Chapter 4

295 11 1
                                    

Chapter 4

Lumipas ang ilang-araw hanggang makapasok si Darlene. Medyo nawala na sa isip ko ang nangyari dahil sa fieldtrip namin.
Si Darlene, medyo umokay narin.

"Asan na kayo?"
Text ni Liza

"Hays! malapit na mag-6am baka maiwan pa ako ng bus"
Kaya nagmadali na akong umalis. Na-late narin ako ng gising.

"Papunta na ako, medyo na-late lang ng gising"
Reply ko

"Sige, wala pa naman yung iba kaya wag masyadong mag-madali ah"

Mga ilang-minuto lang din naman ang byahe papuntang school.

Wala pang 20mins. ay nandoon na ako.

Saktong kumpleto na sila.
Nasa loob silang lahat ng lobby, halos lahat ng estudyante ng school.

Naghihintay na lang hanggang makasakay ng bus.

"Nandiyan kana pala, ikaw na lang hinihintay namin"

"Pasensiya na.. Na-traffic ng konti"

Maya-maya lang ay may professor na nag-announce na sumakay na lahat.

Magkatabi kami ni Liza sa bus habang sina Darlene at John ang makatabi, ganun din sina Zeik at Darren.
Pagsakay pa lang ay napaka-ingay na sa loob.

May mga kumukuha na ng picture.
May mga kumakain. Yung iba bumabawi pa ng tulog.

Ang sabi ilang-oras din ang byahe papuntang baguio kaya okay lang na matulog muna.

Kaso mukhang di rin ako makakatulog nitong ang ingay ng mga kaklase ko.
Maliban na lang kung makikinig ako ng music. Mas nakakarelax.

"Asan na ba yun?"
Hinahalungkat ko ang bag ko.

"Ano ba hinahanap mo?"
Si Liza

"Yung earphone ko. Mukhang naiwan ko yata. Tsk!"

"Oh heto, gamitin mo muna yung sakin. 'Di ko pa naman gagamitin"

Ini-abot niya sakin ang earphone niya.

"Salamat"
Sabay ngiti.

Sinubukan kong umidlip habang nakikinig ng tugtog sa cellphone ko.
Hindi ko na lang namalayan.

....

Nagising ako bigla, hindi ko alam kung bakit. Hinubad ko ang earphones ko. Wala si Liza sa tabi ko. Maging ang mga kaklase ko ay wala nadin.

"Asan sila? Nakarating na ba kami?"

Nagpalinga-linga ako. Tsaka tumayo.
Napansin ko ang isang tao sa dulo. Nakatalikod ito. Nakakulay itim na mahabang damit. Mahaba ang buhok kaya, inisip ko na baka babae.

"Excuse me po? Asan po yung mga estudyante na nakasakay dito? Nakarating na po ba tayo sa baguio?"

Hindi ito umiimik.

Humakbang ako palapit sakanya.

"Uh, hello?"
Nang makalapit ako ay tinapik ko siya sa balikat, bigla siyang humarap sakin na ikina-gulat ko.

Hindi.. babae..? Lalaki pala.

May mga pulang mata, may matalim na pangil.
N-nakakatakot.

Biglaan niya akong sinakal kaya napa-atras ako dahil sa pwersa niya.

"Ahk! ughh!"

Wala siyang anumang sinasabi  nakangiti lang siya sakin na mas nagpalabas ng pangil niya.

"Ahk! b-bitaw.. Ughk!"

Pilit kong inaalis ang kamay niya pero napakalakas niya. Hindi ko maintindihan.

Nanlalambot na ang mga tuhod ko at kinakapos na ako ng hininga.

"B-bitaw!.. Ahk!"

Pilit parin akong nagsasalita at nagpupumiglas.
Hanggang itapat niya sakin ang mahaba at matalim niyang mga kuko na kulay itim.

Itutusok niya ba sakin yan??

Hindi na ako nakapag-salita noon at para akong naparalisa.

Inambahan niya ako bigla kaya.. Napapikit ako.

"Macy! Macy!"

"Ughh.."

"Hoy Macy!"

"Ah! Wag!"

Napabalikwas ako ng magdilat ako ng mata.

"Anong wag? Binabangungot ka ata, ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Liza na may gulat na reaksyon.

"Huh? Bangungot?"

Napahawak ako sa leeg ko. Parang totoo. Damang-dama ko yung kamay niya. At yung kuko niya na bumabaon sa leeg ko.

Napakasakit.
Anong klaseng panaginip yun?

"Nandito na tayo sa Baguio"
Aniya

Kaya dumungaw ako sa bintana.

"Huh? Baguio? Matagal ba akong nakatulog?"
Tumango siya.

Hindi ko namalayan. Ganon na ba ako katagal na natutulog??

"Baguio"

Nakaramdam na ako ng lamig kaya sinuot ko na ang jacket na dala ko. Napakaganda ng lugar na 'to.

"In any minute bababa na tayo guys! kaya wag maghihiwa-hiwalay ah! di na kayo elementary!"
Sabi ng prof namin.

Ma-ingay padin sa loob.
Nakadungaw parin ako sa bintana at napapangiti.
Ang ganda pala dito.

"Bale tatlong destinasyon ang pupuntahan natin dito sa Baguio.. guys! makinig!"

Saway ng prof. namin sa mga isip-bata kong mga kaklase, lalo na kay Darren na sobrang-ingay.
Natatawa na lang ako sakanila.

"Una ay sa Botanical Garden, kung saan eh lagi namang pinupuntahan ng iba't-ibang school kapag Fieldtrip"

"Wow! ayos yan sir! Di pa kasi ako nakakapunta doon!"
Biglang singit ni Darren

"Eh di makakapunta kana ngayon. Then next is.. uhmm.. Haunted school? Not sure kung saan pero ang head ng school ang nagsabi na sila lang nakaka-alam ng location noon kaya sumunod na lang tayo"

"Haunted School? ano po gagawin natin doon?"

"History, inabot yun nung sinakop tayo ng mga hapon at hanggang ngayon buhay padin. Malalaman niyo mamaya. Then the last is Lion's head. Para may souvenir na picture pag-uwi"

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa pagka-excite.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon