Chapter 38
Sinabi sakin nila Zion na wala na silang interes pang manakit ng mga tao pagkatapos ng nangyari, makakatulong din daw yun para mabilis silang maka-akyat ng langit.
Mukhang pinagsisisihan na nila ang lahat. Pinalibutan nila ng mahika ang lumang eskwelahan para wala nang makapasok. Hindi ito makikita ng mga ordinaryong mata ng mga tao. Invisible ito sa mga paningin nila.
Mas okay narin, kung sana dati pa nilang ginawa yun.Sa ngayon ay tinutulungan ako ng mga kaibigan ko na bantayan si Denver. Halos magdamag akong nasa kwarto niya. Hindi ako umaalis. Yung mga diwata ang naghanda ng pagkain para sakin, kahit na wala akong gana.
Tulog parin si Denver.
Naka-upo ako sa sahig at nakapatong ang mga kamay ko sa kama habang hawak ang kamay niya."Gumising kana please, pangatlong-araw na 'to simula nang may masamang nangyari sayo.. Ang tagal mo nang natutulog. Gumising kana, miss na kita"
Pinipisil-pisil ko ang palad niya..Maputla parin ang mukha niya. Pero hindi siya malamig.
Yung mga sugat niya andun parin pero naka-benda na ito."Macy, kumain kana muna. Nagpapalipas kana naman ng gutom"
Tawag sakin ng matandang devata, ngayon niya lang sinabi ang pangalan niya.. Eleazar."Wala po akong gana.. Kapag nakikita ko siyang ganito, hindi parin nagigising, pakiramdam ko kahit alam kong di siya mamamatay eh parang mawawala parin siya sakin. Natatakot ako, ano bang dapat kong gawin?"
"Hindi niya kinaya yung mga natamo niyang pinsala. Kung isa siyang mortal, malamang ay patay na siya. Pero hindi. Matagal na siyang natutulog para maayos lahat ng sugat sa katawan niya. Isang mahabang pahinga ang kailangan. Tama lang yan Macy, antayin mo lang na magising siya"
"Wala bang ibang paraan para mas mapabilis? Yung pag-gising niya?"
"Ang tanging paraan.. Manatili ka lang sa tabi niya. Iparamdam mo sakanya na nandiyan ka lang palagi, mararamdaman niya at bibilis ang pag galing niya.. Para sayo"
Napangiti ako sa sinabi niya.
Kailangan ko lang maghintay, hindi ako mapapagod.
Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Zion. Gusto ko sanang itanong kay Eleazar kung totoo lahat yun.
Pero natatakot akong malaman ang isasagot niya.
"Oh siya kumain kana diyan. Sumipol ka lang kung kailangan mo kami"
Aniya sabay aakmang lalabas na ng kwarto. May parte sakin na gusto kong malaman mula sakanya.
"T-teka, Eleazar.."
BINABASA MO ANG
Fallen Angel [Completed]
Fantasy[FIL/ENG] The Devil is Real. And he's not a little red man with Horns and Tail. He can be Beautiful. Because he's a Fallen Angel. And he used to be God's Favorite. **** A Fantasy Horror Story Wrote by The Common Writers. Some of the places are real...