Chapter 53

222 4 0
                                    

Chapter 53

"Pasensiya na Macy kung sasabihin ko 'to pero.. Hindi kaya mas mabuting kalimutan mo na lang siya? Oo, alam kong may pangako ka sakanya. Sabi mo nga. Pero wala na siya hindi ba? Sa ibang dimensyon siya nakatira. Paano natin siya makikita? Paano pa kayo magkikita?"

Nagtigil na ako sa pag-iyak noon pero tulala ako.

"Kalimutan? Mahirap Darlene.."
Bigla na lang akong natawa

"Macy?"

"Nakakatawa lang isipin na, ganito pala magiging resulta pag na-inlove ako. Kaso sa hindi tao. Sa Anghel pa. Kung iisipin mong mabuti parang.. Sa Fairytale lang nangyayari pero sakin.. Totoo talaga"

Tumayo noon si Darlene at tumawag sa telepono ng Hotel para magpahatid ng pagkain.
Naalala kong hindi pa pala ako kumakain. Natiis kong hindi kumain. Wala rin naman akong gana eh.

Dumating din naman agad yung pagkain. Lumalalim na ang gabi. Di pa kami natutulog.

"Pag midnight snack na lang muna ito tapos bukas kumain tayo ng marami ha. Para hindi kana malungkot diyan"

Tumango na lang ako.

****

"Gusto mo bang puntahan pa natin ang lumang eskwelahan?"
Tanong ni Darlene habang nag-aalmusal kami. Ni hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

Napatingin ako sakanya.

"Puntahan? Sigurado ka?"

"Hmm.. Ayoko namang nakikita kang malungkot diyan. Sasamahan kita. Kung..Halimbawa mang makita natin yung sinasabi mo.. Eh di ipapasama na kita sakanya. Kaysa naman unti-unti mong patayin ang sarili mo dito"

"Huh? Ano bang sinasabi mo Darlene. Mag-iisip yun sila mama kung bakit ako nawala tsaka kasama na kita ngayon. Ikaw ang mapapasama. Okay kung mag-isa lang ako kasi hindi kita madadamay"

"Eh di sasabihin ko hindi mo ako kasama, sasabihin kong wala ka namang sinabi. Kasi yun naman talaga ang ginawa mo"

Bumuntong-hininga ako.

"Sige, subukan natin..
Baka sakaling makita ko siya.. Sana"
Kahit na alam kong imposible na pero umaasa parin ako.

Pagkatapos naming mag-almusal ni Darlene, inayos ko na mga gamit ko. Umalis din kami agad.

Nahirapan kaming kausapin yung mga taxi driver na pumunta doon sa lugar na yun. Natatakot daw kasi sila. Hanggang sa..

"Ma'am dito na po kayo sakin!"
"Oh! kayo ulit manong!"
"Dito talaga ako banda nagruruta eh. Pupunta ho ba kayo ulit doon? makikita niyo na ba siya?"

"Uhm.. Hindi ko pa sigurado.. Sana"

Sumakay din kami agad ni Darlene.
"Kilala mo Macy?"
"Hmm.. siya yung naghatid sakin sa eskwelahan tapos siya rin naghatid sakin sa hotel"

"Ahh, ang bait naman pala ni Manong. Sige ako na magbabayad sakanya. Dodoblehin ko dahil tinulungan ka niya"

Napangiti ako. Sa wakas napangiti rin ako kahit konti lang.

"Salamat ah"
Tinapik ko siya sa balikat.

****

Nakadaan ulit kami sa malubak na kalsada.
Medyo basa pa ang lupa dahil sa pag-ulan kahapon.

"Alam mo Macy, ang tagal ko ring hindi nakita ang lugar na 'to. Pero nakakakilabot parin"

Hindi ako nakakaramdam ng kilabot, pero pagkasabik. Oo, pagkasabik sa lugar na 'to. Umaasa parin ako na sana makita ko siya. Kapag hindi ko pa siya nakita ngayon.. Uuwi na kami agad.
Nasaan na kaya sila napunta? Yung mga maliliit kong kaibigan. Sina Zion at Denver nasaan na sila?

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon