Chapter 43

228 4 0
                                    

Chapter 43

Ika-apat na buwan ko na dito. Ang saya na kasama sila. Kahit na kokonti lang kaming nandito importante.. kasama ko si Denver. Oh kahit kami lang dalawa ay okay na..

Nitong mga nakaraang-araw ay meron akong hindi maintindihan sa sarili ko. Madalas na akong mapagod at mang-hina kahit na hindi ganun kadami ang ginagawa ko.
Minsan eh nahihilo pa ako, parang gusto kong mahimatay kaya iniinuman ko na lang ng tubig. Hindi ko sinabi kay Denver dahil ayokong mag-alala pa siya.

Hindi ko alam na pwede rin pala akong magkasakit dito, wala namang kahit na anong gamot dito na pwedeng magpabalik sakin sa dati kong sigla..Masigla ako sa harap nilang lahat, pero kadalasan talaga hindi ko rin kinakaya.

Ano bang nangyayari sakin? nakikita ako ni Denver na halos matutumba na ako.

"Macy!! uy Macy! anong nangyayari sayo?"

"Denver?.. Bakit.. Anong nangyari?"

"Halos himatayin ka. Masama ba pakiramdam mo? may masakit ba sayo?"

Umiling ako.

"Wala naman, pasensiya na.. baka pagod lang ako. Oh di kaya kulang ako sa tulog. Nung mga nakaraang araw kasi eh.. Medyo hindi ako dinadalaw gaano ng antok"
Nagdahilan na lang ako.
Ayokong mag-isip ng kung ano sa harap niya.

"Hay, ganun ba? magpahinga ka ngayon. Matulog ka magdamag para bumalik ang lakas mo. Wag na wag ka na munang gagawa ng kung ano"

Tumango ako.

Kahit ako hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.

Pumasok ako sa kwarto at padapang humiga sa kama, at huminga ng malalim.

Tumihaya ako at inilagay ang kamay sa noo ko.

"Ano bang nangyayari sakin?"

"Macy?"
Isang boses ang narinig ko mula sa bintana.
Tumayo ako at sinilip iyon.

"Eleazar! nandiyan ka pala. Pasok ka"

"Hmm.."

"May kailangan kaba?"

"Bibisitahin ka lang sana namin, kaso sabi ni Denver ay masama ang pakiramdam mo. Hindi niya alam na pinuntahan ka namin, di kasi siya papayag"

"Salamat ah, Oo medyo nga. Hindi ko maitindihan kung bakit eh. Nahihilo ako minsan, tapos paranga mawawalan ako ng malay pero nilalabanan ko. Tapos mabilis akong mapagod. May alam ka ba sa nangyayari sakin?"

Fallen Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon