Chapter 41

244 6 0
                                    

Chapter 41

Lumuhod ako sa harap nila. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko sila ngayon.
Sinubukan ko silang hawakan pero tumagos lang ako.
Kaya mas lalo akong napa-iyak, Kung pwede lang sana..

Kung nakikita lang sana nila ako.

"Ma, Pa miss na miss ko na kayo.. Sana po magpatuloy kayong mabuhay kahit wala na ako. Gusto kong maging masaya lang kayo lagi"

Noon ay nag-uusap sila pero hindi ko marinig. Wala akong marinig na ingay sa paligid. Para bang nasa ibang dimensyon parin kami pero nakikita ko lang sila.

Sinubukan ko ulit na hawakan sila sa mukha pero tumagos parin ako.

Nagpunas ako ng luha at pilit na ngumingiti.
Ayos lang. Ang importante nakita ko sila. Ito ang pinaka-magandang regalo sakin ngayong birthday ko.
Salamat kay Denver.

Ilang minuto rin akong naka-upo sa harap nila at nakatitig lang sakanila.
Kung pwede lang sanang magdamag ko silang titigan ng ganito.
Namimiss ko lahat ng paglalambing nila sakin, yung pag baby sakin ni mama dahil ako lang ang nag-iisang nilang anak. At babae pa ako.
Si papa naman na medyo strikto pero mahal na mahal niya ako at ramdam ko yun.

Yung kapag may problema sila minsan ako ang laging karamay nila. Kapag nagkakaroon sila ng di pagkaka-unawaan, ako ang pumapagitna at pinagbabati sila.
Parang napaka-mature narin ng tingin ko sa sarili ko.

Mamimiss ko lahat ng yun, sana lang hindi sila mag-away ngayong wala na ako.
Pwede pa naman siguro silang gumawa ng anak, ng magiging kapatid ko. Para mapunan yung mga araw na wala ako.

Nakangiti akong umiiyak. Tinapik ako ni Denver sa balikat. Nandiyan lang siya at hindi umalis sa tabi ko.

"Hindi na tayo pwedeng magtagal dito. May limitasyon lang ang mahika ko para makapunta sa ganito kalayong lugar, mula doon sa lumang eskwelahan.. Ayos kana ba?"

Tumango ako, at marahang tumayo.

"Salamat, ayos na ako. Gumaan ang pakiramdam ko ngayong alam kong maayos lang sila"

Tumango siya sakin at ngumiti.

"Halika na"
Inilahad niya ang dalawa niyang kamay sakin, tsaka ibinukang muli ang mga pak-pak niya. Pero bago ko tinanggap yun, tumingin akong muli kina mama at papa na ngayon ay nakangiti pareho habang nag-uusap.

Nakakapanatag ng loob na makita silang ganun. Ayos na ako.

Inabot ko na ang kamay ni Denver.. At niyakap siya ng mahigpit.

Salamat sa anghel na 'to. Napakabuti niya na. Kung pwede lang sanang magsama na kami habang-buhay.

Tumulo nanamang muli ang mga luha ko, mabuti at hindi niya na nakikita dahil nakasub-sob na ang mukha ko sa balikat niya.

Ilang-segundo lang din ang tinagal at nakapag-teleport kaming muli papunta sa bahay.
Sa mundong iyon.

Pinunasan ni Denver ang mata ko.

"Masaya ka ba ngayong kaarawan mo?"

Tumango ako.

"Hmm.. Oo naman, maraming salamat! yun ang pinaka-magandang regalong natanggap ko sa buong-buhay ko"

"Talaga?"
"Hmm"

Hinimas niya ang buhok ko tsaka hinalikan ako sa noo.

"Pero.. Teka, paano mo pala nalaman na birthday ko ngayon eh hindi ko pa naman sinasabi sayo"

"Hmm.. Sabihin na lang nating, Anghel ako at nababasa ko ang iniisip mo. Nakalimutan mo na ba?"

Napatakip ako sa bibig ko.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon