganda sa lahat ng nilikha niya, para bang walang bahid ng kung ano.
"Saan? Dito sa gitna ng dagat?"
Tumango siya ng nakangiti.
Bigla akong kinabahan."Niloloko mo ba ako?"
Muli siyang ngumiti na nakalabas na ang matatalim niyang mga ngipin.
"Diyan sa ilalim ng dagat.. yung sinasabi ko"
Naka-awang ang bibig kong nakatingin sakanya.
"A-anong ibig mong sabihin? S-sa ilalim ng dagat ang daan papunta sa mundo namin?"
Mas natawa siya.
"Pwede.. tignan mo ang karagatan. Napaka-ganda hindi ba? Ito lang ang nag-iisang bagay na ginawa namin na sobrang-ganda. Yung akala mo walang maitim na aurang nakapalibot dito. Parang anghel lang.. Akala mo anghel talaga. Pero Demonyo pala"
Nabigla ako nang tila lumuwag yung pagkakahawak niya sakin, napahawak ako ng mahigpit sakanya.
"Ano bang sinasabi mo? T-teka, wag mong sabihing bibitawan mo ako dito!"
"Pagmasdan mo ang dagat. Akala mo ganito lang ang kaya niyang ibigay sayo. Akala mo puro ganda lang, hindi mo alam na maging ang dagat mismo ay may mabagsik na katangian. Hindi ito basta-bastang ordinaryo na dagat lang. Kapag nahulog ka dito.. unti-unti ka niyang lalamunin sa dilim, sa pinaka-ilalim. At kapag nahulog ka, mararamdaman mo ang pagka-paralisa ng katawan mo. Malulunod ka, kapag nalunod ka, mamamatay ka. Kapag namatay ka.. Tuluyan ka nang mawawala maging sa totoong mundo. Hindi basta-basta ang dagat na ito.. May kakaiba rin akong mahika na ginawa dito.. Ito lang ang tanging lugar na maaari kang mamatay.. ng tuluyan nang sa ganon mawala kana sa landas namin. Hindi ko akalaing ang taong katulad mo ay malalason ang isang kagaya ni Denver."
Halos maiyak na ako sa mga sinasabi niya. Nangangatog ang mga kamay kong pilit na kumakapit sakanya.
"N-nagsinungaling ka sakin? Bakit?!"
Bakit ko pa nga ba tinatanong? Ang tanga mo Macy, sobra. Uto-uto ka.
Pinagtangkaan niya na ang buhay mo noon, hindi ka pa natuto?
Maya-maya ay tumawa siya nang malakas.
"Nagtiwala ka sa akin? Salamat ah. Pero.. Hindi ako ang tipong ng anghel para pagkatiwalaan mo. Hindi na ako sumusunod sa diyos. Isa akong.. itinakwil na anghel, kagaya ng pinuno.
Pasensiya na, masyado mong ipinagsiksikan ang sarili mo dito, at pilit na binabago ang lahat. Ano bang magagawa ng isang tulad mo? Sagabal ka sa lahat!"Unti-unti akong dumudulas sa mga kamay niya.
"Yung mga sinabi mo kanina.. Lahat ba 'yon, hindi totoo?"
Noon ay bumagsak na ang luha ko."May iba na totoo, may iba na hindi. Hmm.. Pero nakalimutan ko na kung alin sa mga yun ang totoo at hindi eh"
Niloloko niya nga talaga ko
Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin parin ng diretso sakanya.
Mas napatunayan kong hindi dapat ako nandirito.Ako na mismo.. Ang bumitaw sa demonyong may hawak sakin. At unti-unting dumausdos pababa sa karagatan
Nakita ko ang gulat na reaksyon niya pero sa huli, ngumiti rin siya. Ipinapakita niya na dapat lang na mangyari ito sakin.
Dapat lang akong mamatay.Mawawala na ako sa mundong ito, makakalaya na ako sa wakas. Pero mawawala din ako sa totoong mundo namin. I'm sorry Ma, Pa.
Wala akong naging tamang desisyon sa buong-buhay ko.
Sa bandang-huli, ako ang nagsisisi. Ako ang talo.Tatanggapin ko na lang kung anuman ang magiging kahihinatnan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...