Chapter 3

306 11 0
                                    

Chapter 3

At dahil doon sa nangyari.. Hindi pumasok si Darlene kinabukasan.
Nilagnat daw sabi ng mama niya.

Sino ba namang di matatakot sa nakita namin kagabi? Hindi nga pala iyon nakita ni Darlene, pero yung nasa pinto na tinutukoy niya.. Hindi ko alam kung ano ang nandoon.
Kahit ako, natakot. Nakadama ako ng takot.

Balisa rin sila Zeik, John at Darren.

"Uy, anong nangyari sa inyo? Bakit absent si Darlene? May nakita ba kayo kagabi?"
Tanong ni Liza

Hindi makasagot ang mga lalaki. Tuliro.

Kaya sakin siya nagtanong.

"Liza, mas mabuti kung hindi ko na lang ikukwento sayo"

Tapik ko sa balikat niya.

"Pero.. ibig-sabihin may nakita kayo?"

Tumango ako.

"Huh!? kaya pala.. Si Darlene.. Kawawa naman si Darlene"

"Mabuti nga at di kana sumama samin. Baka kasi himatayin kapa. Mas matatakutin ka pa naman kaysa kay Darlene"

"Hmm.. eh ikaw Macy? Natakot kaba kagabi?"

"Oo, natakot ako. Sino ba namang hindi.."
Ayoko na sana ikwento sakanya. Ayokong ikwento yung babaeng nakita namin. Nakakatakot. Nakakapanindig-balahibo.

"Ibig-sabihin ba nun, naniniwala kana na may paranormal activities?"
Nagkibit-balikat ako.
Di ko sigurado kung.. Naniniwala na ba ako oh hindi parin. Nasa gitna ako.
Alam kong nakakita na ako ng isa pero.. Baka naman may paliwanag sa ganun. Hay ewan.

Breaktime*

"Guys, tignan kaya natin doon sa cctv ni Manong guard sa baba? hindi talaga ako mapakali eh"
Suggestion ni John

"Ako din eh. Hindi natin nakita yung itsura. Pero nananayo parin ang mga balahibo ko sa katawan"
Ani Zeik.

"Eh pano natin makikita sa cctv? ang dilim sa hallway"

"Diba nga nailawan ni Macy, kaya tara"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila para tignan ang cctv.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon