Chapter 49
Napag-usapan pa namin ang pagpasok ko sa school by next week kung okay na talaga ako. Pumayag ako para mapanatag din sila. Wala na akong kung anumang nararamdaman pa. Maayos na maayos na ako. Maliban sa puso ko na may sakit pa hanggang ngayon.
Hindi pa alam nila Darlene na ngayon na ako nakalabas. Sinabihan ko sina mama na surpresa muna at bukas na lang sabihin.
Pagdating sa bahay ay na-istatwa ako sa labas.Tinitigan ang labas ng bahay namin na sobra kong namiss.
At pagpasok sa loob, halos hawakan ko lahat ng gamit namin dahil namiss ko rin lahat yun. Yung halos lahat ng gamit namin na meron din si Denver sa mansion niya."Mukhang namiss mo talaga itong bahay anak. Namiss karin ng bahay natin"
Sabay tawa ni papa habang kumakain kami"Oo nga po"
Marahan akong ngumiti.Kung sana lang ay pwede kong madala si Denver dito. Maipakilala sa mga magulang ko. Maging isa sa pamilya namin. Kung pwede lang sanang ganun.
Atleast, hindi na kami magkaka-hiwalay. Hindi ako maglalaho, hindi siya maglalaho. Kung tao lang sana siya.Kinagabihan din noon ay nag-balot na ako ng ilang gamit.
Yung mga kakailanganin ko lang. Isang-araw lang ang paalam ko. Humihingi ako ng tawad sa mga magulang ko.. Kung sakali mang, hindi na ako makakabalik.Sinabi ko sakanila na alam na nila Darlene ang pag-alis ko bukas. Pero hindi ko talaga sila kinontak. Ni-isa sakanila.
Maaga akong matutulog. Gusto kong maaga makarating doon.****
"Macy!! Bumalik ka!!"
Sigaw ng isang lalaki. Babalik? ako?
"Macy anak, ala-singko na. Hindi ba't maaga ang alis niyo?"
Nagdilat ako ng mata na para bang nagulat ako.
"Ayos ka lang ba?"
Bumangon ako at napahawak sa ulo ko.
"Ayos lang po. Nanaginip lang"
"Oh siya, kumain kana sa baba. Hindi ka ba nila susunduin dito?""Uhmm.. May pagkikitaan na po kami ma"
"Ganun ba? sige na, bangon kana diyan"
Nagmadali akong nag-ayos ng sarili. Dinala ang bag ko pababa sa sala at tsaka kumain ng marami. Yung mga pagkain dito sa mundo namin ay parang nag-iba ang lasa para sakin.
Nakakamiss.
Pinaba-unan ako nila mama bago umalis.
Babalik na ako.. Denver.. Hintayin mo ako. Alam kong ako lang ang makakapag-pasaya sayo.Naalala ko bigla yung pagluha niya sa harap ko habang nakasakay na ako ng bus.
Ang sakit palang makita na yung mahal mo, umiiyak sa harap mo nang dahil din sayo.Sa pagkakataon na 'to, hindi na ako mawawala. Hindi na ako maglalaho. Dadalhin mo mismo ang katawan ko sayo nang sa ganon.. Para matapos na.
Patawad ma, pa. Mali man 'tong gagawin ko. Tatanawin ko paring isang malaking utang na loob ang pagsagip niyo sa buhay ko. Maraming salamat sainyo.
Pero ito ang gusto ng puso ko. Dito ako masaya.
Ayokong hayaang unti-unting namamatay yung puso ko sa kada-araw na lumilipas.Malalim ang iniisip ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Hindi ko namalayang may tumabi na pala sakin.
Pero hindi ko na binigyan ng pansin.
Kung pwede lang sanang ma-aksidente ang bus na 'to. Para diretso na ako kay Denver. Ako lang yata yung tao humihiling na sana madisgrasya ako. Ibang klase.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...