Chapter 23

210 5 0
                                    

Chapter 23

Napaka-saklap ng kapalaran ko. Akala ko magiging maayos na ang lahat dahil nag-umpisa na siyang ngumiti.
Dapat pala hindi na ako nagtanong para hindi siya nagalit.
Kasalanan ko din!

Halos pinapalo ko na ang ulo ko dahil sa inis.

Nasa kwarto lang ako, ayokong lumabas. Makikita ko lang siya. Maglilinis nanaman ako. Ayoko na!
Nakakasawa na!
Bakit kasi ako pa!?
Ako ang magbabago ng lahat?!
Paano?!
Bakit ako?! Sa dinami dami ng tao bakit ako pa?!

"Kasi kusa kang sumama sakin. Gaano ka ba ka-engot para hindi mo maintindihan yun?"

Biglang sulpot niya sa harap ko. Muntik na akong mapatakbo.

"Bakit ba bigla kana lang susulpot sa kung saan? Aatakihin ako sa puso sayo"

"Samahan mo akong kumain"

"Huh?"

"Bingi ka ba?"

Hindi ako kaagad nagsalita. Samahan kumain? Teka, may naghanda na ba ng pagkain niya?

"Hindi pa naman ako nagluluto ah"

"Ako ang naghanda"

"Huh?"
Kunot-noo ko.

"Hindi mo ba titigilan yang kaka 'huh' mo?"

"I-ikaw ang naghanda?"
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

"Oo nga sabi. Kaya sabayan mo ako"
Napangiti ako bigla

Dahan-dahan akong lumapit sakanya at pinagmasdan ang mukha niya. Nag-iwas naman siya ng tingin sakin.

"Ikaw ang nagluto? Paano? alam mo?"
Nakangiti parin ako.

"Hindi ko alam"

"Huh? Eh hilaw ang kakainin natin?"

"Hindi"

"Ano nga? Ang gulo mong kausap"

Tumingin siya ng masama sakin.
Kaya napa-atras ako at itinikom na lang ang napaka-daldal kong bibig.

"Oh sige na, hindi na ako mamimilit"

Kailangan kong iwasan ang madalas na pagtatanong sakanya para hindi siya magalit.

Paulit-ulit ko paring ino-obserbahan ang paligid kung sakali mang may nagbago ba ulit. Hindi ko kayang baguhin ang lahat mag-isa.

Kakailanganin ko rin ang tulong niya. Kung gusto niya talagang magbago.. Siya rin ang gagawa ng paraan.

Samantala.. nasa hapag na kami.
At totoong luto nga ang mga pagkain. Ang dami pa. Di ko alam kung anong meron ngayon.

"Gawa mo 'to lahat?"

Tumango siya

"Wow! Ang dami ah! Anong meron?"

"W-wala naman.. Gusto kong kumain ka ng marami. Nangangayayat ka"
Aniya

Talaga? Ako? Nangangayayat?
Hmm?
At kailan pa siya naging concern sakin? Napataas ang kilay ko.

Sabagay, hindi ko na nga masyadong na-aasikaso ang sarili ko dahil sa bagong buhay ko dito. Kahit pumangit pa ako wala na akong paki-alam..
Para san pa't aalagaan ko ang sarili ko? Oh para kanino?
Wala.

"Nangangayayat ako? Hindi ko na napapansin ang sarili ko.. dahil sa dami kong ginagawa dito-

"Tama na satsat, kainin mo yan lahat"

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon