Chapter 25

226 8 1
                                    

Chapter 25

Kita ko mula sa taas ang kabuuan ng lugar. Isang isla. At sa kabilang dako ay may isla pa, at sa kabila, at sa kabila pa!

Hiwa-hiwalay! Ibig-sabihin kami lang ang nandito sa islang 'to. Walang ibang bahay. Walang hayop. Walang kung ano.

Ginawa nga ba nilang alipin lahat ng nilikha nila?

San niya ba ako dadalhin? Gagawin niya rin ba akong alipin? Hindi! Mananagot ako sa lalaking yun. Bakit pa kasi ako lumabas?! Hindi pa naman ako nakapag-paalam sakanya. Mukhang ma-dodouble dead ako nito.

"Saan mo ako dadalhin!"
Nagpupumiglas ako.

"Sa lugar namin, kabayaran sa pagsampal mo sakin. Magiging pagmamay-ari kita"

"A-ano?! Hindi pwede! Ibaba mo na ako!"

Ngumisi siya, sabay na mabilis na paglipad palayo sa mansion.
Doon ko naramdaman na delikado ako.

Tumawid kami sa kabilang isla. Mas malala ang itsura. Walang kahit anong puno, sanga, oh dahon man lang. Maliit lang na isla na napapalibutan ng tubig-dagat. At isang malaking bahay ulit.

Pero mas malaki yung bahay na tinitirhan ko ngayon, kaya nga mansion ang tawag.

Yung bahay na 'to ay kulay itim na animo'y parang sinunog at naging uling sa sobrang itim.
Nakita ko ang iba pang nasa ibaba. May dalawang lalaki.
At may mga kakaibang nilalang na nandoon. Malalaking nilalang.
Yun ba ang sinasabi niyang mga halimaw?

May Ogre, may kalahating sawa at kalahating tao? Grabe, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng mga ganito! May napakalaking Leon na may tatlong ulo. Kakaibang mga Gorilla na nandoon at mapupula ang mata. May mga Hyena. May mga Musang at kung anu-ano pa. Parang nasa isang movie lang ako, para bang.. Panaginip na bangungot na ewan.

May kanya-kanya silang ginagawa. Parang nasa tamang pag-iisip ang mga halimaw na yun dahil marunong silang sumunod. Natatakot ako. Ayoko doon.

Kung malaman man niya kung nasan ako, sana kunin niya ako. Matitiis ko pa yung pag-sigaw niya at pagmamalupit niya sakin. Wag lang ang ganito!

"Ayoko dito! Ibalik mo ako doon!!"

Sigaw ko na narinig ng mga nasa ibaba dahil malapit narin kami.
At nang makababa kami ay ginapos niya ang dalawa kong kamay.

"Teka, pina-ubaya na ba siya satin ng pinuno?"

"Hindi pa, pero malapit naring matapos ang buwan. Pwede naman sigurong kunin ko na siya"

"Sigurado ka ba? Hindi magagalit ang pinuno?"

"Siyempre hindi. Tayo pa ang papagalitan niya? Sisihin niya ang mortal na 'to! Dahil sinampal niya ako!"

"Huh? Sinampal ka?"

Sabay tawanan ng dalawa.
Nakatingin lang ako sakanila habang sinusubukang alisin ang pagkakagapos sa mga kamay at paa ko.

Pina-upo lang ako sa sulok. Anong gagawin nila sakin?

"Anong gagawin niyo sakin?"

"Huminahon ka, hindi ka magtatrabaho na katulad ng ginagawa ng mga halimaw na 'to"
Sabat ng isa

Nagpakilala ang dalawa na sina Zeebub at Luci.

"Pakawalan niyo na lang ako. Wala kayong mapapala sakin"

"Alam mo ngayon lang ulit ako nakakita ng tao. Matagal na kasi akong hindi nakakalabas sa mundong 'to dahil ang pinuno na ang nagbabantay sa kayamanan. At kami ang umaasikaso sa lahat dito. Mukha parin kayong mahina.. Pero mukhang masarap"

Nangilabot akong bigla. Namula ang mata nung Zion na yun at lumapit sakin para patayuin ako.

"Anong gagawin niyo sakin? Kakainin niyo ako? Hindi ako pagkain! T-teka lang!"

"Ako na muna ang bahala sakanya" Sabi niya sa mga kasama niya.

Tsaka ako pinasok sa loob ng malaking bahay.

Tinulak niya ako papasok sa isang kwarto. Kwarto na sobrang baho. Puno ng mga dugo. Napa-upo ako sa sahig hanggang sa may makapa akong bilog at malagkit. Ughh!

"M-mata?!"

"Mata yan ng mga iba't-ibang hayop na kinakain namin dito. Lumilikha kami para kumain"

Katulad nila, hilaw nilang kinakain ang lahat ng 'to?! Puro lamang loob. Napakabaho. Napakalansa. Gusto kong masuka.

Hindi pwedeng maging ako ay kakainin nila. Akala ko ba ay hindi ako mamamatay?!

Ano ba talaga ang nangyayari sa mundong 'to?

Kumuha siya ng malaking kutsilyo at dahan-dahang lumalapit sakin, paatras ako ng paatras.
May nasagi ako sa kaka-atras ko sa may likuran.
Sinulyapan ko iyon.

Nanindig ang mga balahibo ko at nanlaki ang mga mata ko.

Isa sa mga Yosei. Wala na ang pang-ibabang katawan nito. Wala nang buhay.

Hindi ko namumukhaan ang isang yun p-pero.. Posible kayang pinadala niya dito ang mga Yosei para kainin ng mga kasamahan niya? Napakasama!

"Hindi!! Napakasama niyo!!"
Sigaw ko, alam kong halos dinig sa labas.

"Masama na kung masama. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, habang-buhay kana dito. Hinding-hindi ka na makakalabas pa"

Aniya habang pinapatunog ang matatalim na pangil.

"Wag kang mag-alala. Hindi ka mamamatay. Babalik kadin sa dati tapos kakainin ka namin ulit. Paulit-ulit lang. Parang sa impyerno. Paulit-ulit na parusa. Hindi ka mamamatay, titiisin mo lahat ng sakit. Ang saklap diba? Kaya.. halika dito!" Agresibo siyang sumugod papunta sakin.

"Waaag!!!"

Tulong! Paki-usap!

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon