Chapter 62

199 7 0
                                    

Chapter 62

"God forgave me. Kaya ginawa niya akong tao. He said na, masyado kong tinupad ang gusto niya na magmahal ng isang tao. Sa totoo lang di ko naman talaga ginawa ang gusto niya. Hindi ko gusto lahat ng tao. Iisang tao lang ang ginusto ko.
Sinabi ko na i'm still going to kill people kung para sa'yo"

Napalunok na lang ako. Ano pa ba ang dapat kong sabihin?

Wala akong masabi kaya inubos ko na lang ang pagkain ko. Pero may isang bagay akong naalala.

"Uhh. Salamat sa pagsagot isa-isa ng mga tanong ko pero.. yung mga kaibigan kong devata noon? nasaan na sila?"

Ngumisi siya at sumulyap sa likod ko.

"Yan sila.. Ginawa kong care-taker ng lugar na 'to. Nasa 30 sila kaya mas okay pag mas marami. Gusto ka daw nilang makita kaya.. Hayan sila"

Lumingon ako sa likod ko, napatayo ako dahil may pamilyar na mukha akong nakita.
"Eleazar??"
Tumango siya sakin at ngumiti.
H-hindi ko napansin na sila pala.. Nasa likod ko lang sila!

Maluha-luha akong lumapit sakanila, pati sila.. Sinama ni Denver. Hindi ako makapaniwala.

katabi ni Eleazar ang isang batang babae.
"Hi ate"
Sabay kaway niya sakin.
"Elsa!"

Hindi ko napigilan at napayakap ako sakanila.

"Sobrang namiss ko kayo! Hay, salamat at nagkita-kita tayo ulit! naging tao narin kayo!"

Marahan akong nagpunas ng mata habang ngitinh-ngiting nakatingin sakanila.

"Oho, salamat kay Denver"

Lumingon ako kay Denver at ngumiti sakanya.

"Salamat"

Ngumiti rin siya noon. Tsaka tumayo.

"Hindi yan ang gusto kong marinig mula sayo"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas.

"Enjoy the view"

Humampas sa buhok ang napaka-sariwang hangin. At ang pag-kinang ng tubig dagat dahil sa araw.
Sobrang-linaw.

"Ang gandaa! Whoaa! grabe! Hindi ko akalaing may totoong lugar na ganito. Ganitong-ganito sa mundo mo! Namiss ko ito ng sobra Denver! Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo. At doon sa surpresa sa hotel"

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon