Chapter 33

246 10 0
                                    

Chapter 33

Napabitaw siya sa akin, marahan akong tumingin sa mga mata niya. Kita ko ang tila pagkadismaya niya.

Napaka-amo ng mukha niya. Napaka-layo niya na, kaysa nung una ko siyang nakilala.

"Bakit Macy? Ayaw mo na ba dito? Hindi ba't may usapan tayo? Sisira ka nanaman ba sa usapan natin? Hindi ba't nangako ka na hindi mo ako iiwan?!"

"Sino bang nagsabi sayo na gusto ko sa lugar na 'to? Totoo, gustong-gusto ko nang umuwi samin. Gusto ko nang bumalik. Nung nagtanong ka sakin kung may paraan pa para makabalik ako, babalik ba ako? Inisip ko na wala naman talagang paraan. Kaya sinabi kong hindi, kasi gusto ko na sumasaya ka, dahil kapag sumasaya ka.. gumaganda itong mundong ginawa mo. Gusto kitang tulungan na makabalik sa totoong tahanan mo, para makawala nadin ako. Para makalaya na ako"
Matamlay at wala padin ako sa sarili ko.

Natigilan siya ng mga sandaling 'yon.
Gusto kong maramdaman niya na ayoko na. Gusto ko nang umalis dito, tulad ng sinabi ni Zion.. Magiging hadlang lang ako sa kung anuman ang gusto nila.

Noo'y mahigpit niya akong hinawakan sa balikat at inuga ako.

"Wala ka lang sa sarili mo kaya mo nasasabi yan, hindi ka ba naging masaya nung mga nakaraan? Yung lagi tayo sabay sa hapag. Yung lagi tayong magkasama, hindi ka ba nakaramdam ng saya kahit kaunti? Huh? Macy?"

Hindi ko siya sinagot.

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa balikat ko.

"Yung sinabi mo sakin na gusto mo ako, hindi ba totoo yun? Sinabi mo lang ba yun para gumaan ang pakiramdam ko? Para mawala ang galit ko sa mga tao? Hindi ba totoo yon?!"

Umiling-iling ako habang nakayuko.

Noo'y naramdaman ko ang panlalambot ng kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

"Hindi ba't hindi mo naman ako gusto? Bakit parang mas nasasaktan ka pa kaysa sakin? Bakit ka nga naman magkakagusto sa-

Nabigla ako ng mamulang muli ang mga mata niya.

"Hindi mo ba naiintindihan? Lahat ng pinapakita at ginagawa ko para sayo, para sa taong katulad mo. Binago ko ang pagtrato ko sayo. Nung una hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to sakin, totoo ba 'to? Pero gusto kita. Ginusto kita. Alam kong hindi dapat.."

Itinakip niya ang kanang palad sa mukha niya at nakita kong tumatalim ang mga kuko niya. Yung itsura niya nung una ko siyang nakita sa eskwelahan, bumabalik sa dati.

At para bang abo na unti-unting natutunaw ang paligid. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

"Pero lahat ng sinabi mo sakin ay hindi pala totoo? Naniwala ako na gusto mo ako, ano nga naman bang mapapala ko sa isang taong kagaya mo. Alam kong mga likas na kayong sinungaling pero bakit.. naniwala parin ako?"

Noo'y humalakhak siya. Humahalakhak pero hindi maipagkaka-ila na nasasaktan ko siya.

"Pero nag sinungaling karin sakin! Tinago mo ang totoo na may paraan pa para makabalik ako"

"Dahil ayokong umalis ka. Yun ang dahilan. Ayokong kulitin mo ako, ayokong umasa ka pa na makakabalik ka sa inyo. Kasi ikaw narin ang nag-alay sakin sa sarili mo! Ikaw, ang pinaka-unang taong gumawa nun. Kaya ginagawa ko ang lahat para hindi ka maka-alis dito"

Noo'y muli siyang tumawa, humarap siya sakin at kitang-kita ang pagbabago ng itsura niya.

Mapupulang mga mata, may mga itim na marks sa gilid ng mata at mukha niya, matatalim na pangil at kuko, at maitim na labi.

Parang demonyo talaga ang kaharap ko. Parang ibang nilalang.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero hindi ako natatakot sakanya.

Unti-unti siyang lumapit sakin, diretso akong nakatitig sa mga mapupula niyang mata. Para akong na-hypnotized, hindi ako makaiwas ng tingin.

Pero nabigla ako nang may parang dugo na lumalabas sa dalawang mata niya.

"Aaahh!" Daing niya na parang may masakit sa kung saan.

Hinawakan niya ang kaliwang dib-dib niya na parang nasasaktan.

Anong nangyayari?

"Denver? Anong.. anong nangyayari sayo?"

Napaluhod siya noon, kaya nataranta na ako. Hinawakan ko siya sa balikat at pilit na inaalam kung anong nangyayari sakanya.

Dumadaing siya sa sakit na hindi ko malaman kung anong dahilan.

"Denver!"

Hinawakan ko siya sa mukha niya at pilit inangat ito.

Namuong kulay pula na ang mga mata niya na mas naging nakapangingilabot ang itsura.

Patuloy ang pag-agos ng dugo sa mga mata niya pero di ko yun alintana. Pinunasan ko yun gamit ang palad ko.

"Magsalita ka, anong nangyayari sayo?"

Gusto ko nang maiyak, natatakot na ako sa nangyayari sakanya.

Pinikit ko ang mga mata ko at mahigpit ko siyang niyakap. Isinandal ko ang ulo niya sa dib-dib ko at taimtim na nagdasal.

Diyos ko, patawarin niyo ho ang Anghel na ito sa lahat ng mga kasalanan niya. Mangangako ako, tutuparin ko na.. na kahit kailan hindi ko siya iiwan.

Alisin niyo siya sa kung anumang sakit ang nararamdaman niya ngayon.

Noo'y unti-unting nawala ang pagdadaing niya, marahan ko siyang inilayo sa akin at tinignan siya sa mukha.

Ganon parin, walang pagbabago. Pero parang wala siyang malay.

"Denver?? Gumising ka. Denver!"

Hindi siya nagsasalita.

"Denver! Gising! Wag kang mamamatay! Ayaw mong iwan kita, pero ako iiwan mo? Kahit kailan talaga hindi ka naging fair sakin!"

Tuluyan na akong naiyak, mukha na talaga siyang patay habang hawak ko siya. Hindi maaari 'to. Ano na lang ang mangyayari?

Gayon din ang buong paligid na unti-unting bumabalik sa dati.

"Gumising ka! Hindi na ako aalis! Hindi na kita iiwan. Kung yun ang gusto mo. At.. at yung sinabi kong gusto kita, hindi ako nag-sisinungaling doon. Kasi gusto naman na talaga kita! Kaya please! Wag kang mamamatay.."

Maya-maya pa ay may sobrang liwanag na lumitaw sa kung saan na nagpasilaw sakin.

Sa sobrang liwanag, hindi ko kayang idilat ang mga mata ko.

Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon