Chapter 30

237 10 0
                                    

Chapter 30

Lumipas pa ang ilang-araw..
Natutuwa ako dahil unti-unti nang nagbabago ang lahat. Unti-unting nagbubunga ang mga pinaghirapan ko. Namin pareho.

Alam kong gusto niya din magbago, at tinutulungan niya din ang sarili niya.

Halos buong mansion na ang unti-unting gumaganda, maliban lang sa labas na ganun parin ang itsura.

Malapit nang matapos ang buwan. Ano na lang ang mangyayari kapag nagbago ang lahat? Ibabalik niya ba ako samin? Oh habang-buhay na nga kaming magsasama dito?

Pero nangako na nga pala ako na hindi ko siya iiwan.

Isa rin ang ipinagtataka ko at kagabi ko pa iniisip, kung wala siyang gusto sakin.. Bakit natuwa siya nang umamin ako?

Bakit nang dahil dun mas lalong gumanda ang paligid, bakit hindi na siya nagagalit sakin? Bakit hindi niya na ako sinasaktan? Bakit.. niya ako gustong makasama habang-buhay?

Nawala na ba ang galit niya sa mga tao? Gusto kong malaman kung bakit.

Naghahanap ba siya ng may magmamahal sakanya? Yun ba?

Yung pagmamahal na matagal niya nang hinahanap, at gustong maramdaman. Kaya siguro galit siya sa mga tao dahil nagseselos siya.

Na baka agawin ng mga tao ang pagmamahal ng Diyos, para sakanya.

Makasarili siya sa totoo lang. Pero, hindi ba't lahat naman tayo.. gusto nating tayo lang ang minamahal ng mga taong mahal natin?

Siguro ang sitwasyon lang ang pinagkaiba. Masyado komplikado yung sakanya.

Sa tuwing kumakain kami ay hindi ako nagsasalita, oh kinakausap man lang siya. Gusto ko siyang iwasan. Ayokong umasa sa wala. Ako lang din ang matatalo sa huli.

Hindi pwede 'to, hinayaan ko ang sarili ko na mag-kagusto sakanya.

Napakasama niya sakin, pero bakit nagustuhan ko padin siya? Kalokohan 'to.

Alam kong nagtataka siya sa mga ikinikilos ko pero.. mas makakabuti na 'to.

Hinintay ko lang siyang matapos kumain bago ako nag ligpit at umakyat sa kwarto.

Walang ni isang salita siyang narinig sakin. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano habang nasa harap niya.
Mababasa niya rin lang ang iniisip ko.

Kung nandito lang sana yung mga munti kong kaibigan para may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko.

Ang lungkot pala ng ganito. Yung tipong ikaw lang ang may gusto. Tapos siya wala, alipin lang ang tingin niya sayo.

Masakit pala. Dati wala akong paki-alam kahit napaka-hopeless romantic ko, ngayon naiintindihan ko na ang mga kaibigan ko.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam. Ayokong gawan niya ako ng mga bagay na makakapag-palambot sa puso ko, yung makakaramdam ako ng pag-asa na gusto niya rin ako.

Kung bakit ba kasi ang daling mahulog ng isang taong gaya ko. Pinakitaan niya lang ako ng kaunting kabutihan, tapos biglang ganito na.

Nakadungaw ako sa labas ng bintana. Itong bintana lang lagi ang karamay ko. Mataas na ang araw. Gusto ko sanang lumabas.
Kaso, baka magalit siya. Mukhang hindi rin naman siya papayag.

"Hay.."

"Ang lalim ng buntong-hininga mo ah"

Nagulat ako nang biglang sumulpot ang isa sa kasamahan ni Denver sa may bintana. Lumilipad ito ngayon at nakatingin sakin habang nakangisi na
ikinakunot ng noo ko.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon