Chapter 7
5mins. Na akong naghihintay pero 'di parin lumalabas si Liza.
"Hay, ang tagal naman.. Ano pa bang ginagawa niya sa loob?"
Pinapatunog ko ang sapatos ko sa sobrang pagka-inip.
"Hay!"
Nag-decide na akong pumasok ng cr."Liza? 'Di ka pa ba tapos?"
Nasa may pintuan pa lang ako, binuksan ko yun konti at tsaka ako pumasok.Iniwan ko lang na bukas ang pinto dahil madilim sa loob.
"Liza?"
Walang sumasagot.
Kaya isa-isa ko nang tinignan ang cubicle."Liza? Asan ka? Hindi magandang biro 'to. Maiiwan na nila tayo"
Medyo natataranta na ako sa loob.Nang panghuling cubicle na ay binuksan ko rin ito. Pero walang Liza.
Pinagpawisan na ako."Liza??! Nasaan ka?! Uh!"
Napakamot ako sa ulo ko sa pagkataranta at pagka-inis narin dahil iniisip ko na baka binibiro niya ako, pero hindi rin kasi kilala ko si Liza.Nasan na siya? Hindi pwedeng makalabas siya ng 'di ko nakikita. Tsaka walang ibang labasan dito.
"Liza?!!"
Isinigaw ko na ang pangalan niya, pero wala talaga.
Kaya naisip kong lumabas at humingi na ng tulong. Hindi maganda 'to. Alam kong kami ang masisisi dahil humiwalay kami.Ito na ba yung sinasabi nila? Nagpaparamdam na ba yung Akuma na yun? Yung Demonyo na yun oh kung ano man siya??
Tumakbo ako papunta sa may pintuan, bago pa ako makalabas ay bigla itong bumagsak pasara. Sa Sobrang lakas ay napapikit ako at napa-atras.
Hindi ko nagawang sumigaw.
Sobrang dilim sa loob. Tumulo na ang pawis sa noo ko at nag-umpisang kumabog ng malakas ang dib-dib ko.Lumapit ako sa pinto at pilit na pinipihit ang doorknob. Mas mabuti nang masira ang pinto para makalabas ako.
"Bumukas ka.. Bukas! Bukas..!"
Hinihila ko na at halos magwala na ako.
"Bakit ayaw? Kanina lang eh.. Napaka-rupok na nito?"
Napaka-dilim na sa loob at medyo bumibigat na ang pakiramdam ko.
"Tulong!! Tulong!! May tao ba diyan??! Nakulong ako dito sa loob! P-parang awa niyo na!!"
Kinakalampag ko ang pinto, at wala paring nangyayari.
Nagtigil ako sa pagsigaw nang may marinig akong tumawa.
Nanlaki ang mga mata ko nang gumapang ang kilabot sa batok ko.
Ayokong tumingin sa likod.
Mas lalo akong pinagpapawisan..
N-natatakot na ako.
Gusto ko nang makalabas. Gusto ko nang maka-uwi samin!"Hindi kana makakalabas. Hindi mo mabubuksan ang pintong yan kahit ano pang gawin mo"
Narinig kong may nagsalita mula sa likod ko. Malaki ang boses. Lalaki. Ayokong tignan dahil sa tingin ko na baka siya yung nakita ko sa bintana kanina. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nangangatog ako, totoong nangangatog.
Gusto kong maiyak. Iba pala sa pakiramdam ang makaranas ng ganito. Pero bakit parang.. Parang pinaka worst pa ang nangyayari sakin??!
"Si-sino nandiyan?"
Sabi ko habang nakatalikodWalang sumagot .
H-hindi ito totoo.
Napalunok ako. At marahang humarap habang nakapikit parin.
"Bakit ka nakapikit? Hindi mo pa nga ako nakikita, natatakot kana sakin?"
"Sabihin mo na lang kung sino ka?!"
Hindi ito nagsalita, pero naramdaman kong may humawak sa leeg ko, kaya napadilat ako.
Mabilis kong naisandal ang likod ko sa pader na gawa sa tiles ng cr, nang makita ko siya sa harap ko.
"Uh.. Uh- ah-"
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Isang lalaking mahaba ang buhok na hanggang bewang. matatalim ang mga matang kulay pula na nakatitig sakin, may matatalim na pangil at nakangiti.
Mahaba ang damit na suot na kulay itim. Siya nga yung nakita ko sa bintana kanina! Pero sino? Oh ano siya? Bakit ganyan ang itsura niya?Hawak niya ako sa leeg nang bigla niya itong higpitan.
"Ahk! ughh!.."
Ito yung nasa panaginip ko. Unti-unting nag puzzle sakin, yung sa panaginip ako at yung lalaking nasa bintana. Siya yun!Ito na ba ang katapusan ko?
Marahang dumaloy ang luha sa pisngi ko habang nagpupumiglas sakanya.
"Hindi mo ba kayang makawala? Ngayon nakita mo na ako. Naaamoy ko ang takot mo.."
Sabay halakhak"B-bit-bitawan m-mo a-ako.."
"Hmm.. Sige, bibitawan kita. Pag patay kana"
AniyaMas lalong hinigpitan ang pagkakasakal niya sakin, isang kamay lang ang gamit niya. Ramdam kong bumabaon na ang kuko niya sa leeg ko.
Wala rin akong tigil sa pag-iyak.
Natatakot ako sa maaaring mangyari sakin.Mamamatay na ba ako?
Sa kagustuhan kong makawala sakanya, halos sinisipa ko na siya dahil inaa-angat niya na ako.
"Ughhk.. Ugh.."
Kinakapos na ako..
Dalawang kamay ko ang pumipigil sa isang kamay niya.Kaya pinilit kong abutin na ng isang kamay ang mukha niya para maibaba niya na ako.
Nakita ko ang pagkunot-noo niya nang mahawakan ko ang buhok niya.
Nawala ang ngiti sa kanya.Tsaka lumuwag ang pagkakasakal niya sakin, pero kinwelyuhan niya ako, at malakas na ibinagsak sa semento.
Dahilan para mas manghina ako at unti-unting paglabo ng paningin ko.
"Siguro naman, hindi ka pupunta dito nang di ako kilala? Hindi kayo pupunta dito nang di niyo ako kilala. Mga mahihinang nilalang!"
Bago pa ako mawalan ng malay ay naglaho na siya sa harap ko. Bigla namang pagbukas ng pinto ng cr kung saan iniluwa nito sina Darlene, Zeik, Darren at John. Maging ang mga teachers.
Pero si Liza.. Wala si Liza.
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...