Chapter 5
"Di ko akalaing ganito pala kalamig dito"
Sabi ko habang naglalakad, nasa botanical garden na kami.
Sa entrance pa lang ay nakalagay na yung pangalan ng Lugar. May mga sumalubong samin na tila isang tribo.
Nagpa-picture pa ang iba sakanila. Di ko hilig ang magpa-picture kahit saan, oh kahit kanino. Importante sakin eh makagala, mag-enjoy sa kung anong nakikita ng mga mata ko.
Napaka-ganda ng lugar. Kung pwede ko lang libutin ito mag-isa, pero ang sabi hindi pwede.
Kahit habang naglalakad ako ay parang lumulutang ang isip ko.
Kaka-ibang panaginip yung kanina.
Sino yung lalaking 'yun? Hindi siya tao. Halata namang hindi.Sa kaka-isip ko ng mga bagay-bagay ay nabangga ko na ang likod ni Liza, nakasunod naman samin sila Zeik.
"Ayos ka lang ba Macy?"
"H-huh? Oo naman, bakit?"
"Kanina ka pa kasi lutang diyan. Di mo na napakinggan yung explanation ng tour guide natin"
"Pasensiya na"
Mga ilang-minuto oh oras na ang lumipas, di ko masyadong na catch-up ang ibang nangyari oh pasyalan. Lumabas na kami ng garden at sasakay na ng bus.
Magtatanghali na rin at medyo nagugutom na ako.Ang sabi pupunta muna ang bus kung saan kami pwedeng kumain muna bago doon sa second trip.
"Ohh! ang lamig! Payakap nga!"
Si Darren na aakmang yayakap kay Zeik, pero pinigilan niya ito sa mukha.
"Uhhgmmf!.."
"Sakin kapa talaga yayakap ah? Maghanap ka ng yayakap sayo"
"Eh tayo lang naman magkatabi. Tsaka.. hindi ko naman mayayakap si Liza" Nguso nito.
Natawa ako sa narinig ko, buti na lang at nakatulog si Liza.
Sabagay, matagal naring may crush si Darren kay Liza.
Si John at Darlene? ewan, kumplikado ata.
Si Zeik, may Girlfriend daw sa imagination.
Ako.. heto at napag-iwanan. Mukhang tatanda na akong dalaga. Hindi naman kasi ako attractive.
Napangisi na lang ako. Tsaka tumingin sa bintana.
"Uhh.. Guys!"
Nabaling ang atensyon ko sa prof. Namin, tila ba balisa.
"Uhmm.. yung next trip natin is sa Haunted School. Be sure na hindi kayo hihiwalay samin. Or sa tour guide. Medyo delikado kasi"
Delikado?
"Bakit po sir?"
"Delikado po? Bakit? Anong meron doon?"
Matagal bago nakasagot ang prof. Namin, tsaka huminga ng malalim.
"Hindi kayo pwedeng humiwalay, hindi tayo pwedeng abutin ng dilim doon dahil delikado. Maraming staff at teachers ng school ang umayaw sa ganitong fieldtrip at sana ay di matutuloy, pero ang head ng school. Gusto niyang matuloy"
"Naguguluhan po kami sir"
"Ang sabi kasi ng head eh may hahanapin siyang something sa Haunted School na tinatawag niyang Treasure? And he wants us all to search for it. Hindi talaga fieldtrip ang ipupunta natin doon. Maghahanap tayo ng isang bagay na.. imposibleng hanapin. Wag kayong mag-iingay sa ibang Course dahil sikreto ito, sainyo ko lang sinabi. Kaya please makinig kayo sa instructions, okay?"
Napakunot-noo ako sa narinig ko.
"P-po? Gagawin ba tayong alipin ng head ng school?"
Nagkibit-balikat ang prof. namin.
"I'm really sorry guys, kung ako lang sana ang masusunod. Patawarin niyo kaming mga teachers dahil inilihim namin sa inyong lahat"
"Hindi ko parin po talaga maintindihan.. Ano po bang delikado sa lugar na yun? Kung may hahanapin lang tayo.. Eh ayos lang sakin. Sa inyo?"
"Okay lang naman samin.. Pero bakit kailangan pang ilihim samin? Para maiwasan ang hindi pagpunta ng estudyante? Ang pag-atras?"
"G-ganun na nga"
Sumilip ako sa bintana, at kasabayan naming binabagtas ang kalsada ng iba pang bus. Nakita ko ang mga tao sa loob nito at ang isang teacher na nakatayo sa unahan at nagsasalita.
May nakita akong nagtatawanan doon sa kabilang bus, malamang na hindi pa nga nila alam. Anong dahilan ng head namin at kailangan pang ilihim?
History ang pupuntahan, huh?Bakit? Ano ba kasing delikado sa lugar na yun?
"Mahigpit nang pinagbawalan ang ilang mag fifieldtrip na puntahan ang lugar na yun, maraming nagtangka. Maraming estudyante, Maraming turista pero.. bigo silang makabalik. Yung iba missing, yung iba.. Patay na. Dahil sa kagustuhang makuha yung sinasabing ibinaon doon nung panahon ng mga hapon. Wala pang nakakakuha hanggang ngayon"
Nakarinig ako ng malalakas na ingay mula sa loob ng bus. Mga bulungan. Pagkataranta.
"I-ibig-sabihin? Ano 'to? I-aalay niyo mga buhay namin para lang sa kagustuhan ng Head?"
Ano bang pinagsasabi nilang i-aalay? May ganun ba?
At sino ang aalayan? Sino ang pumapatay?
Isang malaking kalokohan nanaman ito.
Napangisi ako. Kasabay ng pagyakap ni Liza sa braso ko."N-natatakot ako Macy"
Aniya"Ano kaba. Nagpapaniwala naman kayo sa ganun?"
"Kasi totoo yung sinabi ni Sir. Yung haunted school. Nabalita na yun dahil sa mga estudyanteng hindi na nakakabalik. Ipinagbawal nang pumunta doon ang ibang turista ... pero bakit tayo? makakapunta tayo doon?"
Napahawak siya sa ulo niya.
"Binayaran ng head ang may hawak sa building para payagan tayong makapasok. Malaking halaga ang pinakawalan niya para dito. Kaya sigurado akong hindi siya aalis hangga't hindi nakikita ang hinahanap niya"
"Ayoko na.. Uuwi na ako sir!"
"Ako din! Bakit niyo ginagawa samin to? Hindi na nga libre pag-aaral sa inyo! Ibubuwis niyo pa ang buhay namin!"
Lumala ang sitwasyon sa bus.
Kahit ako ay naguguluhan nadin."P-patawad. Maging kami.. Ay biktima lang din dito.."
"Tatawag ako sa mama ko. Magpapasundo na ako!"
At ayun ang ginawa ng karamihan. Hindi sila napigilan ni Sir.
Maging si Liza ay tumawag narin.
"Macy? Di ka tumawag sa mga magulang mo?"
Umiling ako."Ayoko silang abalahin sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Nonsense ito"
Tumingin ako kay sir na ngayon ay naka-upo na at balisa.
"Sir! Hindi niyo ba pwedeng ihinto ang bus? Bababa na kami!"
"Patawad pero hindi pwede, nasa gitna tayo ng kalsada. Hindi namin kayo pwedeng ibaba sa kung saan. Magkakasabay tayong pumunta, dapat magkakasabay din tayong aalis"
Isa itong kalokohan! Kaya ba nag-abala pang sumama ang Head ng school sa fieldtrip para dito? Ang akala ko nag-aalala lang siya samin kaya siya sumama. He's a fake.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.
"Sir. Sino ba ang pumapatay doon? Sinong kriminal? Sinong ina-alayan ng buhay? Sinong tao?"
"Bantay siya ng School na yun. Hindi.. Tao. 'Akuma' (Japanese term for Demon) ang tawag nila"
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...